Chapter 19

914 39 9
                                    

"Matagal ka yatang hindi nakabisita rito, hijo?" Kalmadong tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan. Kagagaling lang namin ni Jacques sa palengke, bumalik siya sa dati na palagi akong tinutulungan sa mga gawain ko roon. It has beeen a month since we started seeing each other again, hindi pa rin nawawala ang agam-agam sa isip ko, but everytime I will stare at him, nawawala ang lahat ng iyon.

It somehow feels like being with him is already enough for me. Hindi na dapat ako maghangad ng kung ano pa.

"Pasensiya na po, marami lang akong tinatapos na gawain." He answered and then took a glace at me. Napalunok ako. Nagui-guilty. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang ibang ginagawa. Well... wala ng iba bukod sa paghila sa akin sa kung saan-saan.

Nakita ko ang pagtango ni Papa.

"Sana ay samahan mo palagi si Madelaine, hindi ko siya magagawang ipagtanggol kung sakali mang may umaapi sa kaniya."

"Pa, hindi naman po kailangan." Nahihiyang anas ko. I'm quite shocked upon hearing what he say. Sa totoo lang, ito ang unang beses na narinig ko siyang sabihin iyan. He never really cared about me, at least, that is what he used to show.

"Huwag po kayong mag-alala, Tito. Hindi ko po pababayaan ang anak niyo."

Nakababa lang ang tingin ko sa pagkain, but I can feel his intense stares on me. Nahihiya at kinakabahan ako dahil tungkol sa akin ang usapan. Hindi ako sanay.

"Mabuti naman."

Hanggang sa matapos ang hapunan ay nag-uusap pa rin ang dalawa. Naghuhugas ako ng mga plato, pero dahil sa kuryusidad ay hindi ko maiwasang lumingon lingon sa kanilang dalawa. Mukhang may seryosong pinag-uusapan ang dalawang ito. Nagtatagpo ang mga tingin naming dalawa ni Jacques minu-minuto. Parang may ibig ipahiwatig ang mga tingin niya.

Hindi kalaunan ay pumasok na rin sa kwarto niya si Papa. Natapos na rin ako sa paghuhugas ng plato.

"Anong pinag-usapan niyo?" Hindi na ako nakatiis.

Tumaas ang kilay nito nang sulyapan ako.

"Nothing."

"Anong nothing? Kanina pa kayo nag-uusap diyan." Painis kong saad. Hindi naman siya tumugon. Kinuha niya ang kamay ko at tumabi sa akin sa upuan.

"Inaantok ako." Aniya at sumandal sa braso ko.

"Bawal ka matulog dito."

"Five minutes."

Napabuntong-hininga ako nang hindi na siya nagsalita pagkatapos. I don't really know if he's asleep or he's just pretending to be. His eyes were already closed. Maingat kong iginiya ang ulo niya pahiga sa hita ko.

"Jacques..." I wonder if he's really asleep. Marahan kong pinasadahan ng palad ang buhok niya. It's not that soft though, hindi ito kagaya ng deskripsyon ng iba. Even so, nakakainggit pa rin ang kapal ng kilay niya hindi gaya ng sa akin. Matagal kong tinitigan ang mukha niya hanggang sa mapadako ang tingin ko sa labi niya.

Mahina akong natawa.

Those sinful lips...

"Why are you laughing?"

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon