Chapter 28

809 46 17
                                    

"Bakit tayo nandito?" hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. I don't know if I developed certain kind of phobia for them, basta ang alam ko, hindi masaya. Hindi maganda sa pakiramdam na makita ulit sila.

Bumaling ako kay Diego, mukhang tinatantiya niya ang reaksyon ko. Maingat niyang inilapag ang mga pinamili namin sa maliit na lamesa sa may gilid. Malawak ang buong kwarto, pero kakaunti ang mga gamit. At… wala ring kabuhay-buhay.

"Diego," tawag ko sa kaniya. I need him to explain. Bakit? Anong ginagawa namin ngayon sa harap ng babaeng iyon?

"I can trust you right?" iyon lang ang tanging sinabi niya sa akin na mas lalong nagpagulo sa sistema ko. I couldn't understand why. Alam niyang hindi maganda ang nakaraan namin ng taong iyon. Nabanggit ko sa kaniya ito noon. Alam niyang hindi ko sila gustong makita. Pero bakit dinala niya ako ngayon dito?

"Sabihin mo sa akin kung bakit nandito siya? Anong ginagawa niya rito? At bakit… alam mo na nandito siya?"

Napabuntong-hininga siya, halatang hindi alam kung ano ang uunahing sagutin sa mga taong ko.

"Before I tell you everything, promise me that you won't tell anyone about this."

"Sabihin mo muna sa akin kung anong meron dito! Naguguluhan ako!" Hindi ko maiwasang itaas ang boses ko. I felt so clueless. Napatingin ako sa babaeng iyon, I shouted a while ago pero parang wala lang iyon sa kaniya. Ni hindi siya lumingon sa gawi namin na parang wala siyang pakialam. Na parang wala siyang narinig.

Muling napabuntong-hininga ang lalaki sa harap ko. Sumulyap muna siya sa babae bago nagsalita.

"Three years ago… I saw her with her child. Wala siyang mapupuntahan noon, I helped her find a place to stay. Nasabi rin niya ang mga nangyari bago siya napadpad dito," saglit siyang tumigil sa pagsasalita.

"And then? Nasaan na ang anak niya?" kaagad kong tanong sa kaniya. Hindi kaagad siya nagsalita. Matagal muna siyang tumitig sa akin na para bang nag-iisip pa ito kung sasabihin ba niya sa akin o hindi.

"He died," pabulong na aniya na parang iniiwasang marinig ng babae ang pag-uusap namin.

Napaawang ang labi ko sa pagkabigla. Hindi ko maintindihan… pero ramdam ko ang mabilis na panunubig ng gilid ng mga mata ko.

"I am not in the position to tell you everything. Pero pagkatapos nilang makahanap ng matutuluyan noon, she tried to find a job. Sakitin ang anak niya, nalaman ko na nanganak pala siya ng kulang sa buwan. I did my best to support them, palagi rin akong bumibisita para magdala ng pagkain at gamot. But one day… habang nasa hospital ang anak niya, binawian ito ng buhay bago pa man siya makarating mula sa trabaho," umiwas siya ng tingin sa akin. Kita ko rin ang pamumula ng mata niya.

"Pero paano? Ang a-akala ko ba papanindigan siya ni Jacques? P-paano siya napunta rito? Mayaman ang pamilya niya, 'di ba? Sana humingi siya ng tulong-

"Pinalayas siya nang malaman nila na nabuntis siya."

Tuluyan na akong hindi nakagalaw. Parang nablangko ang utak ko. Wala na akong masabi. Ni hindi ko mai-proseso ang lahat. I remembered everything. Ang alam ko maayos sila ni Jacques, ang akala ko magiging maayos buhay niya pagkatapos kong umalis doon.

Tapos ngayon makikita ko siyang ganiyan?

"Simula noon, hindi na siya makausap. I hired a nurse to assist her everyday, pumupunta lang ako rito sa tuwing day off niya."

Hindi ako makapaniwala. I can't even utter a single word. I never expected that something like this would happened to her. Nang umalis ako sa probinsya, naisip ko na para na rin ito sa ikabubuti naming lahat. Akala ko masaya na siya ngayon. Pero hindi.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon