Chapter 34

865 43 7
                                    

"Nagpapatawa ka ba, Madelaine? Eh mas malayo itong pinapasukan mo ngayon kaysa sa dati!" Reklamo ni Twelve nang ihatid niya ako kinalunesan. 

Nakapamaiwang ito habang busangot ang mukha na inililibot ang tingin sa bagong workplace ko.

"Ibig kong sabihin, mas malapit na ito sa trabaho niyo. Ayaw mo noon? Palagi mo na akong masusundo sa tuwing uuwi na ako," nang-aasar kong saad.

Napaiwas ako ng akmang babatukan niya ako.

"A-ano ba?!"

"At sino namang nagsabi sa'yo na gusto kitang sunduin ha?!" 

"Eh bakit pasabi-sabi ka pa na delikadong umuwi ako ng mag-isa huh?!" 

Suminghal ito pagkatapos akong samaan ng tingin. Napapatingin na rin sa amin ang ibang dumaraan. Tumaas lang ang kilay ko at pinagmasdan kung gaano kalaki ang agwat ng taas naming dalawa.

"Matangkad nga, payatot naman," napahalakhak ako nang pumukol sa akin ang masamang tingin niya. 

He then rolled his eyes on me before he cleared his throat.

"Siyanga pala, nakita ko si Jacques noong nakaraang araw."

Awtomatikong dinapuan ako ng kaba nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon. Kabado akong bumaling sa kaibigan at nagpanggap na parang wala lang iyon sa akin.

"T-talaga?" taas-kilay kong anas. "Saan mo nakita?"

"Doon sa dating pinagtatrabahuhan mo. Napadaan ako roon noong nakaraan. Nakasalubong ko lang, tapos nag-usap kami saglit," sagot niya.

Napatango lang ako sa kaniya.

"Nakita mo ba kung anong ginawa niya roon? Sinong kasama?"

Napataas ang kilay sa akin ni Twelve. Mukhang nagtataka ito sa sunod-sunod kong tanong.

"Wala siyang kasama," aniya.

Napaiwas naman ako ng tingin at tahimik na nag-isip. Isang linggo na akong wala sa dati kong pinapasukan. Posible kayang pumunta roon si Jacques dahil hinahanap niya ako?

"Inakit ko nga ng inuman sa apartment eh. Hindi na namin nasabihan iyon bago kami pumunta rito sa Manila. Maagap kasing naging busy sa buhay iyon. Nangangalahati pa lang kami sa third year, graduate na kaagad ang loko!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"B-bakit mo inakit?!" malakas ko siyang hinampas sa braso. "Busy pala eh, bakit mo pa niyayang uminom?!"

"Aray ano ba?!" reklamo niya at umiwas sa akin. "Anong masama roon, eh tropa naman natin siya? Saka big time iyon si Jacques, hindi ka na mamo-mroblema sa pulutan!" humalakhak pa siya sa harap ko na parang may nakakatuwa sa sinabi.

Nakagat ko naman ang labi sa kaba. 

"P-pumayag ba?" kabadong tanong ko.

Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.

"Malamang papayag 'yon. Malakas ang charms ko ro'n kay Jacques. Hindi nga man lang nagdalawang-isip," at muli siyang humalakhak. 

Nasapo ko ang noo at mabilis siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang mga tawag niya subalit hindi na ako lumingon. Kinakabahan ako na parang ewan. 

I decided to find another place to work para takasan siya. I don't want to see his face again after what happened in his car. Masyado iyong nakakahiya… at ayoko na ring maulit pa iyon. Hinding-hindi ko na ulit iyon gagawin kahit kailan. 

I know Jacques has been doing a lot of effort for me to accept him again. But I just can't do it that easy. Hindi ko pa rin makakalimutan kung ilang beses niya akong tinalikuran noon. He's like a nightmare. I don't want to cross paths with him again even in my deep sleep. 

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon