Chapter 9

894 49 4
                                    

Napakurap-kurap ako sa kaba at mabilis na iniwas ang tingin. He's practically glaring at us! Wala naman akong ginagawang masama. Pero kung makatingin siya parang pinagnakawan ko siya o ginawan ng kung ano.

So to ease my feelings, I just chose to ignore him. But I find it non-effective because he's still creating chaos in my system. Inutusan ni Kurt ang isang representative na bumili ng pagkain namin. Hindi na ako nahiya dahil para sa lahat naman ang bibilhin ng lalaki.

Iniwasan ko rin ang tumingin kay Jacques buong oras pero minsan ay hindi ko mapigilang sumulyap. Naroon siya at abala sa pagtapos ng mga paper works nila. He look so pissed, as usual. Kunot na kunot ang noo at mahigpit ang hawak sa panulat.

I shrugged my shoulders off and focus my attention to Kurt. Dito dapat ako mag-focus dahil siya ang ideal man ko. Gwapo na masipag pa mag-aral.

"Hey... mukhang hindi ka makakakain sa ginagawa mo." kinuha ko ang atensyon ni Kurt. Napatingin naman ito sa akin. I took a spoonful of food and place it in front of his mouth. "Susubuan na lang kita. I know you're so busy at ayokong napapabayaan mo ang kalusugan mo. So here... I'll feed you." nakangiting anas ko.

He nodded his head while smiling, parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko.

"Sigurado ka bang ayos lang? Pwede namang ako na lang pagkatapos nitong ginagawa ko."

Kaagad akong umiling dito. Siya na lang ang hindi kumakain sa mga kasamahan niya. I see that Kurt is really a dedicated student body. Bagay na bagay nga talaga sa kaniyang maging president ng student council.

"No, I insist. Hindi naman maganda na malipasan ka ng gutom lalo na at ikaw ang namamahala sa kaayusan dito sa school." I made him agreed with me. Napapangiti ako habang sinusubuan siya ng pagkain.

I can feel the stares of others to us. Kita ko ang ilang nahihiyang sulyap nila sa amin. But above all these things, I feel so satisfied. Mas lalo ko kasing nakita ang iritasyon sa mukha ni Jacques. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Imbes na matakot ay ngumingiti lang ako sa tuwing nagkakasalubong ang mata naming dalawa.

"We're done, I'm really sorry, Madelaine. This was supposed to be our lunch. I've totally forgot na may mga nakatambak pa palang papeles sa office. Huli na nang maalala ko na ngayon na pala ang pasahan ng mga iyon." he said in apologetic tone.

"Ano ka ba ayos lang, may next time pa naman. Mag-lunch date na lang ulit tayo bukas." I smiled at him. Hinaplos ko pa ang pisngi nito habang nakatingin sa amin si Jacques. Napangisi ako nang makita ang mariing pagtatangis ng bagang nito.

"Alright. Come on, ihahatid na muna kita sa classroom niyo." I smiled widely and nodded at him.

Hinawakan niya ako sa siko at sabay kaming tumalikod. Hindi pa man nakakalailang hakbang ay sabay na kaming napatigil nang magsalita ang isang lalaki.

"How about the papers? This is urgent and you need to submit it to the office right now." Jacques said in a rude tone. Hindi naman nagulat ang nga kasama niya, siguro dahil sanay na ito sa ugali niya. Ako lang talaga ang hindi nagustuhan ang tono ng boses niya kay Kurt. Like, hello? President natin ito.

And Kurt, being the soft and good boy, ngumiti lang siya.

"Yes, idadala ko rin pagkatapos kong ihatid si Madelaine sa classroom niya." sagot nito sa isa.

Jacques, on the other hand seems like he didn't liked the idea.

"No, idala mo na kaagad ito sa office. I'll take care of her." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at nataranta. Mabilis akong napabaling kay Kurt.

"It's okay, kaya ko namang bumalik sa classroom mag-isa. You don't have to accompany me." ngiting anas ko rito.

"Pero nakakahiya, Maddie. Hindi na nga kita naasikaso tapos hindi pa kita maihahatid-

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon