"Hindi na ako iinom ng kahit na anong galing sa'yo!" dinuro ako ni Twelve nang akmang bibigyan ko siya ng tubig.
"A-ang oa mo ha? Ikaw na nga itong binibigyan." iritadong anas ko rito. Ako ang nakapuwesto pinakamalapit sa tubig kaya nang mabulunan siya, ako kaagad syempre ang unang mag-aaalok. Tapos pinagdududahan pa ako.
Dito ulit kami sa bahay nina Diego nakatambay. Pumapayag siya dahil palagi namang wala ang mga magulang niya. Dalawang katulong lang ang palaging narito. Nalaman ko na mayaman pala talaga sina Diego at hindi lang ito ang nag-iisang bahay nila sa mundo.
"Muntik mo na nga kaming lasunin noong nakaraan." si Cavier.
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Mahihina kasi kayo sa alak kaya gano'n, huwag niyo akong sisihin dahil taga-tagay lang ako." pagtatanggol ko sa sarili.
Kanina nga ay nag-aya ulit si Sison na mag-iinuman daw kami. Kaso ayaw na nina Twelve dahil sa nangyari noong nakaraan. Masyado silang nalasing, napagalitan pa yata ng nanay. Napapansin ko rin na mas napapadalas na ang pagtambay namin dito kesa sa bilyaran.
Napabaling ako kay Diego na ngayon ay nag-iisang hindi nakikigulo sa pagkain bukod kay Jacques. Napapansin ko talaga na ang madalas na pananahimik ng lalaking ito. Minsan pa ay isinama niya si Anastacia sa bilyaran. Walang kaduda-duda na sobrang ganda nga ng babae. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya nagustuhan nitong si Diego.
"Naiwan ko gitara ko, hindi tuloy tayo makapag-jamming." problemadong anas ni Nico sa isang tabi. Kanina pa siya ganiyan, talagang mas pinapahalagahan niya ang gitara niya kaysa sa anumang bagay. Walang girlfriend dahil mas gusto pang makasama ang gitara niya kaysa sa mga babae.
"Meron ba kayong gitara rito?" tanong nito kay Diego.
"Meron, nasa kwarto ko." kaagad na nagliwanag ang mukha ni Nico. Si Deigo naman ay parang tamad na tumayo at nagpaalam sa amin.
"Kukunin ko lang." aniya at kaagad na tumalikod.
Tumayo rin ako. Napatingin sila lahat sa akin.
"Sama ako!" hindi na sila nakapagsalita nang mabilis akong nakasunod kay Diego. Ayoko rin manatili roon dahil panay na naman ang bato sa akin ng masasamang tingin ni Jacques. He's always like that, dapat masanay na ako. May gawin man akong masama o wala, palagi pa rin siyang nagagalit o nakikialam. Kaya nga mas mabuti na mawala siya sa paligid ko.
Every place is suffocating when he's around.
"Sobrang laki naman ng kwarto mo. Yayamanin ka talaga. Rich kid grabe." iritado akong tinapunan ng tingin ni Diego habang kinukuha niya ang gitara.
Kulay puti ang kulay ng kwarto, halata ring wala siyang kabuhay-buhay na tao. I mean, walang design sa kwarto niya. Walang nakapaskil na poster ng mga idol niyang banda, walang one direction, walang marvel, walang blackpink, as in walang kabuhay-buhay! Malaki lang pero sobrang plain ng kwarto niya!
Tumayo ako at parang mayordoma na iginala ang tingin sa buong silid habang nakakunot ang noo.
"Wala ka bang hinahangaan man lang? Kama at pader lang ang nandito sa kwarto mo. Wala man lang poster ng marvel o kaya blackpink."
"Blackpink?" walang buhay nitong tanong.
Napatawa ako.
"Ewan ko rin, naririnig ko lang 'yon sa mga kaklase ko. Nakigaya lang ako."
I saw him furtively rolled his eyes, parang hindi niya sinasadyang umirap. Napailing na lang ako sa lalaking ito.
"Bakit hindi mo lagyan ng malaking picture ni Anastacia rito sa kwarto mo? Para naman araw-araw kang inspired."
BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024