After sabihin ni Dale yun habang tulog siya ay umalis muna ako saglit para kumain, gabi na pala at malakas ang ulan, akala ko sa Pilipinas lang umuulan pati pala dito... Nagluto ako ng beef steak at nagsaing.
Pagkatapos ay kinain ko na rin ito, pumunta akong veranda at nagpahangin. Brrr ang lamig, gago. Bumalik na lang ako sa loob at isinarado àng pinto sa veranda. Matutulog na sana ako sa sofa ng biglang tumunog àng telepono, sinagot ko ito at sa Ma'am lang pala.
" Yes Ma'am?"
" Where are you? Di kita mahanap sa kwarto mo and why are you the one who answer the telephone? Are you at Dale's suite?"
" Yes Ma'am nagkasakit po kasi si Dale. Saan po kayo ngayon Ma'am?"
" Nandito ako sa mall, I thought nandito ka at dahil doon I'm stuck because of this intense rain."
" Sorry po Ma'am kung di ako nakapagpaalam sa inyo, nahimatay po kasi si Dale eh."
" Ganun ba, naku bukas pa siguro hihinto ang ulan, hayst oh sige alagaan mo muna yang jowa mo ah."
" Ma'am naman palabiro pala kayo."
" Siya, I'll end this call ha, take care... To tot to tot.."
Binaba na ni Ma'am ang tawag kaya pinuntahan ko na si Dale, pinunasan ko ang mukha niya, ang mga braso niya, ang binti niya, lahat, pagkatapos ay tinitigan ko ang mukha niya. Ang amo niyang tingnan pag tulog pero may sa demonyo pag gising, ang haba ng pilikmata, ang ganda ng kilay, the nose, oh my god, ang ganda ng pagkakatayo, his lips, that lips...
Nilipat ko àng mukha ko sa kanya at akmang hahalikan ng biglang tumunog ang doorbell, kaya napabalik ako sa ulirat, agad akong pumunta roon at binuksan ang pinto, tumambad sa'kin ang staff ng hotel.
" Here's the power bank Ma'am, we already called the electrical engineer because the generator was burst due to intense thunderstorm."
" Merci."
" You're welcome Maam." Tumango lang ako at umalis naman na siya kaya sinarado ko na ang pinto, pumasok ako sa loob ng kwarto niya at kinuha ang phone ko, I charge it and niyakap ulit si Dale dahil alam kong nilalamig siya.
Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko, tanging comforter lang at unan ang yakap ko, teka I don't remember na may comforter akong nakabalot atsaka may unan, si Dale lang ang kayakap ko nun. Wtf! Siya ba ang gumawa nito? This is so embarrassing as hell! Wahhhh! Dali-dali akong bumangon at kinuha àng cp ko, aalis na sana ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
" Leaving already?" Nanlaki àng mata ko at dahan-dahang humarap sa kanya habang nakayuko pa rin.
" You're really good at healing someone, tingnan mo magaling na ako." Tumingin namàn ako sa kanya at bakit nakasuot siya ng apron kaya nagulat ako at lumapit agad sa kanya.
" Ano ka ba, kakagaling mo lang baka mabinat ka." Kinuha ko ng sapilitan àng kutsarang hawak niya dahil alam kong nagluluto ito.
" Nah it's ok to get sick as long as you're my nurse." Bigla akong pinamulahan ng mukha kaya iniwas ko ito pero inaagaw ko pa rin sa kanya yung sandok, nakatingkayad na ako pero mas tinaas niya àng kamay niya pero nakababa àng mukha kaya napatingin ako at shit! Àng lapit na namàn ng mukha namin, my ghad. Kaya umatras ako pero hinawakan niya ako sa braso at hinigit paupo sa high end chair.
" Just wait for a minute, the food will be served."
" Baka sunog yan ah o di kaya'y hilaw."
" Nope, nag-aral ako ng ilang araw just to perfect this recipe for you."
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Teen FictionShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...