I don't like to demand him to give all of his time to me, but every time we are sitting next to each other, at least, he should make me feel that I'm important to him.
"Ma'am!"
Napalingon ako sa isang construction worker na tumawag sa akin. Pamilyar na siya sa akin dahil palagi ko siyang nakikita sa tuwing pumupunta ako rito kasama si Jacques.
"Si Sir Jacques po ba ang hinahanap niyo?" Napatango ako.
"Ah, yes! Naisipan ko lang dumaan, papasok na rin kasi ako sa trabaho."
It was nine in the morning. Alas diyes pa ang pasok ko sa mall at sinadya ko talagang agapan para makadaan muna ako rito.
"Nandiyan ba siya?"
"Kakaalis lang po, Ma'am. Nagmamadali po eh."
Napatango naman ako at biglang nanghinayang. But at the same time, nandoon na naman ang pagdududa sa loob ko.
"Sige thank you, saan ba siya dumaan?"
I got an immediate reply from him kaya mabilis akong naglakad paalis doon at nagtungo sa may highway. Nanlaki ang mata ko nang makita si Jacques na papasok pa lang sa kotse niya.
"Jacques!"
Tinawag ko ito subalit hindi niya ako narinig.
I sighed.
I don't have plans to follow him because I don't want to be too suspicious. What would he think of me if he finds out that I followed him right? I don't want to ruin the mood just because of that. Kung ano man ang pupuntahan niya, siguradong importante iyon.
Kaagad kong hinalungkat ang aking bag at kinuha ang cellphone. I dialed Diego's number.
"What?" masungit nitong bungad sa kabilang linya.
"Good morning. May ginagawa ka ba?"
"Bakit?"
Napalingon muna ako sa paligid bago nagsalita.
"Dalawin natin si Esperanza."
Come to think of it, ever since I met Jacques again, hindi ko na siya nabisita ulit. I know Diego is always checking up on her.
"I'm busy."
"Oh… okay. Sige ako na lang mag-isa, pasensiya na sa abala."
Narinig ko naman ang iritadong daing nito sa kabilang linya.
"Fine. Where are you?"
Kaagad naman akong napangiti bago ko sinabi kung nasaan ako. Ayoko na sanang magpasundo, pero may kotse naman siya. Sayang naman kung siya lang ang uupo.
"Wala ka bang trabaho?" Kunot-noong tanong niya sa akin habang papasok ako ng kotse.
"Maaga pa naman. At saka… matagal ko nang hindi nabibisita si Esperanza. At least, I want to know if she's making progress."
Bumuntong-hininga siya saka nagsimulang magmaneho. Nanatili naman siyang tahimik buong biyahe. Ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa.
Natigil lang ako nang makarating kami sa tapat ng apartment.
"Hindi rin tayo magtatagal, I know you're busy. Pwede ka na rin maunang umalis kung gusto mo."
Umirap lang siya sa akin.
"Let's go," he parked the car near a convenience store. Kaagad naman kaming bumaba at nagsimulang maglakad.
But then he stopped walking. Bigla akong napalingon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024