Chapter 9
(Seatmate)
Marga's POV.
Eto ako ngayon mag isa sa loob ng room. Yung 4 na girls?? Ayun nagsialisan kanya kanyang date kalain mo yun sila may mga lovelife ako wala. Tssk.. Bakit kasi hindi ako mapansin ni Lance eh ang ganda ganda ko naman matalino pa. Hay... Lance mapapa sa akin ka rin.
Makatulog na nga. Inub-ob ko nalang yung ulo ko sa desk para maka tulog, vacant pa naman eh.
2 hours later..
Lance POV.
Naglalakad ako ngayon papuntang room. Pagpasok ko nakakita ko ng isang babaeng. Natutulog, pinuntahan ko para malaman ko kung sino. Marga yata ang pangalan nito. Pinagmasadan ko ng mabuti aog mukha niya. Ang haba ng pilik mataniya, ang tangos ng ilong niya, kissable ang lips niya nakakaakit, parang ang sarap halikan. Hindi siya naglalagay ng lipstick?? Eh, bakit ang pula ng labi niya.?? Si Colleen nga ang daming nilalagay sa mukha niya pero siya kahit isa wala ang simple lang niya pero ang ganda niya. Gisingin ko kaya siya??
"Poke." sinundot ko ang cheeks niya. Pweding pa mura?? S*it ang lambot.
"poke, poke, poke."ang ganda talaga niya.
"h-hmm..." Kinu-kusot kusot niya ang nga mata niya gamit ang kanyang kamay, at dahan-dahang minulat, ang cute niyang tingnan. Parang bagong gising na bata.
"L-La-Lance??" takang tanong niya sakin.
Kilala niya ako?? Nginiti-an ko nalang siya. Mukahang nagulat sa sakin.
"Anong ginagawa mo rito??" tanong niya sakin.
"pinagmamasdan ka.. A-ah este ginigising ka, maya-maya darating na kasi ang teacher natin." pagpapaliwanag ko. Naku Lance muntikan ka ng mabuko dahil sa ginagawa mo.
"pwede bang umupo dito sa tabi mo??" bakit ko ba nasabi yan?? Lance naman may Colleen kana tama na yan.
"o-okay lang, wala namang nakaupo diyan eh." sabi niya sabay ngiti.
Wala narin akong magagawa. Umupo na lang ako sa tabi niya.
Makipagkaibigan kaya ako sa kanya??
"kilala mo naman siguro ako diba?? So, pwedi ba tayong maging friends??" sabay abot ko ng kamay sa kanya.
" okay friends!! Hindi ko naman matatanggihan ang isang Lance Aragon diba??" sabay ngiti niya. Parang anghel ang kagandahan niya.
"simula ngayon dito na ako uupo sa tabi mo ha. Seatmate na tayo ngayon at friends pa."
Bakit kaya pagdating sa kanya nawawala ang pagiging suplado at paggiging mayabang ko para bang lumalambot ako. Nakakabakla naman oh!!? Lance ikaw pa ba yan??
--------------------------------------------
A/N
Sorry po if maikli ng yung mga chapter hanggang diyan lang po kasi ang naisip ko ngayon eh.
Sana patuloy niyo pang suportahan ang story nato.Please Vote and Comment.
Thank you so much.
-Maabbil
BINABASA MO ANG
Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)
FanfictionAng lahat ay nag simula sa isang crush, paano pag nalaman mong ang crush mo ay boyfriend pala ng pinsan mo?? Naranasan mong masaktan, maging masaya at, mag selos. kahit hindi pwede. Magiging Happily Ever After pa kaya sila?? o patuloy nilang hindi...