There's no way I'm going to let them show that I'm in pain, masasagasaan muna ako ng kotse bago ko iyon sabihin.
"Are you sure ayos ka lang?" Napabaling ako kay Kurt na nakaupo sa tabi ko. I was holding his arms, talagang ipinapakita ko sa mga tao rito na may boyfriend na ulit ako. Maging sina Sison at Twelve, mukhang hindi rin natutuwa na dinala ko siya rito sa bilyaran.
"Of course I am, medyo napagod lang sa school kanina." It has been more than a week again since that day happened. Hindi ko na ulit nakausap pa si Jacques. I didn't try. Isang gabi pagkatapos niyon, napag-isipan ko na hindi ko hahayaan ang sarili ko na maghabol sa kaniya.
I don't want to look pathetic. Hindi ako maghahabol, itaga mo 'yan sa bato.
Bumaling ako sa gawi nina Jacques, he's with Ezperanza. Nakipagtitigan din ito sa akin, there's no piece of emotion plastered on his face. Ganoon lang din ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Hindi ako makapapayag na magmukha ako ritong kawawa.
Tumayo ako, napatingin silang lahat sa akin.
"Babe, pwedeng ihatid mo na ako sa bahay? Doon na lang tayong dalawa." Ngiti ko rito. I am very thankful that this guy still likes me. Inayawan lang naman niya ako dati dahil kay Jacques. Nang malaman ko na may gusto pa rin siya sa akin, I immediately grabbed the opportunity.
"Kung iyan ang gusto mo." Siya na ang nagdala ng bag ko. Ngiting-ngiti ako sa kaniya na hindi iniintindi ang mga tingin ng kaibigan ko.
"Maddie..." Tawag sa akin ni Twelve. Bumaling ako rito, kitang-kita ko ang kunot sa noo niya. Saglit siyang bumaling sa katabi ko, kita ko pa ang pagsama ng tingin niya rito.
"Saan kayo pupunta? Hindi ka ba magpapahatid kay Sison o kay Jacques?"
Tumawa lang ako.
"Hindi na kailangan." Pasimple akong bumaling kay Jacques, nahuli ko siyang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Kurt. "Nandito na ang boyfriend ko oh. Isa pa, ayoko namang makaabala kay Jacques… he's with his girlfriend oh."
Somehow, nakita ko ang pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Ezperanza. Hindi naman kami close. Pero hindi na ito ngumingiti sa akin kagaya ng dati. I perfectly understand her, she has all the rights to get angry about me cheating with her boyfriend. Nagtataka lang ako… paano sila nagkaayos kaagad?
"Gusto mo pumasok?" Nag-aalangang tanong ko kay Kurt nang makarating kami sa bahay. "Gabi na rin masyado, I think you should g-go now."
"Alright, hintayin kita bukas sa school." He kissed my cheeks. Ngumiti ako kahit hindi ko gusto ang ginawa niya. I have no choice but to pretend that I like to be in this relationship. Pinili ko ito. Hindi ko lang maiwasang maguilty dahil alam kong ginagamit ko lang si Kurt para sa sarili kong agenda.
I heaved a deep sign. Masyado na talaga akong nagiging makasalanan.
Kumunot ang noo ko nang may mapansing bulto ng tao na nakatayo hindi kalayuan. I know he's looking in my direction but I can't recognize him. Masyadong madilim. Kinilabutan ako nang maisip na baka rapist iyon o kung ano man kaya mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay.
I saw my father writing something on the table. Mabilis niya itong itinabi nang makita ako.
"Papa?" Nagmano ako rito. Tumango lamang siya sa akin at sinabing,
"May pagkain diyan sa kusina. Kumain ka na lang, tapos na ako."
"Sige po." Nakangiti kong anas. I am so happy that somehow, I can feel that my father is slowly trying to make things normal again between us.
Madalas ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin, pero may mga pagkakataon na tinatanong na niya ako kung nakakain na ba ako, kung kumusta ang school. Minsan pa ay tinatanong niya ako kung anong oras ako uuwi. I find it unnatural because he doesn't give a damn about me before.
![](https://img.wattpad.com/cover/264001975-288-k462562.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024