Chapter 29

65 6 0
                                    

Marga
 


Ilang araw na ang nakalipas nang malaman namin na may malubhang sakit si Colleen.
   
  

Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming pumupunta sa hospital kung saan nandoon si Colleen.
  
  

Medyo awkward pa minsan kung mag kausap kami kasi hindi parin siguro namin na lilimutan ang mga nangyari between the two of us.  I hope na magkaayos na kami ng tuluyan sa lalong madaling panahon.
   
  

Ganun din pag kausap ko si Lance, hanggang ngayon mahal ko parin siya hindi pa rin nawawala ang pag mamahal ko sa kanya, ang hirap kasi siyang kalimutan.  Hindi madali kalimutan ang taong minahal mo ng totoo.
   
  

Andito kami ngayon sa hospital kasama ang buong barada.
  
  
  
"Guiz, pwedeng lumabas muna kayo?? Iwan niyo muna kami ni Marga may paguusapan lang kaming importante." Sabi ni Colleen sa kanila.

  
  

Nagulat din ako kung bakit niya yun sinabi at nagtataka ako kung ano ba ang kailangan naming pag-usapan. Pakiramdam ko tungkol ito sa issue namin dati, tungkol saming tatlo nina Lance.
  
    
 
Nang makalabas na ang lahat ay walang may nag salita sa aming dalawa.
 
 
 
Parang nabibingi na ako sa katahimikan.

 
 
Pero after few seconds nag salita na siya.
 
  

"Marga, gusto ko sanang humingi ng sorry. Hindi lang sayo pati na rin kay Lance, sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo. At sa oag hadlang ko sa pagmamahalan niyo ni Lance. Alam ko na ako ang girlfriend niya bago ka niya nakilala pero simula nang makilala ka niya nawala na ang pag mamahal niya sakin. Mahal ka ni Lance Marga pero dahil ayokong mawala siya sakin ginawa ko ang lahat para hindi niya ako iwan. Sorry talaga Marga." Sabi niya habang umiiyak.
 
 
 
Sa kabila nang mga nagawa niya hindi pa rin namin maipagkakait na magkadugo kami.

 
"Ano kaba Marga matagal na kitang pinatawad, kinalimutan ko na ang mga nangyari dati matagal na yun. At kung galit ako sayo sana wala ako ngayon dito sa tabi mo na nag-aalala sayo dahil sa ngayon lang namin nalaman na may sakit ka." Sabi ko sabay punas ng luhang dumadaloy sa pisngi ko.
 
  
 
"At tsaka wag mong sasabihin yan, hindi kapa mamamatay gagawin natin ang lahat maka survive ka lang sa sakit na to. Kailangan mong lumaban hindi lang para sa mga magulang mo at mga kaibigan mo, kailangan mong lumaban para sa sarili mo. You're too young to die. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay kaya lumaban ka wag kang magpatalo sa sakit mo." Pag checheer up ko sa kanya.
 
   
  
 
Nag iyakan kaming dalawa ni Colleen sa loob ng hospital room, nag yakapan kaming dalawa at sa wakas nag ka ayos na kami na pag-uspan at na bigyan na nang liwanag ang mga nangyari samin dati.
  
  
 
 
--------

Lance

 
Nasa labas kaming lahat kasi pinalabas kami ni Colleen kasi may mahalaga silang pag-uusapan ni Marga.

 

Medyo sumilip ako sa pintuan ng room, tiningnan ko kung ano ang gingawa nilang dalawa sa loob.
 
  
  
Nakita ko na umiiyak silang dalawa at nag yakapan. Siguro tinatama na ngayon ni Colleen ang mga nagawa niya dati.
 
  
 
At sana kasunod nito ang pagkaayos namin ni Marga at mapagbigyan ulit nang pagkakataon ang nararamdaman ko sa kanya.
 
  
 
 
Natigil ang pagsilip ko nang may mag salita sa likuran ko.
 
 
 

"Lance, hayaan mo muna sila magkasama. Halika sumama  ka muna samin sa cafeteria nitong hospital." Sabi ni Natasha sakin.
   
   
  
 
Tumango lang ako bilang sagot at dahan dahang isinara ang pinto ng kwarto ni Colleen.
   
 
  
 
Sabay kaming lahat umalis at pumuta sa cafeteria.
  
  
  
 
Nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon. Naaawa ako kay Colleen at naguguluhan ako kung ano ba ang mga iniisip ni Marga sa ngayon.
 
 
   
 
Nang nasa cafeteria kami may isang lalaking naka upo malapit sa table namin. Nag susulat siya. Binasa niya ito.
 
  
  

Sorrowful Truth
By: Joshua Mer 
 

  Why is life so unfair?
We do good things and nobody even cares.
They always see the slightest mistake
Then they instantly forget the good things you have made.

 
Welcome to our society.
Full of judgment and hypocrisy
We live up for the comforting lies
We afraid of the truth that would make us cry

 
So here we are so dark and pale,
We cry our sorrows in our rooms and pray.
Yet as we live we know evil things will stay.
So why not love ourselves and make some change.

  
 
 
Tama siya, Bakit napaka unfair ng life?? Kaunting pag kakasala mo lang mawawala na yung mga kabutihan mong nagawa.
 
 
 
 
Sa kabila ng mga maling nagawa ni Colleen naging mabuting tao parin siya pero hindi ito nakikita ng ibang tao. Dahil ang mga nikikita ng iba ay ang mga mali niya. Para sakin hindi niya deserve ang mga nangyari sa kanya, ang sakit niya bakit sa dinamidaming sakit bakit yung malubha pa??

Bumalik na kami sa Room ni Colleen nadatnan namin silang nag tatawanan. Mukhang ang saya na nilang dalawa. Parang wala na yung wall na naka pagitna sa kanila.
  
 
 

Sana magtuloy tuloy na ito.
    
 
 
 
Sana maging okay na ang lahat.
  

 

 
To be continued..

A\N:
Next is the last chapter I guess. Then epilogue.

Thank you for reading!!

Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon