Chapter 11

884 53 0
                                    

After minutes of not moving, I finally gained a handful of strength to push him away. Malakas ko siyang sinampal habang hinihingal. Doon ko lang tuluyang nailabas ang emosyon ko dahil sa ginawa niya. He didn't speak, he was holding his own cheeks with his lips parted with each other.

"Ginagago mo ba ako?!" nanggagalaiting anas ko rito.

I can't really understand this man. He's so unreadable. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ako gusto. So ano itong ginagawa niya ngayon? Besides, due to the kind of family and environment that I have, I promised to myself that I won't tolerate cheating or be an accessory of the sin. Sa ginawa niya ngayon, parang dinamay na niya ako sa kalasanang nagawa niya kay Ezperanza.

"Kung ano mang trip mo sa buhay, please huwag mo na akong idamay. Nakakadisappoint ka, Jacques. I thought you are more than this. Pwede ka namang maghigpit sa akin bilang kaibigan o bilang kuya, but please do not be exagerrated. Buhay ko naman ito kaya huwag mo akong papakialaman." nang bumaling siya sa akin ay sinadya kong ipakita ang pandidiri habang marahas na pinupunasan ang sariling labi. "Hindi ko alam kung bakit mo ito ginawa at hindi ko na rin gustong alamin kung bakit. Let's just forget what happened. Ayoko nang mauulit pa ito and don't worry, hindi kita isusumbong kay Ezperanza. Not unless you repeated your mistake."

Nanginginig man ang mga tuhod ay pinilit ko pa ring bilisan ang lakad upang makalayo kaagad sa kaniya. This is so brave of me to speak that way in front of him. Aaminin kong... sa sulok ng utak ko, nagustuhan ko rin ang ginawa niyang paghalik sa akin. I should have pushed him earlier kung talagang ayaw ko sa halik niya.

No one ever kissed me the way he did. Hindi ko alam kung anong kakaiba. Ilang minuto akong hindi nakagalaw dahil sa mga hawak niya sa akin. If it was the other boys, hindi ako kakabahan ng ganito. I would have initiated the kiss if that's the case. Pero iba ang nangyari habang hinahalikan ako ni Jacques.

This is something that I should forget right away. Kahit gaano kasarap pa siyang humalik, still, I have my principles. I won't tolerate cheating and that's final.

Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ni Ezperanza kapag nalaman niya ito. I don't like the girl, but she's just too kind to be betrayed. Wala siyang ginagawang masama sa akin at kahit naiinggit ako sa kaniya, I don't want her hurt. Nobody, specially women, deserves to be hurt.

Kaya naman tulala ako habang nagluluto ng hapunan matapos kong makauwi sa bahay. Naabutan ko na naman si Papa na naglalasing sa kwarto niya na pinili kong huwag na lang punahin. Paulit-ulit ko ring kinakagat ang labi ko at nagdadalawang-isip kung maghihilamos ba ako o hindi. This is getting insane, I know I should stop thinking about the kiss. Wala lang iyon panigurado sa kaniya. May reputasyon siya dati sa campus ng pagiging playboy. Paniguradong wala lang sa kaniya ang paghalik sa akin. I don't know why he suddenly stopped being womanizer. Siguro napabago siya ni Ezperanza. Basta bago siya maging bahagi ng grupo, he's known for being an asshole. A freaking gorgeous asshole.

Kaya lang naman nawala ang atensyon ko sa kaniya noon ay dahil sa pagkakaroon ko ng mga boyfriend. That's right, I just need someone to divert my attention from him.

"Madelaine, ikaw naman dito kanina ka pa bench player diyan." kaagad akong hinila ni Twelve papunta sa billiard table. Iritado man ay hindi ko ipinahalata sa kanila na may kakaiba sa mga ikinikilos ko ngayon.

"Tinatamad akong maglaro, kayo na lang muna." binitawan ko ang hawak na cue stick at akmang babalik na sa upuan.

"Kapag nanalo ka, limang daan."

Kaagad akong napabalik at muling kinuha ang tako. Kumuha kaagad ako ng pampadulas at ipinahid ito sa kamay ko.

"Limang daan ha? Sino bang kalaban ko." pansamantalang bumalik ang sigla ko at inilibot ang tingin sa iba pang naglalaro ng billiards. "Eh natalo ko naman na lahat 'yan ah?" kunot-noong anas ko, napabaling sa akin ang ibang naglalaro at tinawanan ako.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon