Chapter 15

932 53 9
                                    

Jacques… stayed inside my room for more than thirty minutes. Gusto kong mahiya buong magdamag dahil sa loob ng tatlumpong minutong iyon ay wala kaming ibang ginawa kundi ang maghalikan.

Kanina ko pa siya pinauwi… but I can still feel him inside my room. Tumihaya ako at tumingin sa kisame ng bahay. But the chills inside me got greater as I remember how his lips touched every corner of my lips…my cheeks… my jaw… and my neck. Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Napahawak ako sa ulo at parang mababaliw na kakaisip sa ginawa namin kanina.

Hindi ko na nagawang pigilan dahil gustong-gusto ko rin naman. Natigil lang kami sa halikan noong makuntento na kami sa isa't-isa. O kung nakuntento nga ba siya. I can see it in his eyes that he still wants to kiss me. Pero sa takot na baka bigla kaming makita ni Papa ay pinaalis ko na. Masyado na ring gabi at kailangan na niyang umuwi.

Madaling-araw na ng magawa kong makatulog. Kaya naman kinabukasan sa trabaho ay puyat na puyat ako. I was shocked when I saw him again. Nahiya ang haggard kong itsura sa kagwapuhan niya sa umaga. Mas lalo siyang pumuti dahil halatang kaliligo.

"B-bakit nandito ka na naman?" Kunwari'y gulat kong tanong kahit ang totoo ay natutuwa ako na makita siya.

Tumaas lang ang kilay niya sa akin saka ako tinulungan sa ginagawa. Tuwang-tuwa na naman tuloy sa kaniya sina Aling Kata at ang iba pang mga tindera. Pati ang ibang mga babaeng bumibili sa palengke at tumatagal ang titig sa kaniya.

Mas lalo pang naging malala ang sitwasyon dahil sa mga baklang tumambay sa tapat ng pwesto ni Aling Kata para lang sulyapan siya. Kunwari pa ang mga ito na bibili!

"Kung umuwi ka na lang kaya? Pinagpipiyestahan ka ng mga tao rito. Parang ikaw pa ang gusto nilang bilhin kaysa sa mga paninda!" Iritadong anas ko saka naupo.

Kunot-noo naman siyang bumaling sa akin na parang nagtataka sa sinabi ko. Halatang ignorante sa nakukuha niyang atensyon.

"Bakit gusto mo na akong umuwi?" Naging iritado rin ang tono ng boses niya.

"K-kasi nga pinagpipiyestahan ka na ng mga tao rito. Hindi mo ba napapansin? Iyong mga babae maya't-maya ang pagdaan diyan sa harap mo. Parang mas gusto ka pang bilihin kaysa sa mga paninda rito."

Saglit naman siyang lumingon sa paligid subalit halatang walang pakialam.

"Kapag umalis ako… ikaw naman ang pagpipiyestahan ng mga lalaki rito." Sagot niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Kinagat ko naman ng mariin ang labi upang pigilan ang ngiti na kumawala sa labi ko. His words are not complements, but it can make my heart flutters. Hindi tuloy maiwasang magkarambola ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at saya.

This is so cliché, but no one had even made me feel this way with my previous relationships. Hindi naman kami ni Jacques… pero bakit kaya niyang pabilisin ang tibok ng puso ko ng ganito?

Days had passed so damn quick and I'm quite surprised that I never felt depressed this past few days. Minsan ay nangingiti na lang ako kahit habang nagsusulat ng mga notes tuwing discussion. Para akong lutang… pero dahil sa magandang dahilan.

Palagi na kaming nagkikita ni Jacques tuwing hapon. He always walk me home and wait for me for dismissal. Tahimik… walang pananagutan… pero kontento ako. Lalo na at bago ako tuluyang makauwi sa bahay, we always make out in the place where no one could see us. It might be illegal, but it's not for us.

Everything feels so right whenever we're kissing each other. Tuwing gabi habang nakatingin ako sa kisame ng bahay, palagi ko pa ring nararamdaman ang labi niya sa balat ko. The taste of his lips lingers in every corner of my mouth. Napapikit ako ng mariin at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Everything about him is so addicting. At alam kong wala ako sa tamang lugar para maramdaman ito para sa kaniya.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon