Chapter 10

95 10 0
                                    

Chapter 10

             

Marga's POV.

Totoo ba to si Lance Aragon na dating pinapangarap ko lang, ay naging kaibigan ko na ngayon, yes! exactly kaibigan ko na siya. Para bang dream come true. Sana magpatuloy na to, chance ko na to eh.

"Marga, pwede bang ihatid kita mamayang uwian sa bahay niyo??" tanong ni Lance sakin.

"Oo naman, wala naman sigurong magagalit diba??"  sabi ko.

Chance ko na to kaya lubos -lubusin ko na. Hay.. Lance, bakit ba kasi ang gwapo mo?? Yan tuloy nainlove ako sayo.

------------------------------------------------------

Lance POV.

Ihahatid ko mamaya si Marga sa bahay nila.

Malapit nang mag uwian. Idadaan ko kaya mamaya si Marga sa isang ice cream parlor malapit sa school namin.

"Kkkrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggggggggg..................."

Tumunog na yung bell it means uwian na. Nakakagulo na yung mga kaklase ko, naguunahang makalabas ng room. Ganyan talaga pag uwian, para bang mga preso silang sabik makalabas sa kulungan.

Hinanap ng mga mata ko si Marga, ayun siya nakikipag usap sa mga friends niya. Kilala ko yung isa nilang kasama naging kaklase ko yata yun noong first year ako, Rea yata yung name nun.

Lumapit na ako sa kanila.

"Hi Girls!!" sabi ko sabay akbay kay Marga. Agad niya namang kinuha ang kamay ko na naka akbay sa kanya at hinawakan ko nalang yung kamay niya, nagpupumiglas siya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at in the end tumigil na rin siya at hinayaan nalang.

"Hi!" sabi ng apat ng babae.

"Guix, mauna na ako ha? See you on Monday!!" sabi ni Marga sa kanila.

"Bye girl. See yahh!!" sabay na sabi nila.

Nasa sasakyan kami ngayon, walang umiimik saming dalawa. Para bang naiilang kami sa isat-isa.

"Daan muna tayo sa ice cream parlor."  pagpapaalam ko sa kanya.

Nang makarating kami, agad akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Syempre gentleman yata to.

"Thank you." mahinhin niyang sabi.

Pumasok na kami sa loob ng ice cream parlor.

"anong flavor ang gusto mo Marga??"

"Chocolate na lang yung sakin, hmm.. Teka, treat mo ba to??" walang pag aalinlangang sabi niya.

"Oo naman. Mag aaya ba ako dito kung hindi."

Ang cute niya talagang tingnan. Ang simple-simple niya walang kaarte-arte sa katawan kahit anong damit ang ipasusuot sa kanya ay talagang babagay.

Bumili na ako ng ice cream namin. Same flavor lang yung inorder ko. Bumalik na ako sa table kung saan siya nakaupo. At yun nga kumain na kami ng ice cream.

Ang messy niya palang kumain ng ice cream parang bata ang cute.

Tinitigan ko siyang mabuti.

"sandali, kinuha ko yung panyo ko sa aking bulsa.  ang messy mo palang kumain ng ice cream" sabi ko habang pinupunasan ang gilid ng labi niyang may ice cream.

Ang ganda niya talaga, bat di ko siya napapansin noon. Edi sana hindi si Colleen yung girl friend ko ngayon.

Parang bakla na ako mag salita ah. Actually nga di ko pa to nararanasan pag si Colleen ang kasama ko. Ayaw kasi nun sa mga ganitong lugar gusto niya sa mga mamahaling restaurant o bar.

-----------------------------------------------------

Marga's POV.

Dahil sa ginagawa ni Lance mas lalo akong naiinlove sa kanya. Ang gwapo niya, napaka gentleman at napaka bait niya. Kaya pala halos lahat ng girls sa university nato may gusto sa kanya.

Subukan lang nilang agawin si Lance sakin makakatikim sila ng walang hangang away.

Pagkatapos namin kumain ng  ice cream, hinatid na ako ni Lance sa bahay.

"Good Night Marga." He said while grinning.

Hindi ako makapaniwala sa mga nang yari. Dati natatandaan ko pa noong first day nang malaman ko na magkaklase kami. Hanggang tingin lang ako sa kanya, pero heto kami ngayon wala pang kala gitnaan ng school year magkaibigan na kami.

"Good night rin at thank you Lance. Sa uulitin." pagpapasalamat ko sakanya.

Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa kotse at umalis.

Kinilig ako sa mga ginawa ni Lance ngayon. Sana hindi nato titigil pa. Sana patuloy pa kaming magkaibigan.

----------------------------------------------------

A/N

Whhaaa... Parang naiinlove na si Lance kay Marga ah!!
Vote ako sa MARCE LOVETHEME kesa sa COLLENCE LOVETHEME!!

Go Marga!!

Please VOTE,COMMENT & FOLLOW.

AND

FOLLOW ME IN TWITTER.

Amazona girl :*

Thank you!!!

-Maabbil

Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon