Tulala lang ako hanggang sa pag-uwi ko, shit anyare ba sakin?
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang nakahandusay kong kapatid na babae, puro dugo. Bigla na lang akong napaiyak at nagsusumigaw sa labas para lang madala ang kapatid ko sa hospital.
" TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO! PARANG AWA NIYO NA!"
Biglang may mga tao ang nagbuhat sa kapatid ko at dinala sa labas kong saan naghihintay ang isang ambulansya. Hinawakan ko ang kamay niya at napadasal.
Panginoon wag niyo po sanang kunin sakin ang kapatid ko, maawa na po kayo, masyado pa po siyang bata para maranasan ang ganito! Iligtas niyo po siya Panginoon.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang hospital, dali-daling kumuha ang mga nurse ng stretcher at isinakay ang kapatid ko dun.
" Dito lang po kayo Maam kami na po ang bahala sa kanya." Sabi ng Doctor.
Tumango lang ako at naghintay sa labas ng ER nang bigla akong lapitan ng isang nurse.
" Ano po pangalan nila?"
" Sophie Leyl Cortez," iyak na sabi ko.
" Kaano-ano niyo po ang bata."
" Kapatid ko siya."
" Ano pong nangyari sa kanya?"
" Ewan ko, basta pag-uwi ko sa bahay namin ay nakahandusay na siya."
" Ok po, pumunta po muna kayo sa Finance Clerk dahil kailangan niyo po munang magbayad." Tumango lang ako at wala sa sariling pumunta roon.
Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakitang hospital bill. 500,000 pesos? Sa'n ako makakita ng ganun klaseng pera?
Jusko po, napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panlulumo, marami ang nakatingin sakin pero wala akong pakialam. Lumabas ako sa hospital at nagsusumigaw sa gitna ng ulan.
" LORD ANO PA? ANO PA? HAAAAA!"
Nang biglang may kotseng humarurot sa gitna ng daan at napaupo ako sa kalsada, nakapikit. Nakayuko lang ako, ayokong iangat ang mukha ko baka kasi patay na ako...huhu.
" Miss get away from the road, you're blocking it," huskily said by a familiar man.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Lee na may dalang payong, bigla niya akong itinayo at pinaupo sa may bus stop!
" Leyl is that you? What happened to you and why are you crying? Are you hurt?" Umiling lang ako sa tanong niya.
" Naospital ang kapatid ko, kailangan ko ng malaking pera."
" How much?"
" 500,000 pesos."
" 500, 000 pesos? Ohhh sige-sige, matutulungan kita niyan."
" Naku, wag na, maghahanap na lang ako ng trabaho, pag-iipunan ko yan."
" Sige, hatid na kita sa inyo."
" Ayokong umuwi samin."
" Ehh saan ka na niyan?"
" Ewan ko, sa ospital muna?"
" Doon ka na lang muna sa condo ko, uuwi kasi ako ngayon sa bahay."
" Talaga? Naku Lee maraming salamat, sobra-sobra natong tulong na naibigay mo. Pero paano naman ang kapatid ko, walang magbabantay sa kanya"
" Welcome Leyl, its my pleasure to help you. Ako na ang bahala sa kapatid mo, ipapalipat ko siya sa isang ptivate na room, magpahinga la na, alam kong pagod ka. "
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Fiksi RemajaShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...