Chapter 25

60 8 0
                                    

Marga's POV.

Wala ako sa sariling bumalik sa pagkaka higa ko. Hindi na ako mapakali. Parang bigla nalang akong nag dududa sa pamamahalan namin ni Lance.

"mahal mo ba talaga ako?? O kahit matagal na tayong nag sasama pero si Colleen parin ang mahal mo Lance??"

Bigla kong naalala ang mga Good and Happy memories namin ni Lance this past two years. Totoo kaya ang lahat ng yun?? O Laro at panloloko lang ang lahat ng yun??

Napalunok ako bigla.
Ayaw ko sa mga negative na pinagiisip ko ngayon.
Pero kahit ganun pilit ko paring iniisip ang mga positive na bagay na impossibleng mangyari.

Ang bigat sa dibdib. Sana hindi totoo lahat ng mga negative ba iniisip ko.

Knock.. Knock..

Bigla nalang may kumatok sa pintuan ko.

"Come in." Sigaw ko para marinig niya ako.

"Bestt!!!" pagkabukas ng pinto ng kwarto ko ay agad na tumakbo si Natasha papalapit sa akin at niyakap ako bg mahigpit.

"Best, okay ka lang ba??" nag aalalang tanong niya sakin.

At sa pag tanong niya sakin doon na ako nag simulang maluha. Namiss ko ang best friend ko. Pero mas nangingibabaw parin ang pagdududang nararamdaman ko. At ikinukwento ko sa kanya ang mga nangyari at pati na rin ang pagdududa ko kay Lance. Hindi nag salita si Natasha, nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko. Hinayaan niya lang akong ilabas ang lahat ng takot at pangambang nagsisimulang mabuo sa dibdib ko. Nang matapos na ako, doon lang nagsalita si Natasha.

"I'll be honest to you Best. Noon ko pa talaga hindi gusto si Lance para sayo, pero hinayaan ko lang kayo dahil alam kong mahal mo siya. Pero sa nangyayari ngayon, nakabalik na si Colleen. Possibleng mawala siya sayo best. Pero kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo kami ng parents at mga kaibigan mo. Hindi ka namin iiwan." sabi ni Natasha habang niyayakap ako.

Napayuko nalang ako habang may tumutulo na namang luha sa mga mata ko.
Siguro nga tama si Natasha sa unang akala niya. Alam ko naman na hindi niya gusto si Lance para sakin pero pinilit ko parin. Dahil gusto ko.

"pero best." pagpapatuloy ni Natasha.

'isang bagay lang ang napansin ko na hindi mawala sa isip ko."

"ano yun best??"

"the way he looks at you."

"what do you mean best??" nagtatakang tanong ko sa kanya.

" I don't know kung tama ba ang observation ko best pero ayaw kitang paasahin sa sasabihin ko. But the way Lance looked at you best parang kakaiba. Alam mo best kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Nahihibang lang siguro ako."

Kilala ko na talaga kung ano tong best friend ko. Alam ko naman na ayaw lang niya akong masaktan. Ang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng bestfriend na kagaya niya.

Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon