Warning: Suicide
I mourn and mourn for more than 5 days, until nailibing na namin ang kapatid ko. It was so fast, the time was so fast. Parang kahapon lang nung ipinanganak ang kapatid ko, ang saya-saya ko nun kasi may kalaro na ako, may aalagaan na ako but why the world didn't let me do that until we're old?
I am really fucking devastated right now, walang gustong kumausap pero tinatawanan ko lang sila pag nasa harap pero sa 'twing ako na lang ay napapaluha na lang ako ng di ko namamalayan hanggang sa makatulog ako sa may pansyon ng kapatid ko.
Paggising ko kinabukasan ay nabigla na lang ako dahil nakahiga ako sa isang malambot na kama. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ko na nasa kwarto na naman niya ako, th! Pumasok ako sa loob ng banyo at naligo, nawalan ako ng ganang pumasok at maghanda para sa pagpasok pero ginawa ko pa rin.
Pagdating sa school ay di ko na lang sila pinansin kahit na lahat ata ng mga mata ay nasa akin. Wala akong gana sa lahat, pati sa acads.
" Behhh anu ba yan? Magsalita ka naman ohhh! Nag-aalala kami dito ehhh! Kahit na nakikita ka namin na nasa mabuting kalagayan para naman kaming sinasaksak sa nakikita namin sayo."
Di ko pinansin si Hera at nagpatuloy lang sa pagtingin sa labas hanggang sa makaalis siya.
Lumipas ang oras ay ganun pa rin ang posisyon ko, nakatingin sa labas, tulala, di makausap ng maayos.
Pagsabi ng teacher ay dali-dali akong pumunta sa rooftop at kinuha ang blade na nasa bulsa ng bag ko.
Nilaslas ko ang palapulsuhan ko at nung makita ang dugo ay nanghina ako at napapikit.
Biglang may batang babae ang lumapit sakin.
" Ate wag! Diba nangako ka sakin na magtatapos ka ng pag-aaral at iaahon mo kami sa kahirapan? Ate di tama yan, masyado ka pang bata para mamatay, magkikita din naman tayo ehhh pero sa takdang panahon pa. Kaya Ate makinig ka ha!"
Napadilat ako bigla at nag-uunahang tumulo ang mga luha saking mata hanggang sa makarinig ako ng mga yapak pero di ko sila masyadong maaninag dahil nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang patuloy na tumutulo.
" Leyl, jusko. Dalhin niyo yan sa clinic." Sabi ng isang babae and it went all black.
----
Nagising na lang ako sa isang purong puti na lugar. Nasa langit na ba ako? Pinilit kong idilat ang mata ko pero masyadong nakakasilaw ang liwanag.
" Gising na siya guys."
" Leyl, ano naaalala mo pa ba ako?" Tanong ni Hera.
" Hindi utak niya ang may sakit Hera kaya wag kang paranoid." Sabi naman ng Asungot.
" Ano ka ba ha, ilang litro ng dugo ang nawala sa kaibigan ko kaya baka kasabay nun ay nawala na rin ang mga memories namin."
" Hindi dugo ang nakapagpaalala sa tao kundi yang utak, tandaan mo yan." Reklamo naman ng Asungot.
" Pwede ba tumigil na kayong dalawa." Sabi naman ni Lee.
" Ahhh basta, nagtatanong lang ako kung nakalimutan niya ba ako--"
" Hindi kita nakalimutan kaya wag kang OA dyan." Sagot ko na hinang-hina.
" Anyare? At nasaan ako?" Tanong ko.
" Nahimatay ka kasi maraming dugo ang nawala sayo. At nandito ka sa hospital dahil di kinaya ng clinic ang daming dugo na lumabas sayo."
" Talaga?"
" Oo nga, kulit nito." Reklamo naman ng Asungot.
" Ikaw ba tinatanong ko?" Tanong ko dito.
" Ikaw ba kinakausap ko? At bakit ka nakikinig?" Tanong ng Asungot.
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Novela JuvenilShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...