Chapter 30: The Last Chapter

76 8 0
                                    

Chapter 30
 
 
Marga


 

"Clear!!"
 
 

Nasa labas kaming lahat ng ICU ng hospital, nag hihintay ng balita. Kung saan nag aagaw buhay ang kaibigan naming si Colleen.
 
 

"C-Colllleeennn!!!!!" Sigaw ng mommy ni colleen. Habang humahagulgul sa iyak.
  
 

Nasa tabi nito ang asawa niya habang niyayakap at pinatatahan ito.
 
 

Katabi ko ngayon si Lance.
Nagiiyakan kaming lahat sa labas ng ICU hindi nami alam kung ano ang gagawin namin basta ang alam naming lahat ay nag aagaw buhay ang kaibigan namin.
 

Maya maya ay lumabas na ang doctor mula sa ICU. Nag si tayuan kaming lahat mula sa pagkakaupo namin.

 
 

"Sino ang magulang ng pasyente??" Bungad na tanong ng doctor pagkalabas nito sa ICU.
 

 

"Kami po doc." Kalmadong sagot ng daddy ni Colleen habang nakayakap ang asawa nito sa kanya.
 

 

"Sorry Mr. And Mrs. Ginawa na namin ang lahat ng aming  makakaya para buhayin ang pasyente." Direktang sabi ng doctor sa mga magulang ni Colleen.


 

"N-noo!!!! h-hindi t-totoo yan!!! Buhay ang anak ko!!!" Sigaw ng mommy ni Collen. Hindi siya makapaniwala na wala na ang anak niya.


 

Mabilis na pumunta ang mommy ni Colleen sa loob ng ICU at agad naman itong sinundan ng asawa nito.


 

Sumunod kami ngunit huminto kami malapit sa pinto ng ICU.


 

"Colleen, Anak, andito na si mommy. Gising na jan. Wag mo kaming iwan." umiiyak na sabi ng Mommy ni Colleen habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ni Colleen.

 
 
Kahit namatay pa rin si Colleen dahil sa sakit niya. Sinubukan niya pa ring lumaban hanggang kaya niya. Ang isang buwang taning sa kanya nang doctor ay lalo pang humaba hanggan apat na buwan. Kahit ito ang kinahantungan ni Colleen, sa sandaling panahon ay naging mabuti siyang kaibigan at anak. Itinama niya ang lahat ng pagkakamali niya humingi siya ng tawad sa mga taong nasaktan niya.
  
 
 
Mahirap mawalan ng isang kaibigan kahit minsan ay hindi kayo nagkaka intindihan hindi pa rin siya mawawala sa puso niyo.
 
 

Few months later pag katapos ng libing ni Colleen nandito kami ngayon sa cemetery kung nasaan naka himlay ang puntod ni Colleen kasama ko si Lance. Nag alay kami ng bulaklak at kandila at sinamahan namin ng dasal. Maya maya ay umalis din kaming dalawa.
 
 
 
Bago namatay si Colleen ay nagka ayos na rin kami ni Lance nag kausap kami humingi siya ng sorry sa akin.
 
 
 
 
(Flashback)
 
 

paalis na kaming lahat mula sa hospital nang inaaproach niya ako.
 
 

"M-marga?" Tawag niya sakin habang nasa parking lot kami.
 
 
 
"Yes?" Sagot ko sa kanya.
  
 
 
"Hatid na kita pauwi." sabi niya.
 
 
 
 
"Ahh.. wag na Lance, mag ta-taxi nalang ako." Pag tanggi ko sa kanya.
 
 
 
"Sige na, at tsaka para maka bawi na rin ako sayo." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon