This is the last chapter before the epilogue. Thank you for reading Jacques and Madelaine's story :)
---
"I promise, I'm gonna help you find a job if that's what you really want. Pero please, I want you to rest for a while, Madelaine."
I looked at Jacques, I could see determination in his eyes. I sighed in defeat. Gusto ko pa sana umangal, pero a part of me wants it too. A part of me wants to be with him all the time. Kaya naman after that night, we decided that I'm gonna move into his condo so that we can live together.
Una ko itong ipinalam kay Tita Christine.
"Sigurado ka na ba talaga dyan, Madelaine?" tanong niya habang nag-uusap kami sa may salas. I nodded, she just sighed at me.
"Pinag-isipan ko na rin pong maigi, Tita. Buo na po ang desisyon ko."
"Wala na akong magagawa kung 'yan talaga ang gusto mo. Malaki ka na at alam kong kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo," I can see her eyes getting teary. "Basta pwede ka pa ring bumalik dito kahit na kailan mo gusto. Bumisita ka palagi."
I nodded and hugged her.
Tita Christine has become my mother ever since we were left behind. Sa totoo lang, kaya hindi ako naghanap ng aruga ng isang ina kasi palagi siyang nandyan para alalayan ako. Kung wala siya nung mga panahong wasak na wasak ako, baka hindi ko na rin kinaya.
"Magpaalam ka ng maayos sa mga kaibigan mo. Naku alam ko na magiging reaksyon ng mga iyon."
Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa magiging reaksyon nila. Ang sabi ni Jacques, gusto raw niyang siya na ang magsabi kina Twelve pero hindi ako pumayag. Mas maganda kung kami-kami na mismo ang magkakausap.
"Ano kamo?!"
Napapikit ako sa gulat nang ihampas ni Twelve ang kamay sa mesa. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ganoon din ang iba ko pang mga kaibigan, nandito kami sa salas lahat ngayon para pag-usapn ang tungkol sa balak kong gawin.
"Sigurado ka na ba dyan, Madel?" paniniguro pa ni Cavier.
"Ano bang pinakain sa'yo ni Jacques para magkaganiyan ka? Jusko kunyari pa siyang gusto sumali sa tropa noon, balak ka lang palang jowain!" si Aaron.
"Naku ayusin mo mga desisyon mo sa buhay, sinasabi ko sa'yo," dagdag pa ni Twelve. Parang nanggigigil siya ngayon at gusto akong batukan.
Napatingin naman ako kay Sison na parang nanghihingi ng tulong. Napabuntong-hininga siya na parang hindi rin alam ang gagawin.
"M-mahal ko si Jacques kaya ako sasama sa kaniya."
Parang natahimik naman sila bigla sa sinabi ko. Tumingin ako sa sahig dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Kanina pa kami rito, kanina pa rin ako nakakatanggap ng panenermon.
Napatingin ako kay Warton nang umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Ano ba kayo, kung mahal naman talaga nila ang isa't-isa, bakit naman natin hahadlangan. Saka panigurado namang hindi siya pababayaan ni Jacques," ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Bugbog 'yan sa akin kapag pinaiyak ka niya," saad naman ni Nico. nakangiti na rin siya sa akin ngayon.
Para naman akong maluluha.
Lumapit din sa akin si Sison at inakbayan ako.
"Basta dumalaw ka pala rito dahil magtatampo 'yang tito mo," itinuro niya si Twelve na nakapang halukipkip pa rin at ilang beses na akong iniirapan. Iritado niyang binato ng unan si Sison.

BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024