Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ng Cafeteria ng biglang may nanghila sakin, and it was him.
Hinila niya ako sa lugar na walang katao-tao at agad binitawan.
" Ano ba?" Sigaw ko.
" Yun na yun?"
" Anong yun na yun?" Nagtatakang tanong ko.
" Ano bang klaseng care yung pinakita mo sa kanila, parang di nga naniniwala si Steph dun ehhh."
" Ano bang gusto mo ha?"
" Yung pa-sweet. Para namang walang epekto nun sa kanila eh."
" Ok fine. Gagalingan ko na, happy?"
" Tss." Sabi nito at iniwan ako. Ito talagang lalaking to, jusko ang sarap kotongan. Kung pwede lang, kainis.
Pumunta na agad ako sa classroom at nakinig na lang. Haysttt bukas na pala yung sa mga club na dapat mong salihan. Sana makuha ako sa Art Club, pangarap ko kasing makapasok dun ehhh, ilang beses na akong nag-try pero wala talaga, haysttt.
" Miss Cortez, someone was searching for you, you are excuse you may go out." Tumango lang ako kay Maam at lumabas na.
" Leyl!"
" Yes Miss?"
" Dean wants to see you, please go to her office right now."
Tumango lang ako at nagpasalamat sabay punta sa office ni Dean, hindi na ako nag-abalang sabihan ang dalawa kasi nagmamadali na talaga ako.
Kumatok muna ako sa opisina ng may sumagot ay pumasok na ako sa loob.
" Best Morning Dean."
" Morning, take a sit hija." Sabi nito sa'kin habang nakangiti, tinanggal niya ang specs para maayos akong tingnan. Nasa mid 40s pa ata to si Dean, o di kaya'y late 30s dahil ang bata niya pang tingnan, pero makikita mo na may mga puting buhok na siya sa may kaliwang tenga at sa harap.
" Bakit niyo po ako tinawag Dean?"
" Because I want you to meet your partner in Painting, he's a famous artist in Europe, he's painting is one of a kind."
Hmmm, he? So it means lalaki? And first time kong sumali sa patimpalak na pang-dalawahan, ako lang kasi ang sumasali, solo artist kumbaga. At kahit na private 'tong pinasukan kong paaralan ay nakakapag-aral naman ako dito nang walang problema dahil libre lahat sakin. Scholar kasi ako dito ehhh! Kaya lang mahirap i-maintain yung grade basta scholar ka pero isa naman akong top achiever sa school kaya ok lang.
Narinig ko ang tunog ng pintuan pero di ko siya nilingon, ha, mas magaling pa rin ako sa kanya kaya pasensya siya.
" Ohhh he's here, take a sit Mr. Araneta?"
Whuttttt? Pagbaling ko sa lalaking nakaupo sa harap ko ay ang asungot pala ang tinutukoy ni Dean.
" This is--"
" We already meet Mademoiselle, she's my classmate."
" Oh! Since you're already know each other, let me tell you about the rules and regulations of the contest proper."
Buong araw kaming nandun sa office ni Dean dahil kailangan naming mag-ensayo dahil next month na pala ang contest at next week na ang contest na sasalihan ko for my last solo participation.
5 painting about nature lang ang natapos ko sa buong araw kaya nung pinauwi kami ay wala na akong energy sa pag-uwi. Naubos lahat. Kaya plano kung pumunta sa convenience store para bumili ng makakain ko.
" Psst crazy girl, where are you going?" He asked.
" Bakit sasama ka?"
" Hindi ka naman siguro pupunta sa impyerno diba? So sasama ako?"
Aba sumusobra na tong lalaking to ahhh! Anong akala niya sakin si Satanas?
" Alam mo yang pagiging ganyan mo, sigurado ako na di ka aangat niyan...hmmm...hmmm." Bigla na lang niyang tinakpan ang bibig ko ng tinapay at hinatak sa may madilim na eskenita.
Bigla kong hinawakan ang sarili ko, ba't ba to nanghihila? May balak ba siyang gahasain ako? Wahhh Panginoon wag niyo po akong hayaang mapunta sa masama, iligtas niyo po ako...
" Hmmm...hmmm."
" Wag ka ngang maingay." Bulong niya sakin.
Lord eto na ba katapusan ko? Kung oo sana naman po maganda ako sa burol ko ha.
" Nasaan na yung lalaking yun?" Tanong ng mga armadong lalaking may mga bitbit na baril sa kabilang kamay. Nanlaki agad ang mata ko at tiningnan siya.
" Isang ingay mo pa, mapapatay talaga tayo dito." Tumango na lang ako at nanahimik. Nasa malayo na ang mga 5 lalaki kaya lumabas na kami ng dahan-dahan at nakita ko na pinaharurot na nila ang isang itim na SUV.
" Sino ba yun ha? Naku, isa ka atang kriminal kaya ka pinaghahanap."
" Sa gwapo kong to? Magiging kriminal?"
" Oo, at isa pa wag kang sasama-sama sakin baka madamay ako, ayoko pa namang mamatay ng maaga. Hindi ko pa natutupad ang pinangako ko sa kapatid ko. Huhu..."
" Wag ka na ngang mag-drama, di ka pa naman kagandahan, lika na punta na tayong convenience store. My treat." Pag-iiba niya ng usapan na ikinatango ko na lang.
Gusto kong pumatay ngayon ng demonyo? Pwede po ba Lord?
Inirapan ko na lang siya at sumunod na sa kanya.
Pagpasok namin sa convenience store ay agad akong kumuha ng maraming pagkain para sa amin ng kapatid ko. Bread, milk, mga chichirya, at iba pa.
" Ba't ang dami?" Reklamo niya.
" Wag ka nang magreklamo, sabi mo libre mo kaya dinamihan ko na, minsan lang ako nakakatanggap ng grasya nohhh!" Sabi ko sabay tawa at taas ng kilay.
" Mauubos pera ko sayo sa tuwing kasama kita."
" Ba't ka pa kasi sumasama-sama?"
" Wala lang, wala akong magawa sa buhay ehhh!"
" Wala kang magawa? Sa yaman mong yan? Magbigti ka na lang para naman mabawas-bawasan ang masasama sa mundo."
" Ang sungit mo kaya walang nagkakagusto sayong mga lalaki."
" I don't need men in my life, my family is enough."
" Buti ka pa may pamilya, hayst."
" Bakit? Saan ba mga magulang mo?"
" Nandun sila sa ibang bansa, nagtatrabaho."
" Yun naman pala ehhh, para din naman yun sa kinabukasan mo. Ehhh yung mga kapatid mo?" Tanong ko habang ngumangatngat ng tinapay, gutom na talaga ako, huhu.
" Patay na ang kapatid kong lalaki at sakin sinisisi ng mga magulang ko ang pagkamatay niya at ang kambal kong babae ay nawawala."
Napatigil ako sa pagkain ng tinapay dahil sa sinabi niya, pareho lang pala kami ng sinapit, nalulungkot ako para sa kanya.
" Alam mo, kung ako ang tatanungin, bakit kita sisisihin, wala kang kamuwang-muwang, masyado ka pa sigurong inosente noon kaya dapat di ka nila sinisisi."
" Kasalanan ko naman talaga ehhh! Napabayaan ko ang kapatid ko ng mabaril siya at di ko man lang siya naipagtanggol."
" Wala kang kasalanan Dale, don't let your past hunts you, sige ka baka multuhin ka ng kapatid mo... Hahahah."
" Maybe I really need to move on and walk forward."
" Good boy." Sabi ko habang nakangiti.
" How can you comfort me with your amazing laugh and smile?"
____________________________________________________________________________
Closer You and I by Gino Padilla
Don't forget to follow me....
Luvlots Caps 😘...
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Novela JuvenilShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...