Chapter 43

2 0 0
                                    

Isang buwan na lang ay gagraduate na naman kami ng Senior High. Grabe ang bilis ng panahon.

After ng klase ko ay agad kong pinuntahan ang classroom nila Dale. Hinintay ko siya sa labas kasi isosorpresa ko siya. 

Monthsary kasi namin ngayon. We've been together for 49 months or 4 years and 1 month. Isang linggo na rin simula ng nangyari between me and Krissa.

Naging panatag na rin ang loob ko kasi di ko na nakikita ang pakikipagharutan ni Krissa sa boyfriend ko pero di dapat ako maging kampante lalo na't di kami palaging magkasama araw-araw ni Dale.

Mahigit 5 minuto lang na paghihintay ay lumabas na rin sila. Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan naman niya ako sa tungki ng ilong at sa noo. He didn't failed to give me butterflies in my stomach.

" Date tayo?" yaya ko. 

Umaliwalas naman ang mukha niya na kanina parang Biyernes Santo. 

" Dale isn't that unfair na habang ginagawa namin ang research paper habang ikaw naman ay nakikipag-date." Sabi naman ng bwisit na Krissa.

" Pwede ba Krissa, wag ka ngang makialam sa kanilang dalawa. Di ka naman siguro kasali sa relasyon nila diba." Hera said in a sarcastic tone.

" Excuse me!" Maarteng saad ni Krissa habang nakataas pa ang kamay sa ere.

" I was just stating my opinion and isa pa isn't that odd na ang babae ang nag-aaya ng date. For what?" Natatawang saad ni Krissa.

Halos maputol ang litid sa ulo ko dahil sa pinagsasabi ng letseng babaeng tohhh.

" Back off Krissa, hindi na nila kailangan ng explanation dahil sino ka ba, ha? You're just a desperate, pathetic bitch trying to seek an attention from someone who's already been taken." Hera said angrily.

Nakitaan ko rin ng galit ang mata ni Krissa pero nanatili namang natatawa ang mukha nito.

" Choose wisely Dale, your grade or the girl. Mahihintay naman siguro ang pag-ibig diba atsaka isa pa, sabi mo gusto mong grumaduate na may mataas na marka dahil gusto mong makapasok sa scholarship na matagal ng inoffer ng Ateneo sa'yo."

Lumaglag ang panga ko sa aking narinig. Wtf! Inofferan siya ng scholarship without telling me? This is gone berserk. Tiningnan ko siya ng nanlilisik. Napakamot naman siya sa batok niya.

" I'm so sorry Mon amour, gusto ko sana na mag-date tayo but I need to be on top."

Napatango ako at yumuko. Pilit na iniintindi ang sinasabi niya.

Yayakapin niya sana ako pero umiling lang ako.

" I understand Dale, para din naman to sa kinabukasan mo."

" It's also our future we're talking about here Leyl, I hope you understand."

Naiintindihan ko Dale, naiintindihan ko kahit na masakit kasi ito ang kauna-unahang monthsary natin na hindi man lang natin ipinagdiriwang. 

Ngumiti lang ako sa kanya at itinulak na siya patungo sa mga ka-grupo niya. Isang malaking demonyong ngiti naman ang iginawad ni Krissa sa'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin.

Nung nakalayo na sila doon lang ako nakahinga ng maayos.

" Naku Leyl, iba ang pakiramdam ko sa Krissa na yun, parang may gagawin siyang di maganda." Sabi ni Hera na napapailing-iling pa. 

Ilang minutong katahimikan habang nakatingin lang ako sa dinaanan nila Dale kanina.

" You want to come with us? Tayo na lang ang mag-date?" 

Nawalan na ako ng gana kaya di na ako sumama sa kanila at nagpaalam na mauna nang umuwi.

May naisip ako ako na tiyak na ikakatuwa ni Dale.

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon