"M-Madeleine," for the first time after many years, I heard her call my name again. I never wished for it. Pero hindi ko alam na magiging ganito katindi ang epekto niyon sa akin.
Taranta akong napalingon kay Jacques na nasa aking tabi. He was staring at me already. I know he is not aware of this. Hindi ko naman nasabi sa kaniya kung sino ang nanay ko.
But I am pretty sure he noticed that I am not comfortable. Knowing Maryll's reaction, mukhang alam na rin niya.
"K-kumusta ka?" napalingon ulit ako sa babae. This time, nakita ko ang nanunubig niyang mga mata. "Kumusta kayo ng P-Papa mo?" She then added.
Napapikit-pikit muna ako habang nakatingin sa kaniya. I was trying to find out what was wrong with what she said. I feel like something was wrong in it. Something's strange.
Iyong pakiramdam na parang may nakalimutan ako, tapos ngayon ko lang ulit naalala. And then I remembered...
She mentioned my father.
Napatawa ako.
"Patay na si Papa. Three years ago."
Nakakamangha na nakaya ko iyong sabihin ng ganoon lang. Na parang wala lang. Na parang hindi ako muntik mabaliw noong araw na iyon. It was really strange. Kasi hindi ako naiiyak ngayon.
All I could feel was the entire coldness in my body that I think, no one could ever replace it.
Nakita ko naman ang gulat na bumakas sa mukha niya pati na rin ni Maryll. Siguro kaya ganoon ang reaksyon niya kanina kasi alam na niya. Maybe it was because of what happened last time, noong magpakalasing ako sa bahay nila. I know I've said things that I shouldn't. Huli para pagsisihan ko pa iyon.
"P-patay na?" hindi makapaniwalang aniya. "Paano namatay? B-bakit? Anong nangyari sa kaniya?"
Of course she's completely unaware. Sigurado akong wala na siyang naging balita sa amin matapos niyang umalis. Hindi ganoon kalayo ang Maynila sa Quezon, pero sigurado akong nawalan na siya ng pakialam sa amin noong araw na umalis siya.
"Gusto mo bang i-detalye ko pa sa'yo? Gusto mo bang isa-isahin ko lahat ng nangyari simula noong nawala ka? Nalaman mo man lang ba na hindi na niya nagawang makalakad matapos mong umalis?"
"H-hindi ko alam, Madelaine. Hindi ko alam."
"Syempre hindi mo talaga alam," nagtangis ako ng bagang at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ayokong makita ang luha niya. Wala siyang karapatang umiyak sa harap ko. "Ayoko nang makipag-usap pa sa'yo. Uuwi na kami."
Mabilis akong tumalikod at bumaling kay Jacques. Pero pinigilan na ako ni Mama bago pa man ako makahakbang.
"M-mag-usap tayo, Madelaine. M-mag-usap muna tayo," halos nagmamakaawa niyang anas. Nakita ko si Maryll sa gilid niya na naiiyak na rin.
Pilit ko namang pinagmukhang walang reaksyon ang mukha ko.
"Bakit pa tayo mag-uusap? Sana hindi ka na lang nagpunta rito. Wala rin namang mangyayari. Kung nakilala mo man ako, sana nanahimik ka na lang. Sana hindi mo na lang ako nilapitan."
"P-patawarin mo ako kung iniwan ko kay noon," umiiyak na aniya. Sinusubukan kong huwag iyong makita kasi alam kong mabilis akong maaapektuhan. "P-patawarin mo ako kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo ng maayos. H-hindi ko na lang talaga kayang matagalan-
"Hindi mo na kayang maging mahirap? Sawa ka na sa buhay natin doon sa probinsya?" hindi makapaniwalang humalakhak ako sa kaniya. "Iyon ang dahilan mo 'di ba? Ayaw mo na sa ganoong buhay? Ayaw mo sa kahirapan kaya ka umalis!"
Nakita ko ang biglaang pagtigil ng luha niya at parang natulala sa akin.
"H-hindi ganoon. Hindi g-ganoon iyon, Madelaine."
BINABASA MO ANG
Under the clouds (Guevarra Series 2)
RomanceI've never loved anyone except from you. Date started: July 16, 2021 Date completed: July 10, 2024