Chapter 20

6 0 0
                                    

Matapos ang nangyari sa'min between Dale and mine ay mas lalo lang akong nasaktan at nalilito.

Di ko alam kung anong pinagsasabi niya, di ko maintindihan bakit niya ginawa yun?

I never expected that Lee and I will be engage with no apparent reason. This life sucks.

But anong magagawa ko? Kung ititigil ko'to, madaming masasaktan. Tangina.

Wala ako sa mood pumasok but ginawa ko pa rin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko.

I was like a walking zombie. Wala sa sarili.

Umupo na ako sa upuan ko at tumingin sa may bintana.

" Leyl. Can we talk?" Sabi ng nasa likod ko. Si Hera lang pala.

Walang sabi-sabi ay naglakad ako pero binagalan ko kasi nasa likod ko pa pala ang kaibigan ko.

" You look a trash, a real trash." She said.

Di ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa open field.

" Spill!"

Tumingala lang ako sa kanya at bumuntong-hininga.

" Tsk, come on behhh, tell me. I'm your bestfriend afterall."

Bumuntong-hininga pa rin ako, di pinapansin ang presensya niya.

" Is this a love problem?" Napalingon agad ako dahil sa sinabi niya.

" Sinasabi ko na nga ba. Tsk, wala talagang dulot yang pag-ibig na yan. Grrr." Galit na sabi nito.

" Now tell me. WHAT. THE. HELL. IS. YOUR. PROBLEM. SOPHIE LEYL CORTEZ?"

Again, napabuntong-hininga ako and told her what happen from the start until the end.

" Tsk tsk tsk. Malaking problema nga to behhh, hayst."

" Anong gagawin ko Hera? It's just that di siya maalis sa isip ko, lalong-lalo na sa puso ko. Kainis!"

" Wag mong piliting alisin yang nararamdaman mo sa puso mo Leyl, hayaan mong ang panahon ang makakapagpaalis niyan, trust me."

" Paano naman mangyayari yun? Di ko nga makita ng isang araw ang asungot na yun, parang pinapatay ang puso ko, ano pa kaya yang panahong sinasabi mo."

" Makinig ka, kung gusto mong mawala yang nararamdaman mo sa kanya, magpakamatay ka na lang, ako na bahala sa lamay mo." Sabi nito.

Binatukan ko nga, nagbibiro pa.

" Biro lang, kaw talaga. Ibaling mo na lang yang nararamdaman mo sa iba, specifically kay Lee, ikakasal na pala kayo."

Bigla na lang tumulo ang luha ni Hera nung sinabi niya ang salitang yun.

" Hoy, ano ba yan, uhmmm. Anyare?" Tanong ko.

Di talaga ako magaling sa mga ganito. Ghad.

" Pinaasa lang ako ng bwisit na Shane na yun, nangako pa ang tangina na ako daw ang papakasalan niya pero ikakasal na pala siya sa iba. Ayun na ehhh, kung kailan nalaman ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya pero may mahal na palang iba ang...ang pangit na yun." Hagulhol ni Hera.

" At sa bestfriend niya pa. Gusto mo Leyl, talon tayo sa tulay?" Tanong nito kaya napangiwi ako.

" Tahan na He, di mo siya deserve at di ka rin niya deserve so tahan na ok?" Sabi ko at niyakap siya.

Huhu, napaiyak na rin ako at sama-sama naming pinagsaluhan ang mga sipon na tumutulo mula sa mga ilong namin.

" Kadiri ka talaga Leyl! Ewww!" Maarteng sabi nito pero tumawa naman.

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan, bumabawi sa mga araw na di kami nagkasama. Sabay kaming pumasok sa room at halatang masaya na ang mukha namin.

Aalis na sana ako ng makita ko si Lee na naghihintay sa'kin sa labas ng pinto.

" Hi Lee."

" Hi Leyl." Sabi nito na may malaking ngiti sa pisngi.

" Lunch?"

" Tara." Sagot ko at hinatak ang napakaarte kong bestfriend.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Cafeteria, nag-order na muna si Lee ng makakain namin at umupo naman kaming dalawa ni Hera sa may bakanteng lamesa.

" Alam mo ba..."

" Hindi ko pa alam ehh." Sabi ko na wala sa sarili kaya agad naman akong binatukan ni Hera na nakapagpaaray sa'kin.

" Pilosopo ka ahhh. Di pa kaya ako tapos."

Napatawa na lang ako.

" You better shut your mouth or I'll be the one to do that."

Tumango ako.

" Ok. Balita sa buong campus ang pagbabalikan nina Dale at Britney Chua na tagapagmana ng isang malaking kompanya sa Britain at sa buong Europa."

Woahhhh, ganun pala kayaman ang babaeng yun? Tsk, no wonder...

" May mga ilang estudyante ang nakakita na palagi silang magkasama. Akala ko nga palabas lang nila yung nasa stage pero totoo pala talaga yun."

Huminga ako ng malalim at nakatulala na lang sa labas.

" Shit. Leyl, I'm sorry, I didn't mean to."

" H-huh?" Nagtatakang tanong ko.

" Your crying."

Hinawakan ko ang pisngi ko at umiiyak nga talaga ako. Pinahid ko iyon pero ayaw talagang tumigil.

" Leyl, tahan na, everything will be okay." Hera said.

Nakita kong paparating na si Lee kaya pinunasan ko na ang luha ko. Bigla naman niya akong hinalikan sa noo at umupo.

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko. Tf?!

Paglingon ko kay Lee ay sinusubuan na pala niya ako ng kanin at ulam.

" You need to eat properly Leyl, namamayat ka na."

" Ohhh ang sweet naman, doon na lang ako kakain sa ibang lugar. Have a nice day lovebirds."

Aangal pa sana ako pero umalis na talaga ang bruha sa harap namin.

" Thanks Lee." Sabi ko at nginitian ito.

" Kumain ka pa Leyl, damihan mo."

" Grabe naman Lee, gagawin mo ba talaga akong inahing baboy nito."

" Wag ka ngang ganyan Leyl, I know na mabilis ang metabolism mo kaya impossibleng tumaba ka ng husto."

Tumango na lang ako. Wala talaga akong maramdaman na kahit ano kay Lee. Kahit na pilitin ko ang sarili ko pero wala.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos na kami.

Pabalik na sana kami sa loob ng classroom ng may marinig akong nagsalita sa may gilid. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang isang tanawin na lalong nagpabasag sa puso ko.

Nakayakap si Brit kay Dale na may masayang ngiti sa labi.

____________________________________________________________________________

Soundtrack: Paano na ang puso ko

Di ko alam kung sinong kumanta niyan pero ang ganda ng song, nakakaiyak talaga...huhu.

Sorry for the short update guys, masyado na kasi akong busy this month, ang daming kailangang sagutan at ipasa.

Babawi ako next ud, hope you understand, keep safe Caps...

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon