Chapter 19
Rea's POV.
Ang drama naman netong si Marga. Akala mo namatayan na. Nawalan lang pala ng pag-asa sa crush niya. Tsk. Sinasayang niya lang ang luha niya sa isang walang kwentang bagay. Hindi naman nixwa boyfriend ang Lance na yun pero kung maka-iyak paranp wala ng bukas.
Nandito kami ngayon sa NEW CONDO ni Marga. Gusto niya raw mapag-isa kaya niya pinabili sa dad niya tong condo nato. Akala ko nga gusto niyang mapag-isa. Eh, bakit niya kami tinawagan?? Para marinig ang mga iyak at hagulgul niya??!!
Nakakainis kasi ang Lance na yan!! bakit pa kasi siya ang minahal ng gaga kong bestfriend?? Sinasayang niya lang ang ganda niya sa taong yan. Hindi siya worth it sa Love na ibinigay ng bestfriend ko.
"best taha na nga. Marami pang iba diyan na mas gwapo, mas gentleman, mas mabait at mas papahalagahan ka." sabi naman ni Andrea sa kanya. Yang isang yan swerte sa boyfriend niyang si James. Misan nga napagkamalang mag-asawa sila eh. Nilalanggam na sa sobrang sweet ang dalawang yan eh.
"Oo nga Best!! Andyan pa si Cyrille, ang gwapong barkada ni Lance yung varsity si Aj Mariano. Gwapo rin yun. Tingin ko nga gusto ka nun eh." wow ang gandang advice nun meagan. Eh parang pinapaasa mo ulit si Best eh. Yang Meagan na yan akala mo kung sinong mag advice eh, habol ng habol rin yan kay Christian.
"Best, tama na ang drama. Diba dapat magcecelebrate tayo?? Malapit na ang birthday mo oh?? Dapat happy tayo!! Kaya smile na oh." pang che-cheer up ni Amber sakanila. Ako?? Eto nanahimik sa isang sulok. Wala akong kaplano plano sa lovelife ko. Ewan ko. Sabi nga nila bakit raw ayaw kong magkaboyfriend eh, ang ganda ko naman daw. Eh, sa ayaw ko nga eh! May ma gagawa ba sila??
Napatingin ako sa kalendaryo.
October 10. Malapit na nga ang birthday ni Marga 4 days to go. October 14 kasi ang birthday niya. Kailangan kong tanungin ang parents ni Marga. Kasi kailangan ngayun ni Marga mag party. Para makalimutan niya kahit saglit lang ang Lance na yun.
Tumayo na ako. Pupuntahan ko sina tito at tita. I'm sure mag-aagree sila sakin.
"Guix, I have to go. May importanteng pupuntahan pa ako." sabi ko sabay kindat sa kanila.
Mukha namang na gets ng 3 ang ibigsabihin ko.
Kaya umalis na agad ako.
Pumunta na ako sa parking lot ng condo. Eh, sa nandun ang kotse ko eh.
papunta na ako ngayon sa bahay ng mga Smith. kilala naman ako ng mga tao sa bahay nila. kaya pagdating ko agad na bumukas ang gate. ang yaman talaga nila Marga. ang Laki talaga ng bahay nila. bahay pa ba ito?? yan lagi ang kong tanong sa sarili to. mayaman rin kami pero hindi kasing yaman nina Marga.
si Marga ang pinakamayaman sa aming apat.
pumasok na ako sa bahay ni Marga. sinalubong ako ni tita Amy.
"O, iha. what brings you here?" tanong ng tita Amy.
"Good Morning Tita, may gusto lang po akong sabihin sa inyo. i mean gusto po palang erequest. pwede po ba??"
"Oh,sure iha! about what ba??"
"about best Marga's birthday po. kasi po we are planing to have a birthday party for Marga. pero po we need you tita."
"that's wonderful iha, i know that Marga will like this. tutulungan ko kayo.. ano ba yung naisip nyo??"
"tita, dito po tayo magcecelebrate sa house niyo. kasya naman po ang mga ka batch mate namin dito."
akalain mo sa loob ng 3 days nagawa naming mag plan ng isang bonggang birthday party for My Lovely Bestfriend Marga. pero surprise muna namin ang plano. walang kaalam-alam si Marga kung ano ang mangyayari sa birthday niya.
nasa school kami ngayon kami nina amber, meagan, at andrea. hinahanap niyo si marga?? hindi namin siya pinapasok sa school ngayon. she need beauty rest no. birthday na niya bukas kaya dapat fresh, ang beauty ng Bestfriend namin. namimigay kami ng invitation. nang makita namin si tita Amy papunta sa kinaroroonan namin.
"Oh, girls. tama na muna yan." sabi ni tita sabay smile. nag smile na rin lang kami.
"let's go girls!!" sabi ni tita.
"tita??" tawag ni andrea
"saan po tayo pupunta??" tanong naman ni meagan.
"sa new botique ko. at eto rin ang gift ko for My Princess. eh, may gift na ba
kayo for Marga??"
"yes po tita. meron na po. I'm sure na hindi makakalimutan ni Marga ang 17 birthday celebration niya." sabi ko.
"okay. thank you girls. thank you for doing this to my unica iha." sabi ni tita sabay hug samin.
sana talaga magiging masaya na si Marga. sana maging successful ang plano. hindi makakapasok ang walang invitation bukas. hindi na namin binigyan si Colleen ng invitation I'm sure sisirain lang niya ang pinaghirapan namin.
======================
A/N
Thank you for reading!!!
Sorry po ngayon lang nakapag-update. Galing po kasi ako ng vacation. Sana pag tyagaan nyo po muna ang chapter nato.
Kaya mo yan mab's do your best para makagawa ka ulit ng isa pang chapter.Please Vote and Comment.
Tnx.
~Maabbil
BINABASA MO ANG
Pinsan Ko, Karibal Ko. (COMPLETED)
FanficAng lahat ay nag simula sa isang crush, paano pag nalaman mong ang crush mo ay boyfriend pala ng pinsan mo?? Naranasan mong masaktan, maging masaya at, mag selos. kahit hindi pwede. Magiging Happily Ever After pa kaya sila?? o patuloy nilang hindi...