Chapter 14

4 1 0
                                    

I'm literally shocked nung sinabi niyang ako. Kaya napatakbo na lang ako sa labas at di ko namalayang umuulan pala.

Nakita ko na hinahabol niya ako pero sumakay na ako sa loob ng taxi nung pinara ko kanina at umalis ng walang sabi-sabi.

Shit, alam ko namang normal lang ang magmahal pero bakit parang apektado ako sa sinasabi niya? Ako pa ba talaga to?

Nagpahatid ako kay manong sa condo at sumakay ng elevator, pagkatapos ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at sumandal doon.

Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng tibok at huminga ng malalim. Putangina Dale, ba't ba ako nagkakaganito? I really needed to see a doctor badly dahil hindi ko na alam ang nangyayari sakin.

Pumunta ako sa kwarto ko at naligo ng maligamgam para naman mahimasmasan ang nagwawala kong puso. Pumunta agad akong kusina at nagluto ng pagkain.

Pagkatapos ay kumain na ako at hinugasan ang pinggan. May narinig akong nag-click kaya nagulat talaga ako at pinatay ang ilaw.

Kinuha ko ang pan na nakasabit at lumapit sa may pinto ng dahan-dahan.

Nung may nakita akong paa ay bigla kong pinalo ang pan sa mukha kaya napaaray ang taong yun.

Familiar siya ahhhh. Nung mabuksan na ang ilaw ay halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita.

It was Dale, kaya pala familiar. Tangina. Napahawak siya sa pisnging nasapo ko.

Nakatulala pa rin ako sa nangyari.

" Aren't you going to help me ha Leyl? Shit!" Sarkasmong tanong niya sakin na nagpabalik sa ulirat ko.

" Ahhh halika, upo ka muna dyan kukuha lang ako ng medicine kit." Sabi ko at pumunta sa kwarto ko pero wala akong makitang medicine kit, then sa CR pero wala kaya sa kwarto na lang niya at yun sa ibabaw ng cabinet.

Pagkakakita ay umupo agad ako sa couch at kinuha ang gamot. I gently put my hand on his face.

Ang kinis.

Nang biglang ko na lang nadiinan kaya napahiyaw siya sa sakit.

" Sorry."

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Ang bango, amoy mint at after shave. Hindi ako tumingin sa mata niya kahit alam kong parang hinihipnotismo na ako, nag-focus lang ako sa sugat niya at binendahan.

" Ba't ka pa kasi sumunod ka sakin, yan tuloy."

" So kasalanan ko pa kung bakit ako nagkaganito? Ako ba ang pumalo?"

" Oo na, kasalanan ko naman talaga ehhh. Kinokonsensya mo na ako."

I heard him chuckle kaya napalingon ako sa kanya pero isang seryosong titig lang ang nakita ko.

" I have something for you." May kinuha siya sa paanan niya at binigay sakin.

Nagulat ako sa nakita ko, it was a cute gray and black striped cat. Ang liit pa niya at ang taba.

" Wahhh ang cute! Binili mo?"

Tumango lang siya.

" Ayokong magalit sa'kin ang babaeng naging espesyal na sa buhay ko."

Napangiti ako ng pagkatamis-tamis.

" Thank you Dale." I said smiling.

" Your welcome, pangalanan mo na yan." Sabi nito.

" I'll call her Soch."

" Soch? Anong pangalan ba yan ampanget!"

" No, its not, ang ganda kaya ng kombinasyon ng first name natin. Sophie and Chris, Soch, diba?" Nakita ko ang pamumula ng mukha niya kaya umiwas siya.

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon