Chapter 17

74 12 1
                                    

Lance POV.

ilang weeks na ang nakalipas simula nang iwasan ko si Marga.

Hindi na talaga ako sanay na hindi siya kasama.

Miss ko na nga siya. Pero nang dahil kay Colleen napapalayo ako kay Marga. Siya ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Marga. Nagtataka ba kayo kung ano ang nangyari bakit ko iniiwasan si Marga??

Ikukwento ko nalang sa inyo tinatamad na si author mag flashback sa mga nangyari eh.

Nagalit si Colleen dahil nawawalan ako ng time sa kanya. At nagseselos siya dahil close kami ni Marga kaya yun para di Siya magalit sakin sabi niya iiwasan ko si Marga kaya para wala nang gulo sinunod ko nalang siya. Nagtataka't naguguluhan na nga ako eh. Mahal ko ba talaga si Colleen?? O may iba na akong mahal??

Filipino class namin bigla na lang sinigawan ni Ms.Pando si Marga. Mukhang hindi siya nakikinig. At bigla nalang siyang umiyak at umalis papuntang clinic.

Nang makaalis na si Marga nagpatuloy na ng discussion.

"Ma'am can I go out??" tanong ko kay Ms. Pando.

"Where are you going Mr. Aragon??" mataray na mukhang nagpapacute na tanong niya sakin.

"CR po." hindi naman talaga ako pupunta ng cr eh. Kailangan kong sundan si Marga baka mapano na yun.

"okay." pinayagan na niya ako.

Pumunta ako ng clinic pero wla siya. Tinanong ko ang nurse na incharge pero wla raw pumuntang Ashley Margarette Smith sa clinic.

Saan ba siya pumunta??

Nag-aalala na ako eh!! Kasalanan ko talaga to.

"kasalanan ko talaga to eh!!"

"nasan kana ba ??"

Hindi ko kasi siya mahanap.
"Sino naman yung hinahanap mo??" bigla nalang may sumulpot sa likuran ko.

"sino ka?" tanong ko sakanya.

"Marianne nga pala. ^_^" ngiting sabi niya. Teka parang kaklase ko yata to ah?? Baka alam niya kung saan si Marga.

"kilala mo ba si Margarette Smith??" cold kong tanong sa kanya. Yung pa cool lang.

"hmm.. Oo." sabi niya sabay iwas ng tingin.

"alam mo ba kung nasaan siya??" tanong ko sa kanya.

"kanina nakasalubong ko sila aa park kasama niya si Cyrille." malungkot na sabi niya.

"Salamat." yun nalang ang nasabi ko at umalis.

-------------------------------------------------

Colleen's POV.

Pupuntahan niya talaga si Marga sa park. Eh.. Alam niya naman na may kasama ng iba si Marga eh!! Ang flirt niya talaga. Nakakainis. ako yung girlfriend niya eh. Bakit si Marga pa ang hinahanap niya??!!

Akala ko ba girlfriend ako bakit naging stalker na ako ngayon??

sinundan ko si Lance papuntang park. Nagtatago ako kung saan- saan.

Hindi ko na talaga matitiis ang pagkakagigil kong sampalin ang flirt na Margang yan. Kainis!!

"Marga??" tawag ni Lance sa nakatalikod na babae na may kasamang lalaki.

"L-La-Lance??" gulat na sabi ni Marga.

Parang hindi niya ene-expect na nandito si Lance. Na sa wakas pagkalipas ng ilang weeks pinansin rin siya ni Lance. Hindi nga yan sinusungitan ni Lance eh!! Di kagaya ng pakikipagtungo ni Lance sakin. Minsang masungit na parang daig pa niya ang nag P-PMS na babae o di kaya cold ang pakikipagtungo niya sakin.

Nakakainis. Di ko na talaga matiis. Kaya sinugod ko na sila.

"YOU SL*T!!! B*TCH!!! I HATE YOU!!" sigaw ko na sinasabunutan si Marga.

"Aray!! Ouch!!" nasasaktang sabi ni Marga.

Dapat lang sayo yan Marga. Ang flirt mo kasi!! Pati boyfriend ko fini-flirt niya.

"Colleen tama na. COLLEEN TAMA NA!! NASASAKTAN NA SI MARGA!!" pag-aawat ni Lance sakin.

Bakit ang impaktang babaeng to ang ipinagtatanggol ni Lance??!!

Napatigil ako sa sinabi ni Lance. Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong sigawan at ipinagtanggol pa niya ang fl*t na babaeng to.!!

"Anong sabi mo Lance?? Ulitin mo nga ang sinabi mo." cold kong sabi kay Lance at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Ang sabi ko TUMIGIL KANA!! NASASAKTAN NA SI MARGA SA GINAGAWA MO!!" sabi niya sabay higit sa braso ko at hinila papalayo kay Marga.

"ANO BA ANG PROBLEMA MO HA?? COLLEEN AT PATI SI MARGA DINADAMAY MO??" sigaw ni Lance sakin.

"At ako pa ang may problema ngayon Lance?? Eh, ikaw nga tong nagaalala sa ibang babae pero sa sarili mong GIRLFRIEND ni hindi mo ipinagtanggol!!!" at talagang diniinan ko ang girlfriend. Eh, mukhang mas girlfriend pa si Marga kaysa sakin eh!!

"Oo nga!! Girlfriend kita. Pero mali naman kasi ang ginagawa mo Colleen!! Kong iniisip mo na may namamagitan samin ni Marga. Pwes nagkakamali ka!! Magkaibigan lang kaming dalawa ni Marga, Colleen. Yun lang."

Nakita ko ang mukha ni Marga. Narinig niyang sinabi ni Lance. Bakas sa mukha niya na nasasaktan siya. Bagay nga sayo yan. Ilusyunada!! Mang-aagaw!!

Alam naman niya na akin si Lance eh! Fini-flirt pa niya!! At eto namang Lance nato nagpapalandi rin. Subukan niya lang agawin si Lance sakin magkalimutan na magpinsan kaming dalawa.

==============================

A/N:

Hello!! Sorry po ngayon lang nakapag update. Busy lang po ako. Thankyou po sa pagbabasa at sa pagsuporta ng story nato.

Continue reading.. Smile ^_^

And may new story po akong ginagawa ngayon. Torpe Lovers po ang title. Siguro magkaka book 2 ang MCBBMB. Try ko po. Pag marami na ang nag babasa, nag vovote at nag cocomment.

Readers please vote and comment.

-maabbil..

Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon