Chapter 28. Reyna

4.6K 158 4
                                    


Gaige POV


"Okay ka lang ba diyaan, Gaige?" si Yaya sa akin.

"Okay lang po, Yaya. Kaya ko na po ito. Tapusin mo lang ang ginagawa mo, Yaya. Salamat po."

Masaya ako dahil marami ang nahuli ni Manong Ben na alimango at napuno rin ang maliit na balde na dala ni Atticus.

Mabilis lang kami sa isla, mga dalawang oras lang at bumalik na kami rito. Babalik na lang daw kami sa susunod na mga araw para ikutin ito.

Nalinis na ni Manang ang mga ito at heto ako ngayon nagluluto sa paborito kong putahe.

"Heto, malinis na, Gaige." Bigay ni Yaya sa hipon.

"Salamat."

Nagpatuloy na rin siya sa iba pa niyang ginagawa.

I love the day today because it was productive. Pakiramdam ko sa unang pagkakataon ay nabuhay ulit ako sa sarili.

Mabilis ang ginawa ko hanggang sa matapos akong magluto. Si Yaya na mismo ang nag-ayos sa mesa dahil nauna na siyang natapos sa niluluto niya.

Nasa labas si Atticus, kasama sina Manong Ben at ang iilan pa. Masaya sila, at ang iilan sa kanila ay hindi ko kilala.

Ang sabi kasi ni Yaya ay matagal ng hindi nakakabalik si Atticus sa bayan na ito, kaya nang marinig ng mga matatanda rito na nandito ang anak ni Lucia, ay gusto nilang makita si Atticus.

Lucia Mae ang pangalan ng Mama ni Atticus. Nag-iisang anak raw noon nina Ka Emyong at Inday Sarah. Mangingisda ang kinabubuhay ng ama niya at labandera naman ang ina. Pero dahil matalino at maganda si Lucia ay naging modelo ito. At dito raw nagtagpo ang landas ng mga magulang ni Atticus.

Kahit papaano ay nasiyahan ako sa kwento ni Yaya sa akin tungkol sa Mama ni Atticus. Galing siya sa mahirap at alam kong nakakaintindi siya sa damdamin ng isang katulad ko.

"Handa na. Kain na tayong lahat!" tugon ko sa kanila. Lahat sila nakatingin sa akin at tumayo na si Atticus.

"Darling." Akbay niya sa akin.

Lahat sila nakatingin na nakangiti. Mga matatanda na sila sa paningin ko at tangging si Atticus lang yata ang mukhang bata rito.

"Iyan na ba ang magiging Misis mo, Art?" tanong ng isa sa kanila.

"Oo, Tay Miguel," si Atticus sa kanya.

"Ang swerte mo, dai. Mabait ang batang ito kahit naisa siya sa pinakamayan sa buong mundo," tugon ng isa at natawa na sila.

"Tatay naman, hindi po ako mayaman," si Atticus sa kanya.

"Mayaman ang puso," tugon ng isa. "Salamat nga pala sa regalo mo sa amin noong nakaraang taon, anak. Hindi ka kasi nagpakita kaya hindi kami nakapagpasalamat ng tama. Pero bukas! Bukas ang celebrasyon. Tama ba?" Taas kamay ng isang matanda na may hawak na baso.

"Oo, bukas!" tugon nila.

Nakangiti lang din ako at napatitig ako sa mukha ni Atticus. Medyo pula na ang pisngi niya dahil sa ininom at amoy ko ito. Dapat sana kumain muna siya. E, sa hindi raw niya maayawan ang mga matatanda dito dahil parang pamilya na raw ang turing niya sa mga ito.

"Kumain na tayo," si Atticus sa kanila.

I had fun watching every one of them while eating and yapping. The stories that you will hear from them make my heart flutter.

Naalala ko sina Mama at Papa at mga pinsan ko sa kanila. Ganito kasi kasaya sa tuwing nagtitipon kami kahit na konti lang ang handa.

The day ended with laughter and good memories. And I had a fantastic night talking to them and getting to know them.

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon