Gaige's POVMy tears were constantly flowing while putting all my clothes inside the luggage. Wala na akong oras para manatili sa dormitoryo na ito at babalik na ako sa tunay na mundo ko.
I had enough pretending as I have found myself again in the same old shoes. . . Ang hirap, nahihirapan ako, dahil kahit anong pilit kong kalimutan siya ay bumabalik at bumabalik ang puso ko sa kanya.
I had promise myself that after these I will no longer think of him. Nakakabaliw ang isipin si Atticus at gusto kong tapusin na ito.
Philip had given me enough time to think of everything, and I guess it's time to let go. . .
"Uuwi ka na ba? Babalik ka na sa probinsya? Paano si Atticus mo? Ano? Naalala mo na ba ang lahat?" Panay sunod siya sa akin sa likod ko.
Abala ako sa lahat at tapos na ito. Ang isang sapatos at stinelas ko na lang ang hinahanap ko.
"N-nakita mo ba ang stinelas ko?" Harap ko sa kanya.
"Ha? O-oo. H-hiniram ko noong isang araw, at hiniram din ni Rina. Naputol kasi ang sa kanya. T-teka lang. Kukunin ko muna sa kanya."
"Huwag na, Monica. Sa' yo na iyon. Okay lang." Kinuha ko na ang maleta ko at buong lakas kung hinila ito.
"T-teka lang, Gaige. . . Saan ka pupunta? Uuwi ka na ba?"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o magbubulagbulagan ako. Kaya tumango na ako para matapos na. Mabilis ko rin na pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Uuwi ka na? Bakit?" Sunod niya sa akin.
Hila-hila ko ang maleta at nakatingin ang iilang ka-board mate namin dito. Umaga na at abala ang lahat para sa pag-aaral ng iilan at trabaho ng iba. Nahinto ako at buntonghininga ang ginawa kong pagtitig pabalik kay Monica.
I was about to say something to Monica, but Criselda's voice made the shits out of me.
"Wow? Aalis na ang reyna?" Hakbang niya palapit sa akin. Mala-tube na bra and suot niya at litaw ang malulusog na dibdib nito. Maikli ang shorts at makapal ang lipstick sa labi niya.
"Rinig ko naka jackpot ka raw ng fafa? Mayaman daw?" titig niya sa kabuuan ko at nahinto ito sa mukhang bahagi ko. Ngumisi siya nang mamataan ang mabilis na pagpahid ko sa luha.
"Oh, I guess the news was fake. Umiiyak ka eh? O, baka nang-agaw ka ng boyfriend 'te? O iniwan ka dahil hindi ka bagay sa kanya?" Taas kilay niya at ngisi. Napatingin pa siya sa dalawang kauri niya at natawa na silang tatlo.
"Tumigil ka na nga, Criselda! Iba si Gaige ano! At hindi siya katulad mo!" si Monica sa tabi ko. Pumagitna na siya at buong tapang na humarap kay Criselda.
"Huh, at nagsalita ang walang pinag-iba!" Iling niya.
"Wow, pre! Kung makapagsalita akala mo naman si birhen maria!" Lakas na tawa ni Monica.
"T-tama na, Monica." Sabay hawak ko sa braso ni Monica at hinila na siya. Tumalikod na din ako at hindi ko na pinansin ang kantyaw at tawa nang iilang sa kanila. Mga ka-grupo sila ni Criselda.
"Pokpok nga naman!" Lakas na tawa ni Criselda at nahinto ako.
I think I had enough of this. Masakit na marinig ito sa mga taong katulad niya, katulad nila. . . Wala na ba akong karapatan na sumaya? Ganito ba ang tingin ng iilan sa kanila sa akin? Kung hindi mukhang pera ay mang-aagaw? Pokpok? Malandi? Huh, nakakasawa na!
I look back at her and took my step towards her. Okay lang kung sasabunutan ko siya o susuntukin, dahil hindi ko na naman makikita ang bruha na ito.
Tapos na ako. Napuno na ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅
Romance-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise yours to mine. We were ready right? And we are about to get married. I was waiting for you under the...