"Maryll, s-sino iyon?" Nanginginig kong tanong sa kaibigan. Nakakuyom ang mga kamao ko habang nakapatong ito sa lamesa.
Hindi ko maintindihan… ang biglaang pagsiklab ng pagkamuhi sa dibdib ko.
"Nanay ko siya, bakit?" tanong nito sa akin pabalik.
I wasn't able to answer her. Pati ang mga kaibigan ko, nagtataka na rin sa ikinikilos ko. Bumaling ako kay Maryll.
"Nanay mo?" paniniguro ko. Mas lalo lang tumindi ang emosyon sa dibdib ko. Hindi para sa kaibigan, kundi para sa taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon dito.
She's been gone for more than ten years, elementary ako noong huli ko siyang makita nang harapan. My father and her were arguing at that time. Nakita ko siyang galit kay Papa. She's blaming him because my father can't give her a happy life. Iyon ang dahilan niya na hindi ko nagawang makalimutan hanggang sa tumanda ako.
I could also remember her saying that she doesn't want that kind of life. Simple. Mahirap. My father was begging for her to stay. Labit-labit niya noon ang isang bag na pinaglagyan niya ng mga damit niya.
Nasa salas lang ako noon at nakatingin sa kanilang dalawa. I wasn't crying. Si Mama, dinaanan lang niya ako roon at lumabas ng bahay. Ni hindi siya nagpaalam sa akin. Walang iyakang naganap sa pagitan naming dalawa. Hindi siya umiyak sa katotohanan na iiwan niya ako roon.
Wala lahat, basta na lang siya umalis. At dahil mahal na mahal siya ni Papa, sinundan niya ito na siyang naging dahilan kung bakit siya naaksidente at nalumpo.
I was angry with her but later on, I totally accepted what she did. Ayaw niya sa ganoong buhay. Kasunod ko na lang nalaman na kaya pala siya umalis dahil nakahanap siya ng mayaman na lalaki. Narinig ko iyon mula sa mga kapitbahay namin noon.
Galit ako sa kaniya pero nawala rin kaagad iyon. Hindi dahil sa napatawad ko na siya. Kundi dahil… inalis ko na siya ng tuluyan sa buhay ko.
At ngayong nakita ko siya ng harapan, bumalik lahat ng pagkamuhi ko sa kaniya noon. She was the reason why my father lost his life even while he's still breathing. She was the reason why my father never cared about me. And she was the reason… why my father committed suicide.
"Oo, hindi niyo pa lang siya nakikita kasi ngayon ko lang naman kayo pinapunta rito sa bahay. Mamaya kapag lumabas ulit ipapakilala ko kayo," ngiti niya sa akin.
Kinalma ko muna ang sarili at muling bumalik sa pagkakaupo.
"Bakit kilala mo ba, Mads? Parang kinabahan ka riyan nang makita mo siya kanina?" anas ng isa naming kasamahan.
"H-hindi ko siya kilala, mukha lang... siyang pamilyar," pagdadahilan ko.
Tahimik kong iginala ang tingin sa kabuuan ng bahay. Ordinaryong bahay lang naman ito. Masasabi mong may kaya ang nakatira… pero hindi ito pang-mayaman.
Ito ba ang buhay na ipinagpalit niya sa amin?
"'Di ba taga-Quezon ka, Madelaine? Taga-roon din si Mama eh. Dati pa sana namin gustong pumunta roon, kaso nauudlot kasi sa sakit ni Papa," muli akong bumaling sa kaibigan.
"At nanay mo ang nag-aalaga sa kaniya?"
"Oo, wala namang ibang mag-aalaga sa kaniya kundi si Mama," parang nagtataka pa nitong anas sa akin.
Tumango at napangisi sa matinding sama ng loob. Mariin kong naikuyom ang kamao sa ilalim ng mesa.
I remained silent the whole time. Nakikitawa lang ako sa usapan pero wala talaga akong naiintindihan. Maaga rin akong nagpaalam na uuwi sa kanila. Baka kapag lumabas ulit ng bahay ang taong iyon, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at makagawa ako ng hindi magandang bagay.
BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024