Chapter 43

348 11 3
                                    


When I woke up, I just realized that it's already afternoon. Wala na si Jacques sa tabi ko. Kaagad akong bumaba sa kama at inayos ang sarili. I was contemplating kung pupunta ba ako sa baba, I feel like it's embarrassing to see his siblings or even his father. Pero ang sabi naman ni Jacques, wala raw dito si Ate Violet at ang iba pa niyang kapatid.

I looked at my phone and saw that it's already past five o'clock in the afternoon. I went downstairs, I couldn't see Jacques. Lumabas din ako ng bahay para doon siya tingnan, pero si Kahel lang ang naabutan ko roon. I stared at him for a while, of course he looked older and taller compared to the last time that I saw him. I guess he's already in college?

"Uh... nakita mo ba si Jacques?"

Sumulyap siya sa akin, nakita kong nasa harap niya ang isang kabayo at sinusuklayan ito.

"Pumunta ng bayan," tipid niyang sagot.

Parang nahiya pa akong magsalita ulit dahil mukha talaga siyang masungit.

"Ano raw gagawin?"

"May bibilhin daw siya."

Tumango na lang ako at hindi na nag-usisa pa. Silang magkakapatid talaga, ang hirap nilang kausapin sa simula. Pakiramdam mo susungitan ka lang palagi.

I sat in a chair in front of the house, Kahel's not that far from my position kaya nagkakarinigan pa rin kami.

"Kabayo mo 'yan?"

"Hindi."

Eh bakit nasa'yo?

"Ah.. inaalagaan mo lang?"

Sumulyap muli ito sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa kabayo. Halatang mas importante ito kaysa sa kahit anong bagay.

"Binenta namin ito sa mga Mendoza. Umalis na 'yung may-ari kaya ako ang nag-aalaga," napatango-tango na lang ako.

Binenta na nila pero bakit siya pa rin ang nag-aalaga? Medyo naguluhan ako do'n. Namangha pa ako kung gaano katingkad ang kulay ng kabayong iyon. Halatang inaalagaan ng mabuti.

"Abacus ang pangalan niya."

Wow may pangalan? Ang swerte naman ng kabayong ito, mukhang mahal na mahal ng amo niya.

After another minute of waiting, Jacques arrived. May dala na siyang mga plastic at paper bags sa kamay. I immediately stood up to help him.

"Ako na," he insisted.

"Bakit hindi mo ako ginising?" para sana nasamahan ko siya pamimili sa bayan.

I followed him until we reached their kitchen. Inilapag niya ang mga plastic bags doon saka sumulyap sa akin.

"Mahimbing tulog mo kaya hindi na kita ginising."

Bigla akong nahiya sa sinabi niya. How do I look when I'm sleeping heavily?

Nawala ako sa sariling iniisip nang iaabot niya sa akin ang ilang paper bags. Kinuha ko naman agad 'yon.

"Thank you."

I smiled when I saw that he bought me clothes, a toothbrush, slippers and other things. Biglaan ang naging pagpunta namin dito sa Quezon kaya wala akong nadalang kahit na anong gamit. It's a good thing that he initiated buying me these necessities.

"Magbihis ka na muna sa taas, I will cook dinner."

Kaagad akong sumunod sa sinabi niya. Binilisan ko ang pagbibihis para makatulong kaagad ako sa kaniyang magluto. Saglit pa akong natigilan nang mapatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kuya Ferrer. I suddenly remembered what I did back then. Kaagad akong nanlumo nang maalalang ganoon ang kinahinatnan ng buhay ni Esperanza dahil lang sa nangyari no'ng gabing iyon.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon