Bigla na lang niya akong hinila at dinala sa isang boutique. May lumapit na mga saleslady sa amin pero ang mga ito ay nakatingin lang kay Dale. Tsk.
Inirapan ko na lang sila at umupo sa may couch.
" Ahhh Maam bawal pong umupo dyan." Sabi sakin ng malanding saleslady.
" So anong ginagawa ng upuan dito kung di naman pala pwedeng upuan? Lamesa?" Sarkastikong saad ko. Inirapan naman ako ng mga ito kaya nanlilisik ang mga mata ko na bumaling dito.
" Sit there babe, mamimili lang ako ng damit na susuotin mo." Sabi ng asungot na ikinataas ng kilay ko.
Babe?
Tsk.
Tinanguan ko na lang ito umalis naman ang bwisit. Nilingon ko ang babaeng umirap sakin at nakita ko ang panginginig nito.
" What are you looking at? Get back to your work bitch!" I said calmly but dangerously.
Agad naman itong bumalik sa pwesto nito at itinuon ang sarili sa trabaho. Tsk, akala mo kung sinong matapang. Nakaupo lang ako sa upuan hanggang sa makalipas ang isang minuto ay may rack nang damit ang humarang sa harap ko.
Magrereklamo na sana ako ng marinig ko ang familiar na boses naging dahilan ng pagtibok ng malakas puso ko.
" Choose and get dressed. Lumabas ka after mong masuot para masuri ko kung ok lang ba o hindi."
Hindi na ako nagreklamo baka humaba pa ang usapan. Kumuha ako ng dalawang damit, ang isa ay kulay gray na whole dress na may mahabang slit mula tuhod hanggang malapit sa singit at isang tube black dress na may mga glitters na nakapalibot dito.
Pumasok ako sa loob ng fitting room at sinukat iyon. Pagkalabas ay tinawag ko si Dale at tiningnan naman niyo iyon. Umiling ito bilang hindi pag-sang-ayon. Ayyy ayaw.
Kaya yung tube naman ang isinuot ko at ayaw pa rin hanggang sa halos maubos na ang damit na nasa rack ay wala pa rin itong mapili. Nalilito na ako ahhh.
" Eto na lang po Maam," abot sakin ng saleslady.
" Yan po ang isa sa mga rare na damit dito sa mundo."
Kinuha ko na lang ang damit na inabot nito at sinukat. Tumingin ako sa salamin at nakita ko na maganda nga. Kulay dark blue ang kulay at may mumunti-munting mga bituin ang nakadikit dito, backless ito kaya kita ang likod ko. Tsk agad akong lumabas at ipinakita kay Dale ang damit.
Nakita kong natulala ito kaya pinitik ko ang noo niya.
" Aray!"
" Anong masasabi mo? Bagay ba?" Tanong ko.
" Isang reklamo na lang Dale, masasapak na talaga kita." Pagbabanta ko ng magsasalita na sana siya.
" Ok na yan, halika na."
" Hoy yung damit ko naiwan sa fitting room."
" Papakuha ko na lang."
Ano bang pinagmamadali nito? Kainis.
" Saan ba tayo pupunta?"
" Basta." Nakita ko na lumulubog na ang araw, ganun kami katagal sa loob ng mall, tsk.
Sumakay na lang ako sa kotse at di na nagtanong pa.
Habang nasa kotse kami ay narinig kong may kinakanta siyang familiar.
" In fairness ang galing mong kumanta ha, pero mas magaling pa sa'yo si Lee."
" Kung alam mo lang Leyl." Sabi nito na nagpagulo sa isip ko.
" What do you mean?"
" Just forget about it. I have a question."
" Ok pero tatanungin din kita after kong sumagot sa tanong mo, deal?"
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Teen FictionShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...