Epilogue
What is LOVE??
Ano nga ba talaga ang pag-ibig??
Ano ba ang nagagawa ng pag-ibig sa tao??
Ang pagmamahal ay yung ipaglalaban mo ang taong mahal mo hanggang sa dulo. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay sinusubok ang pagmamahalan niyong dalawa. Kung gaano kayo ka tatag, kalakas, katibay at kung hanggang saan niyo kayang ipaglalaban ang relasyon niyong dalawa.
Ang pagmamahal ay hindi na sususkat kung gaano kayo ka tagal at kung gaano karami ang mga bagay na ibinibigay mo sa kanya.
Kundi nasusukat ito kung paano niyo ipaglaban ang pagmamahalan niyo hanggang sa dulo.
Ang pagmamahal ay parang isang sakit, walang pinipili ang pag-ibig at puso kung sino ang mamahalin nito, hindi mo alam kung kailan ka matatamaan ng pana ni kupido.
Sabi nga ng kantang to. "Kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito."
Kasi pag tinamaan kana ng lintik na pana ni Kupido, wala kanang magagawa kundi ang "just go with the flow."
----"LAANNCEEE!!!!"
Napa tayo agad ako sa pagkakahiga ko sa sofa ng marinig ko ang sigaw ni Natasha.
Napatakbo ako ng mabilis papunta sa kwarto namin.
"Tumawag ka ng ambulansya!! bilis!!!" Natatarantang sabi ni Natasha.
"Aahhhh.. ang sakit!!!" namimilipit sa sakit si Marga.
Napatulala ako, parang nanigas ang buong katawan ko.
"LAANNCCE!!! MANGANGANAK NA ANG ASAWA MO!!! ANO PA ANG TINUTUNGANGA MO JAN!!!" Sigaw sakin ni Natasha.
Sa pag sigaw niya sakin doon pa lang nag sink in sakin ang lahat.
Shit!! Manganganak na ang asawa ko.
Dali dali kong binuhat si Marga papunta sa Kotse at agad na sinugod sa hospital.
"Ahhh..." sigaw ni Marga habang nakahawak sa kamay ko.
Isinugod sa delivery room si Marga. Ilang minuto nalang magiging ganap na tatay na ako.
"LANCE!!!" Sigaw ni Marga habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Wifey, kaya mo yan, nandito lang ako sa tabi mo hindi ako aalis. Kahit sabunutan mo pa ako ngayon para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. I love you." sabi ko naman sa kanya.
nanood lang ko sa ginagawa ng doctor sa asawa ko at hinahawakan ang kamay niya.
"Aaaahhh!!!!!" Sigaw ni Marga at nawalan na ito ng malay.
"Congratulations it's a baby boy!!!" Sabi ng doctor.
Nawalan nang malay si Marga dinala na rin sa nursery room ang baby namin.
Sa wakas may Lance Ethan Aragon Jr. na.
Marga
Nang magising ako agad kong nakita sa tabi ko si Lance."Wifey, okay ka lang ba??" nag aalalang tanong niya sakin.
"I'm okay Lance. Nasaan ang baby natin??" Nanghihinang tanong ko sa kanya.
Ang sakit ng katawan ko. Lalong lalo na yung private part ko. Ganito pala ang feeling pag nanganak ka.
Sobrang saya na maisip mo na may anak kana.
"Nasa nursery siya." nakangiting sabi ni Lance.
"Puntahan natin siya Lance." Sabi ko sa kanya.
Gusto kong makita ang anak ko. Kung sino ba ang kamukaha niya kung ako ba o yung daddy niya.
"Kaya mo na bang tumayo??" Tanong ni Lance sakin.
Umiling lang ako sa kanya. Kasi alam ko naman na hindi ko pa kayang tumayo pero gustong gusto ko nang makita ang anak ko.
Nginitian ako ni Lance, maya maya may dumating ang
Nurse na may dalang wheel chair.Inakay ako ng dahan dahan ni Lance para bumaba sa higaan at pinaupo sa wheel chair.
Siya na ang nag tulak ng wheel chair papunta sa nursery room.
Nang nasa tapat na kami ng nursery room tinuro sakin ni Lance ang baby boy namin.
"Ayan oh, yun yung baby natin. Tabaching ching yung baby boy natin." Masayang sabi ni Lance.
Makikita mo talaga sa kanya na ang saya saya niya nang makita niya yung anak namin. Kahit ako rin gusto ko na siyang kargahin pero nanghihina parin ako.
"Ang gwapo niya." Sabi ko kay Lance.
" syempre mana kay daddy!!" Proud niyang sabi.
"Hindi ah!! Ako kaya kamukha niya!!" sabi ko naman.
"Wag na kayong mag talo anak, kayong dalawa ang kamukha ni JR." Sabi ng daddy ni Lance.
Ngumiti nalang kaming dalawa sa kanya.
"Lance anong ipapangalan natin kay baby??" Tanong ko sa kanya.
"Sabi nga ni daddy jr. Gusto ko rin sana ng Lance Jr." Sabi niya sakin habang kumakamot sa ulo niya.
"Ayoko Lance gusto ko unique ang name ng baby natin. Gusto ko Marnel, Marnel Klyne. Minsan mo lang marinig ang pangalan na yan, kaya yan nalang." sabi ko naman sa kanya.
"Sige ikaw ang masusunod aking reyna." Sabi ni Lance sabay bow habang hawak hawak ang kamay ko.
Ang sarap sa pakiramdam na isang magulang kana. Ipapangako ko sa sarili ko na magiging mabuting ina ako sa mga anak ko mamahalin ko sila higit pa sa buhay ko.
Ang sarap makita na buo na ang pamilya mo. Na dati pinapangarap mo lang ito ngayon nagkaka totoo na.
Ang sarap makita ang asawa mo na ang saya saya kasama ang anak niyo.
Kahit anong dami ng mga pagsubok na darating sa buhay namin ni Lance ipaglalaban namin ang pag iibigan namin hanggang sa dulo. Kaya nga till death do you part nga ang sinasabi sa church pagkinakasal ang dalawang taong nagmamahalan. hanggang kamatayan walang magakakahiwalay sa amin ni Lance.
And we live happily ever after with our baby Marnel Klyne Aragon.
And this is Ashley Margarette Smith- ARAGON is now signing out.
The End
------
Author's note,
Finally natapos na rin. First of all alam kong pangit ang gawa ko pero thankful parin ako dahil may nagbabasa nito.
Supportahan niyo rin ang isa kong on-going story "Akala" thank you ulit.-maabbil
BINABASA MO ANG
Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)
FanfictionAng lahat ay nag simula sa isang crush, paano pag nalaman mong ang crush mo ay boyfriend pala ng pinsan mo?? Naranasan mong masaktan, maging masaya at, mag selos. kahit hindi pwede. Magiging Happily Ever After pa kaya sila?? o patuloy nilang hindi...