Chapter 19. Us

5.9K 226 13
                                    




Gaige's POV


"Hindi ka uuwi at bukas na? Okay. Sino ang kasama mo?" si Monica sa kabilang linya.

"Um, m-mga kasamahan ko. Ayaw ko sana, p-pero wala naman sigurong masama kung makikisama ako sa kanila," pikit mata na pagsisinungaling ko.

I don't know what is happening to me now. . . I don't know why I agreed to this. Baliw na yata ako.

"Maganda nga 'yan, Gaige. You should get out and hang-out with your workmates. Makakatulong iyan sa'yo. Siya nga pala. Tumawag ang Mama mo. Nagpapasalamat siya sa taong tumulong sa gamutan at doktor niya. Tinanong pa nga ako kung kilala ko ba? E, hindi ko alam at wala nga akong alam."

Sandali akong natahimik at tahimik na tumango.

"Galing kanino ba? Si Philip ba ang tumulong?" tanong niya.

"Hmm, hindi, iba.  S-sige na. Magkita na lang tayo bukas," putol ko sa maaring itanong niya.

Kilala ko si Monica at alam ko na magtatanong siya sa akin. Pero sa ngayon ay ayaw ko muna na pag-usapan namin ito sa cell phone.

"Okay. Mag-ingat ka, Gaige," sabay patay niya sa tawag.

Napabuntonghininga ako sa sarili at tinitigan lang ang cell phone sa kamay ko. Hindi akin ang cell phone na ito. Hiniram ko lang sa isa sa mga staff ng resort na ito dahil gusto kong matawagan si Monica.

Alam ko na gabi na at siguro ay naghihintay siya sa akin na makauwi. Kaya mas mabuting malaman niya na hindi ako uuwi ngayon at sa Linggo pa. Ibinalik ko agad ito sa reception desk at nagpasalamat ako. Nagbayad ako ng singkwenta pesos dahil sa pag gamit ko nito.

Hahakbang na sana ako pabalik sa bahay kubo na kinuha ni Art dahil alam ko na naghihintay na siya roon. Pero nahinto ako sa sarili nang mamataan siya sa unahang bahagi. Nakatayo at naghihintay sa akin.

Hindi kasi ako nagpaalam dahil wala naman siya nang lumabas ako sa kwarto ko. Magkatabi lang ang kwarto namin dalawa. Pribado ito at wala kaming katabing villa.

Humakbang siya palapit sa akin at hinintay ko na lang siya na makalapit sa akin.

Tipid ang ngiti niya at kalmado ang dating. Ako yata ang kinakabahan at hindi ko alam ang tamang sasabihin.

"Um, t-tinawagan ko lang si Monica. Kasama ko sa boarding house. Naghihintay kasi iyon sa akin, at wala akong cell phone. Kaya nakihiram na lang ako sa reception," turo ng kamay ko sa likod na bahagi ko.

Tumango siya at namulsa na.

"I've order our food. Sa labas ng balkonahe ko pinapahanda. Mas magandang kumain na nakaharap sa magandang tanawin na ilaw ng dagat."

"Ahh, okay. . . Sige."

Sabay kaming humakbang at tahimik pareho. This is awkward for me. Well, we were quiet the whole time when he drove all the way here. Hindi naman kalayuan ito sa syudad. Siguro mahigit dalawang oras ang biyahe namin kanina. Hindi ko napansin dahil nakaidlip ako ng tulog habang nagmamaneho siya.

Alam ko na kabaliwan ang ganitong ugali ko sa kanya at mahirap itong ipaliwanag sa side ko. Sa dinami-dami kasi ng mga pangyayari ay parang karugtong si Art sa sinasabing niyang parte ako ng nakaraan niya at parte siya ng nakaraan ko.

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Gusto ko rin na masagot ang iilang katanungan sa isip ko noon pa.

"What do you think?" He asked and pulled the chair backward for me.

I sat down and nodded a little bit. "Thank you."

I look at the set up of the table in front of me and its honestly beautiful. Iba nga naman ang taste niya pagdating sa mga bagay na ganito.
Napangiti akong nakatitig sa mga bulaklak na nandito. Hanggang sa dumating na ang pagkain namin.

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon