Gaige's POVTrouble
The night shift was never easy. Dapat sana sanay na ako rito dahil napagdaanan ko na naman ito. Pero parang naninibago ang katawan ko, at hindi ko maintindihan ito. Pangatlong gabi pa lang at nanghihina na agad ang katawan ko. Okay naman dahil hindi ako nalalate sa trabaho dahil gabi ang starting shift ko. Pero sa tuwing lampas ala una ay bumibigay na ang mga mata ko.
"Hey, Miss. I want the same order as before," pilyong ngiti niya at tumango na ako.
I grab the empty expensive wine that he finished a while ago. Dapat sana ni Michelle ang gumawa rito. Pero bigla siyang umuwi dahil may emergency sa bahay nila. Kaya heto naiwan ang customer niya sa akin. Naramdaman ko agad ang pag-gapang nang kamay niya sa gitnang hita ko at kinilabutan ako sa ginawa niya. Nahinto ako at nanlisik ang mga mata kong tinitigan siya.
"Woah. I like that. Palaban ka. Bago ka ano?"
Hindi na ako umimik at kinuha lang din ang iilang baso pa. Natawa na ang mga lalaking kasama niya.
"Huwag mo kasing hawakan, pre. Alam mo naman na ganyan ang mga baguhan dito," tugon ng isang kasama niya. Pero ang manyak naman ng titig nito sa akin.
"Asaan ba kasi ang dapat ka table natin. Ang tagal ah," tugon ng isa.
"Well, pwede na sa akin ito. Bago tayo magsimula sa laru."
Marahas na humawak ang lalaki sa baywang ko at umalma agad ako. Napaatras ako at kamuntik ko na tuloy mabitawan ang tray na bitbit.
"Pre, naman. Bawal sila rito," tugon ng isa sa kanila.
Kinabahan na ako, pero malakas ang loob ko at hindi ko na pinansin. Mabilis akong humakbang patungo sa pinto para makalabas sa pribadong room na ito.
"Not so fast, Miss."
Humarang agad siya sa pinto. Nakabukas naman ito at nakita ko agad si Jane sa labas na bahagi. Katulad ko may bitbit din siya para siguro sa kabilang pribadong room na order ito. Nahinto siya at napatingin sa akin.
"J-Jane!" tugon ko. Pero agad lang na sinara ng lalaki ang pinto at bahagyang natawa pa.
"E-Excuse me, Sir. What you're doing right now it out of the rules here in the Casino. M-Mapapatalsik po kayo," tatag na titig ko. Nanginig ang boses ko pero hindi ko pinaparamdam ito.
"Woah, palaban nga, pre," bahagyang tawa niya.
"Ikaw naman, Miss. Magkano ka ba?" titig niya sa kabuuan ko at napalunok na ako.
"Hindi po ako pwede, Sir. At kong naghahanap kayo ng ka table. Maghahanap ako!" tigas na tugon ko at titig sa mga mata niya.
Napailing agad siya. Mas lumakas ang kantyaw ng mga kasamahan niyang barkada rito sa loob. Halatang mga sabog na sila at lasing na. I swallowed hard and studied him before. Alam kong hindi mga ordinaryong mga lalaki ang nandito. Sinabihan na ako ni Michelle na anak ng Mayor ng syudad dito ang customer sa room na ito. Hindi ko lang alam kung sino sa kanila, at wala akong pakialam talaga.
"Hindi ka naman ka sexyhan. Pero ang bango mo kasi, Miss. Kakaiba ka sa mga babaeng naka-table ko na."
Inilapit niya ang mukha sa akin at napaatras na ako. Tumalikod ako na bitbit ang tray na puno ng laman. Hindi ko tuloy alam kong saang bahagi ako lalabas. E, iyan lang din naman ang labasan. Tumayo agad ang lalaki na kasama niya at pilyong tinitigan ang kabuuan ko.
"Pre, maghanap na lang tayo ng ibang babae. We know the rules here. We may not like it or so, we have to respect their staff here, bro."
"Oh? Staff ka ba, Miss? Akala ko si table girl ka?" tawa niya ulit.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅
Romance-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise yours to mine. We were ready right? And we are about to get married. I was waiting for you under the...