Chapter 17

837 44 26
                                    

"Bakit ang tamlay mo?" Pagpuna sa akin ni Twelve matapos ng kaniyang laban. Sa akin kaagad siya lumapit pagkatapos at napansin na hindi nga ganoon kaayos ang mood ko. I never talked to them this afternoon. Hindi rin ako tumatayo sa posisyon ko. Wala na ang sigla ko sa tuwing nandito ako sa bilyaran.

How could I? Seeing them together… makes me want to run away. Pero masyado iyong weird. What would my friends think if they find out what's happening between me and Jacques. Natatakot ako na magkagulo. Kasi nangyari na rin ito noon. When Nico confessed his feelings to me, they almost killed him. Nangako kasi kami sa isa't-isa noon na walang talo sa tropa. Magkakaibigan lang kami rito at wala ng hihigit pa. That's why hindi nila pwedeng malaman ang sa amin ni Jacques. Mas mabuti kung itatago na lamang namin ito… or better yet, stop whatever bullshit it is.

"Baka uuwi na lang muna ako, Twelve. Wala ako sa mood ngayon." Sagot ko sa kaniya.

Kunot-noong lumapit ito sa akin at sinapo ang noo ko.

"May lagnat ka ba?"

Mabilis ko namang hinawi ang kamay niya.

"Wala lang talaga akong gana." Muli akong sumulyap kay Jacques at nakita na nakatingin na ito sa akin. There was no emotion that can be seen in his face. Nasa tabi niya sa Ezperanza at tahimik lang na nanonood ng mga naglalaban ang dalaga. 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at lumapit ako roon. May kung anong nagtutulak sa akin na gawin ito. Siguro dahil kanina pa rin ako nagpipigil. Wala naman akong mapapala, baka mapahiya lang ako.

Napagdaanan ko na rin ito noon. Palagi akong ipinagpapalit sa iba ng mga lalaking nagugustuhan ko. Kahit sabihin nilang matapang akong babae… marunong pa rin naman akong masaktan. Kailan man ay hindi ako masasanay sa ginagawa nila sa akin. Para lang akong laruan na ginagamit-gamit nila at pinaglalaruan.

"Uuwi na ako." Saad ko sa harap ni Jacques. Nakangiti ako sa kaniya kahit hindi ako natutuwa. I was waiting for him to speak up. Baka kasi may pakialam pa siya. Bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa loob ng isang linggo. Hindi ko alam kung ano lang ba ako sa kaniya. Wala siyang sinabi. Hindi niya nililinaw ang lahat. 

"Pauwi na rin kami, Madelaine. Gusto mo bang sumabay ka na lang sa amin?" Mahinhing tanong sa akin ni Ezperanza. Lumipat ang tingin ko sa kaniya at ngumiti.

"Okay lang ba? Madilim na kasi eh, wala akong kasabay pag-uwi."

"Oo naman." Ngumiti sa akin ang dalaga. Muling bumalik ang tingin ko kay Jacques at doon lang nawala ang ngiti ko.

"Okay lang naman na sumabay ako 'di ba? Isa pa… mukhang sanay ka naman sa dalawa." Makahulugang anas ko rito.

Hindi  nawala ang kaseryosohan sa mga tingin niya sa akin. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Ezperanza. Kalaunan ay lumapit sa gawi namin si Sison at inakbayan ako.

"Uuwi ka na? Sa akin ka na lang ulit sumabay." Makahulugan itong tumingin sa akin. Isang linggo na niya akong hinahatid sa bahay tuwing hapon. Isang linggo na rin akong nakakarinig ng mga nakakairitang sermon mula sa kaniya.

"Ayoko, dito na ako kina Ezperanza makikisabay. Gusto ko rin siyang makakuwentuhan."

"Hindi nga pwede, ano 'yon makiki-third wheel ka? Third party ganoon? Huwag ka nang makigulo diyan sa dalawa at baka may pupuntahan pa iyan, sa akin ka na lang sumabay, hindi ka pa masasaktan."

I hate it… 

I hate this feeling. Sino ba namang gustong maging third wheel? Sinong gustong nakikihati lang ng atensyon? Sinong natutuwa na maghintay kung kailan lang siya lalapitan?

Wala. 

"You're right, hindi natin sila dapat istorbohin." I composed myself again and smile at Ezperanza. Mas lalo akong ngumiti nang bumaling ako kay Jacques.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon