Chapter 22

833 50 48
                                    

"Jacques and I are alright and then you came. Sinira mo kaming dalawa. I don't know that you are that kind of person, Madelaine. Akala ko pa naman pwede tayong maging magkaibigan."

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salita ni Ezperanza ngayon, nagagawa kong maapektuhan ng ganito katindi. I didn't know that I was already crying. Hindi naman ako ganito kahina, I never cried before. At least, not in front of someone.

Ezperanza, visited me in school. Pagkalabas ko pa lang ng classroom, siya na kaagad ang bumungad sa akin. I don't want to talk to her, natatakot ako… and I feel a little bit guilty. I don't want to face her, kasi alam kong wala akong laban at ako ang mali sa aming dalawa.

"Si Jacques..." I swiped the tears away from my face harshly. She looks so cold right now, ibang-iba sa mahinhing babae na palagi kong nakikita. "Mahal ko siya." Pag-amin ko.

Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha niya. Who wouldn't? Afterall, ako itong nag-iisang tao na may lakas pa ng loob na sabihin ito sa kaniya kahit alam kong hindi pwede.

Mabilis siyang nakabawi. I saw a different kind of emotion in her face. Disgust.

"Kaya pumayag ka na maging kabit? You know from the very start na ako ang girlfriend niya. And now you're telling me that you love him? Kailan pa ba ha? Kailan niyo pa ako niloloko?"

"Kung mahal ka ni Jacques, hindi sana niya ako nilalapitan." Siguro ito na lang ang natitirang paraan para malabanan ko ang mga salita niya. 

Bakit ganoon? Nasanay na ako dati na palagi akong iniiwan at niloloko ng mga nagiging karelasyon ko… pero ngayon, hindi ko pa rin makuhang masanay sa sakit. Lalo na ngayon na wala akong karapatan na manumbat dahil simula pa lang noong una, ako na ang mali. Simula pa lang noong una, hindi naman siya naging akin.

"At anong gusto mong sabihin? Ikaw ang mahal niya? Kung totoong mahal ka nga ni Jacques, hindi sana kayo nagtatago. Sana matagal na niya akong iniwan. You see? Sa akin pa rin siya bumalik. He told me he wants to fix everything between us."

Wala akong laban… I get it. Wala talaga akong laban kasi wala naman akong karapatang manumbat dito.

"Just find another man. I really like you, Madelaine. Not until I find out what you're doing." Rinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. Nanatili ang tingin ko sa lupa. Dinadapuan ako ng matinding hiya. "You deserve someone better. Huwag kang mag-settle sa pagiging… second choice lang."

Ezperanza is the second person who told me the same thought just like ate Violet. Naiinis ako. Kasi bakit ganoon? Sana sinabunutan na lang niya ako kaysa ganito. Sana tinulak-tulak niya ako para magkaroon ako ng dahilan na tuluyang magalit sa kaniya. I hate how she hugged me before she left. I was not disgusted by the hug, but with the idea that she still shows her care for me.

Naikuyom ko ang kamao at wala sa sariling naglakad pabalik ng bahay. Everything is slowly collapsing. Again. Nakita ko na ang grades ko this semester. It is something that I should just… hide. Hindi ko iyon ipinakita kay Papa. 

Lumipas muli ang mga araw, parang blangko lang ang puso ko. I always think about Jacques, nakakasalubong ko siya sa daan sa school, but we two never locked our eyes again. Nilalampasan lang niya ako and it is something that I already accepted. 

Pero higit sa lahat, naroon ang galit sa dibdib ko na pilit kong pinipigilan. Subalit kahit anong gawin ko, naroon pa rin. Mas lalo lang nadadagdagan.

"Birthday daw ni Jacques sa isang araw… pinapapunta tayo lahat ni Ezperanza. Sasama ka ba?" Nag-aalangang tanong sa akin ni Sison.

I just smiled at him.

"Hindi ako pwedeng mawala roon." Makahulugang anas ko.

Tuwing gabi, palagi lang akong nakatitig sa kisame ng kwarto. May napupunong ideya sa isip ko na nag-aalangan akong gawin. But after I saw how Jacques ignores me everytime we see each other around, parang gusto kong… maghiganti. Sa ibang paraan. I mean, I won't date anyone again para pagselosin siya. It's something… darker.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon