Nagsimula na ang audition sa bawat mga Club kaya kanya-kanya muna kami ng pupuntahan ni Hera ngayon. Pumasok ako sa loob ng Art Club at sinimulan na ang audition ko, natanggap naman ako kaya pumunta agad ako sa Music Club at di ako makapaniwala na nandun din si Dale. Shit, bigla na lang naghuhurumentado ang puso ko pag nandito siya.
Ano bang nangyayari sakin?
" Hello everyone, welcome to Music Club!" Announce ni Marcus na siyang President ng Club.
" Himala ang daming dumalo ahhh! Ohhh sa lapag na lang kayo magsiupo dahil kulang yung upuan dahil sa dami niyo." Announce naman ni Kyra na siyang assistant o Vice ni Marcus.
Umupo agad ako sa lapag at nakinig sa sinasabi nila.
" Ok listen everyone, I have a very important announcement. Malapit na ang Interhigh at kasali ang paaralan natin sa isang Live Band kaya kailangan natin itong paghandaan. Dahil sa mahigit 200 kayo, 50 lang ang kukunin namin--"
" Wait!" Sigaw ni Kyra.
" Ano ka ba naman Marcus, ngayon lang tayo nagkaroon ng napakadaming nagpa-register tapos kukunin mo pa is hindi man lang nagkalahati." Reklamo naman ni Kyra, kahit hindi siya mag-mic ay rinig pa rin ang boses nito dahil sa lakas ng pagkakasabi.
Biglang bumalik si Marcus sa stage at nagsalita.
" Ok, alam kong ilan sa inyo ang ipinunta rito ay dahil sa dalawang yan, so pwede na kayang umalis, the door is widely open." Sabi ni Marcus.
Tatayo na sana ako ng halos lahat ng mga nagpa-register ay napatayo kaya napanganga si Marcus at pinaupo ulit sila.
" Sige, ganito na lang, maglalaro tayo ng isang napakagandang laro bilang initiation rites. Ang matatalo ay siyang aalis, maliwanag?" Sabi ni Marcus na ikinatango na lang namin.
Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking to? Nabalitaan ko kasi noon na maraming umalis dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nito. Oh well, wag naman sana.
Pinabihis kami ng gray na damit at inumpisahan na ang laro. Unang naglaro ay ang mga lower level which is Grade 7, then kami.
Pumwesto na ako sa gitna ng biglang mag-announce ulit si Marcus.
" Dale and Lee, sumali na kayo dito, walang exempted."
Napatayo ang dalawa at pagtingin ko ay isang nakakaliyong tingin ang bumungad sakin na nagdulot ng labis na pag-alburuto ng puso ko. Shit!
Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at itinuon ang paningin kay Marcus.
" Magka-pair ang laban nato, its called, Stop Dance." May naglagay sa paanan ko ng manila paper at napaangat ang tingin ko sa partner ko. Of all people, bakit siya pa? Geez.
Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa harap hanggang sa magsimula na ang tugtog.
Sumabay lang ako sa indayog ng musika at nung huminto ay sabay-sabay kaming umapak ni Dale sa Manila Paper. Ganun ang nangyari sa amin sa mga sumunod na oras, lumiit ng lumiit ang papel dahil sa kakatupi, hanggang sa isang paa na lang ang pwedeng magkasya.
Nagpraktis kami kung paano yun gawin, at na-perfect naman namin. Kaya nagsimula na ang tugtog. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko dahil baka matalo kami ni Dale kaya ginalingan ko talaga. Nung huminto na ang music ay umapak ako sa paa niya at sa di inaasahang pagkakataon ay muntik pa akong matumba kaya lang nahawakan agad ako ni Dale sa beywang.
Buong tao sa Club ay sumisigaw at kinikilig sa amin pero di ko sila pinansin, parang bumagal ang ikot ng mundo nung nakita ko ang gray niyang mata at nanlalabo ang paningin ko sa paligid namin, parang kami lang ang tao dito.
Nakita kong kumislap ang mata niya at napatingin ito sa labi ko kaya napabalik ako sa ulirat.
" Congrats Leyl and Dale, you won, pasok na kayo sa Club! Congrats once again. Pero Leyl you need to play an instruments for your audition pero next week pa naman yun so pwede mo pang paghandaan." Sabi ni Marcus na ikinatango ko.
What had just happened? Am I dreaming? Bakit nanlalabo at bumagal ang paligid?
Paranoid lang ata ako.
Oo, baka paranoid lang ako.
Agad akong pumunta sa may gilid at tiningnan ang mga higher level na nag-i-enjoy.
Bigla namang may tumabi sakin kaya napakislot ako...
" Anong nangyari sa mukha mo Leyl? Ba't nanlalanta ka?"
" Lee!" Nagulat kong sabi.
" Nagulat ba kita?"
" Ah di naman, ano kasi, uhmmm, wala...hehehe."
" Ahhh, gusto mo lumabas muna, may lugar ako dito sa paaralan kung saan makaka-relax ka."
" Lugar?"
" Actually, oo. Ang totoo niyan, matagal na talaga kaming nag-aaral dito ni Dale, simula Elementary hanggang Grade 7 kaya lang lumipat kami ng school sa kalagitnaan ng pasukan, doon namin pinagpatuloy ang pag-aaral sa Europa."
" Kaya pala."
" Kaya pala ano Leyl?" Nagtatakang tanong ni Lee.
" Ahh wala." Kaya pala kilala sila dito at ganun na lang ang disgusto ng mga tao sakin. Sino ba naman kasi ako diba? Isa lang naman akong hamak na commoner sa school na'to. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang utak ko at kakayahan ko sa pagguhit at pagpinta...hayst.
Napatango na lang si Lee sa sinabi ko at hinatak na ako ng di ko namamalayan tungo sa lugar na sinasabi niya. Maybe ito na ang oras para sabihin ko sa kanyang crush ko siya.
" Bakit ka pala sumali sa Music Club diba parating sa Art Club ang bagsak mo?"
Patay, anong idadahilan ko nito? Isip self isip.
" Ah ano kasi uhmmm, para maiba, oo ganun, para maiba naman yung atmosphere ko atsaka magaling naman akong kumanta."
" Talaga? Magaling ka?"
Tumango ako.
" Oummm, kaya lang di ako marunong maggitara, gusto ko pa namang matuto."
" Maggitara?" Tango ulit.
" Pwede naman kitang turuan dyan ehhh, kung ok lang sayo."
" Talaga Lee?!" Manghang saad ko. Tumango lang ang lalaki sa'kin, ghad ang saya naman nito, mapapalapit na rin ako sa kanya.
" Nandito na tayo."
Nagtaka ako kasi may pintuan dito tapos kinakalawang na sa gitna ng garden. Agad niyang binuksan ang pinto gamirmt ang susi na nasa leeg niya at pinapasok ako.
" Lady's first." Nginitian lang ako nito at nginitian ko na din siya sabay pasok.
Namangha ako sa nakita ko, isa iyong garden na may mga instrumento na nagkalat, tapos may isang parang shield na nakaprotekta para di masyadong mainit sa pakiramdam, may batis at ilog sa malapit at may isang puno ng mansanas ang mayabang na nakatayo sa may gilid nito. Di ko maiwasang mamangha sa nakita ko.
" Sayo ba talaga to?" Tanong ko.
Tumango lang siya.
" Dito ako nagmumuni-muni o di kaya'y nagpapraktis maggitara noon."
" Ang ganda naman dito, para akong nasa paraiso."
" Pinatayo ko to dahil kalahati ng eskwelahan na'to ay pag-aari ng pamilya ko at para na rin makapag-relax ako. Eto ohhh, sayo natong spare key ko dito." Nagulat ako dahil binigay niya talaga sakin ang isang susi.
" Sikreto lang natin tohhh Leyl, at kapag may nakaalam nito, may parusa ka sa'kin."
" Ano yun?" Curious kong tanong.
" Aminin mo sa buong school na mahal na mahal mo si Dale."
Pucha, naloko na...
____________________________________________________________________________
Soundtrack: Crazier by Taylor Swift
Bumabawi na ang lola niyo sa update, masyado kasi akong busy sa life, sensya at natagalan...
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Teen FictionShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...