Chapter 36

989 43 27
                                    

"Mas mabuti kung huwag mo na munang pilitin na kausapin sila. I know you remember what you said last night. Paniguradong nasaktan sila sa sinabi mo."

I know…

Kahit lasing ako kagabi, I could still clearly remember what I did. Especially the part when I shouted to my friends. Masyado akong tanga nang sabihin ko iyon sa kanila. Mali na dinamay ko sila sa mga hinanakit ko.

"P-pero… hindi ba mas maganda kung magso-sorry na kaagad ako ngayon-

"Hayaan mo muna sila. I know at the end of the day, hindi ka rin nila matitiis. You saw how they all reacted last night. Kung lalapitan mo sila ngayon, hindi ka rin nila papansinin."

Napabuntong-hininga ako at nagpasyang sundin ang sinabi niya kahit labag sa loob ko. I tried approaching Twelve that day, I want to try my luck. Pero hindi nga talaga niya ako pinansin. It made me sad the whole day. Bigla kong na-miss ang kaingayan nilang lahat.

Jacques, on the other hand bid his goodbye to us. May trabaho pa raw siyang kailangang puntahan. Mukha rin siyang nagmamadali. Hinayaan ko na lang dahil wala rin naman akong magagawa.

Somehow… his presence comforted me. Kahit hindi kami nag-uusap, naging kalmado ako kahit papaano. 

It was almost six in the afternoon when Jacques came back again. Nakasuot na ito ng itim na long sleeves. Sa itsura niya ngayon, mukha ngang kagagaling lang niya sa trabaho.

"Why are you here?" Matamlay kong tanong. 

Swabe siyang naglakad hanggang sa makalapit kung saan ako nakaupo. He took a quick glance on his wrist watch before staring at me again. 

"Let's buy you a phone."

Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. 

"Hindi ko kailangan," I lied. Kailangan ko ng cellphone. Nahihirapan sina Tita Christine na makontak ako kapag wala ako sa bahay. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagalit sa akin sina Twelve. They don't know how to contact me and they have no idea where to find me.

"Or would you like to have my phone instead? May luma pa naman akong magagamit," bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

He would go to such an extent? How about his personal infos? The messages, call logs and such? Ibibigay niya pa rin sa akin ang phone niya? Or maybe… he's going to delete some files na hindi niya gustong ipakita.

"Really?" Taas-kilay kong tanong. "Ano bang brand niyang phone mo?"

He chuckled softly and then took his phone from his pocket. Mukhang bago pa nga, and iyong tatak sa likod, kagaya rin iyon ng cellphone nina Twelve. 

"Ayoko niyan, bibili na lang ako ng sa akin."

"Then let's go. I'll help you buy your own phone," pang-aakit niya. Kalaunan ay pumayag na rin ako. Wala rin naman akong gagawin kung mananatili ako rito. 

Nagpanggap akong tinatamad kumilos dahil alam kong nakabantay ang tingin niya sa akin. I don't want him to get the idea that I allow him to be around me again.

Nang makarating ako sa taas, dali-dali akong naligo at naghanap ng masusuot. It's cold outside, but I chose to wear a knitted dress na hanggang sa itaas lang ng tuhod ko. 

Pagkalabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Twelve na saktong kalalabas lang din ng kwarto nila.

Bigla akong kinabahan nang mapatingin siya sa suot kong damit. I was hoping at least that he would ask where I'm heading pero tumalikod lang siya.

"T-Twelve!" tawag ko at mabilis na humabol. 

Tumigil din siya dahil alam niyang nakasuot ako ng hills.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon