Chapter 24

920 58 66
                                    

Mag-iisang araw na simula nang maabutan ko ang sarili kong ama sa ganoong posisyon. Ayaw ko nang maalala kung ano ang itsura niya noong gabing iyon. Ayaw ko nang maalala kung paano ako nawala sa katinuan matapos ko siyang makitang ganoon. 

Kahit papaano, kahit nanginginig ang mga kamay ko, nakuha ko pa ring tawagan si Tita Christine at sinabing kailangan naming dalhin si Papa sa ospital.

Hindi ko alam kung paano ko nakayanang kumuha ng kutsilyo upang putulin ang lubid na nakatali sa leeg niya. Ewan ko ba, punong-puno na ng luha ang mata ko noon pero nakaya ko pa ring gawin. Bumagsak sa akin ang walang malay niyang katawan. Sobrang lamig niya.

"P-Papa..." Nanghihina kong tinatapik ang pisngi niya kagabi. Paulit-ulit. Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang beses ko siyang sinubukan na gisingin. Ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang bumangon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko siyang tinawag habang niyuyugyog ang braso niya.

Baka kasi natutulog lang talaga siya. Baka naman may paraan pa. 

Ang kaso… kahit ilang beses ko iyong ginawa, si Papa… 

Hindi na ulit siya nagmulat ng mata.

"M-Madelaine..." Boses ni Tita Christine ang narinig kong papalapit sa akin. I was just sitting in the corner of my room. Nakaupo ako sa sahig at walang ibang ginawa kundi ang humagulgol. Ni hindi ko sinubukang tingnan ang sarili ko sa salamin. Natatakot akong makita ang sarili ko.

Hindi pa rin ako nakakatulog. Natatakot ako na baka kapag pumikit ako, mapanaginipan ko lang siya. Kaya naman nakatulala lang ako sa kawalan. Ayokong pumikit. Kasi sa tuwing gagawin ko iyon, naalala ko lang kung ano ang itsura niya noong gabing iyon. Naalala ko lang lahat. Iyong mga mata niyang wala ng buhay. Siya mismo, wala na rin. Wala na lahat.

"May mga tao na sa labas. K-kung kaya mo lang, hihintayin ka namin doon. Gusto ka ring makita ng mga kaibigan mo." Kita ko rin sa mata ni Tita na kagagaling niya lang sa pag-iyak. Siya na ang nag asikaso ng lahat matapos ng nangyari kay Papa. Ako kasi… nawalan na ng silbi pagkatapos niyon. Nandito na lang ako sa loob ng kwarto ko at walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

Hindi ko nagawang lumabas ng kwarto sa unang araw ng burol ni Papa. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Alam ko rin sa sarili ko na hindi ko siya kayang tingnan habang nakahiga sa kabaong. 

I never really imagined my father's death, even before. Hindi iyon pumasok sa isip ko kailan man. I was thinking that he'll live longer, I will make him bring back the smile on his face even if my mother isn't around. Ang problema sa kaniya, masyadong umikot ang buhay niya kay Mama kaya nang mawala ito, para na rin siyang namatay.

I never really thought that he'll commit suicide. Kung hindi na niya kaya… bakit hindi siya humingi ng tulong sa akin? Bakit hindi niya ako kinausap? Bakit… kailangan niya akong iwan?

Nakakuyom ang kamao ko nang magpasya akong lumabas ng kwarto. Pagbungad ko pa lang sa labas ng bahay, nasilayan ko na kaagad ang maraming tao. Nakikilala ko silang lahat dahil mga kapitbahay lang namin sila. Nagtayo ng tolda sa labas ng bahay at doon ibinurol ang labi ni Papa. 

"M-Mad..." Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagsitayuan nang makita akong lumabas. Puno ng pag-aalala ang mga mukha nila. Sa likod nila, doon ko naman nakita na mag-isang nakaupo si Jacques. Nakatingin na rin siya sa akin ngayon.

Umihip ang malamig na hangin, naamoy ko rin ang mabangong amoy mula sa mga bulaklak sa tabi ng kabaong.

Everyone's looking at me, wala pa man, naiiyak na kaagad ako. Hindi ako sumilip sa kabaong. Hindi ako nagtangka. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko kaya mabilis akong humanap ng mauupuan sa unahan.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon