Gaige's POVGlimpse
Nanginig ang kamay ko at pilit na tinatago ito. Mabilis ang bawat pintig ng puso ko at pakiramdam ko ano mang oras ay mahihimatay na ako.
I tried to act like I was not affected at all. I tried to be casual to him because he is my boss, and I'm just an employee of his empire.
Nakakatakot siya at nakikita ko ito sa mga mata niya. It seems like I was once deceived by him and inside me is hurting. Hindi ko maipaliwanag ito at ang sakit nito sa loob ng puso ko.
"Aren't you getting out? Do you want me to drag you?" on his cold tone forcibly.
"P-po? Y-yes, Sir. . ." buntonghininga ko.
We stared and I tried to control my fear. Hindi ko alam kung bakit takot ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Kanina, noong marahas akong hinawakan nang mga kalalakihan ay naging blanko ang utak ko at napuno ako nang takot sa sarili. Pero nang marinig ko ang boses niya ay parang hinila ang puso ko pababa.
"Come on, Miss Leebody."
Namilog ang mga mata ko nang biglang humawak siya sa tigiliran ko at nanigas ako sa sarili.
It seems like his touch was familiar as it sends tingling sensations inside me. Hindi ko naramdaman ito kay Philip at kakaiba ito sa lahat.
Ngayon lang ba ito? Bakit kakaiba at bakit parang sanay na ang katawan ko sa haplos at amoy niya.
Wala rin akong nagawa at sumunod na. Panay ang lunok ko sa sarili at hindi ko alam kong saan ko ipipuwesto ang isang kamay. Mariin ang hawak niya sa tagiliran ko at nakayuko ako sa sarili. Napatitig ako sa kamao niya at bakas pa din ang dugo nito.
"Dios ko! Ano ba'ng nangyari sa kamay mo, anak?"
Bumitaw si Art sa pagkakahawak sa tagiliran ko at nauna na siyang humakbang. Nag-angat ako ng tingin sa matandang babae at halata ang pag-aalala sa titig niya nang mapako ang mga mata niya sa kamao ni Art. Napatitig siya sa akin at hiya akong napayuko sa sarili, sa mga paa ko ako napatitig ng husto.
"Take her to the guest room, Manang," lamig na utos ni Art at nagpatuloy siya sa hakbang.
Nag-angat ulit ako ng tingin sa matanda at kunot-noo siyang napatitig sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at tumalikod agad siya, si Art ang sinundan niya. Napalunok ako at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Ngayon ko lang napagtanto na nasa harapan ako ng magarbong pinto, at nang tumingala ako ay nakamamangha ang desenyo ng bahay na ito.
Naalala ko ang Disneyland sa Japan, ang malaking kastillo sa paanan ng pinto. Ito ang pilit na bumabalik sa alaala ko at hindi ko alam kung bakit. Ang entrada ng mansion na ito ay katulad ng palasyo na iyon. Kakaiba, nakamamangha at nakakakaba.
"Pumasok ka na, hija," boses ni Manong sa likod ko.
"P-Po?" sabay lunok ko.
Tumabi siya sa akin at namaywang sa sarili.
"Ikaw ang unang babae na dinala ni Art dito. Huwag kang mag-alala mabait si Art. Galit lang ngayon dahil maraming pinagdadaanan," ngiti ni Manong.
Nauna na siyang humakbang at nahinto sa may paanan ng hagdanan at nilingon ako.
"Halika ka na. Mag kape ka muna at ihahatid na din kita," ngiti niya.
Tumango ako at mahinang humakbang kasunod niya.
And like a fairy-tale with king and queen this mansion was like a castle to me. Mas magarbo at nakamamangha ang loob. Ito na yata ang pinakamalaking bahay na napasok ko sa buong buhay ko. Tahimik ang lahat at ang inggay lang ng takong ng sapatos ko ang maririnig sa loob. Nahiya pa tuloy ako at pilit na iniingatan ang bawat hakbang ko, hanggang sa mahinto ako at hinubad ko na ang heels ko.
Tumikhim si Manong at napangiti sa akin.
"Pasensya na po. Baka magising ko ang iba na natutulog."
Tumango na siya at napalunok lang din ako. Nakasunod pa din ako sa kanya. Nahinto ulit ako dahil sa nakamamanghang dim na ilaw na parang mapa ng isang palasyo. Nahinto akong saglit at tinitigan ito at napangiti ako sa sarili. Pamilyar sa akin ito, meron nito sa Japan. Kakaiba nga lang ito dahil nakaukit ito sa kahoy at detalyado.
May daanan at lagusan, may bahay, puno, lahat na. This is like a small village with everything around it. It was beautifully carved and what made it more beautiful was the little lights that were put around in every little house and street. Nakamamangha at ang sarap tingnan sa mga mata nito.
"Gawa iyan ni Art. . . Halos tatlong taon din niyang natapos iyan."
"T-Talaga po? Ang ganda. . . Parang sa Japan," manghang tugon ko.
Nakatitig ang mga mata ko rito at nawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam pero parang dinala ako sa nakaraan at hindi ko mahanap kung ano.
"Have you been to Japan, hija?" mahinang tanong ni Manong.
"Opo, pero hindi ako sigurado, baka panaginip sa lang din," ngiti ko sa kanya at kumunot ang noo niya.
Nahinto ako as pagtitig nito dahil tumikhim si Manang, nasa gilid na siya at umayos agad ako.
"Dito tayo, hija," tugon niya at tumalikod na.
Napayuko na ako kay Manong at tumango na siya. Ibang direksyon na ang tinahak niya at mabilis akong humakbang para masundan si Manang. Mabuti na lang at bitbit ko na ang heels ko, maingay kasi ito.
"Ano ang gusto mong inomin?" tanong niya habang binubuksan ang pinto.
"T-Tubig lang po. Salamat," sabay lunok ko.
Kanina pa tuyo ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako. Pinailaw niya ang loob at namangha ako sa galanteng silid ng guest room.
"Babalik lang ako okay. Diyaan ka muna," sabay talikod niya.
"Salamat, po," bigay galang ko.
Napabuntonghininga ako nang lumabas si Manang at sinara ang pinto. Napaupo ako sa gilid ng sofa at nakatitig ang mga mata ko sa malaking kama. Kulay ginto ang linings nito at ang ganda. Nilibot ko nang tingin ang buong paligid at nakakahiyang hawakan kahit man lang ang baso na nasa maliit na mesa. Napatitig ako sa paa ko at maingat na isinuot ang sapatos ko.
Napansin ko agad ang malaking sliding glass door at tanaw ko rito ang balkonahe. Madilim pa sa labas, alas dos pa kasi ng madiling araw, at alas singko pa matatapos ang shift ko sa trabaho. Napabuntong hininga ako at bumalik ang bigat sa puso ko. Kaya humakbang na ako patungo sa balkonahe rito.
Malamig ang hangin at napapikit-mata ako sa sarili. Hindi ko napansin na nasa ikalawang palapag na pala ito ng bahay. Madili pa ang lahat, pero maliwanag ang baba dahil harden ito at may iilang ilaw sa bawat poste. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pamilyar niyang anyo.
Atticus. . . lihim na tugon ko sa sarili.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
![](https://img.wattpad.com/cover/274360726-288-k297255.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅
Romance-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise yours to mine. We were ready right? And we are about to get married. I was waiting for you under the...