Like a whirlwind, where it leaves a traumatic remains my heart is traumatize at this moment. Buong araw akong hindi nagsalita hanggang sa bumalik na kami sa resort at hanggang sa maihatid niya ako sa boarding house.I could have asked him to drop me a few meters away from the main gate of the boarding house but I was so lost and couldn't pick myself together.
I know that he feels the confusion I had with him, and he choose to leave me at peace.
Makaka-stress lang daw sa akin kapag iisipin kung maiga ang nakaraan dahil nagsimula na kasing sumakit ang ulo ko.
"Gaige? Are you okay? H-heto inomin mo na."
Ibinigay niya ang gamot at tubig. Sandali siyang nawala kanina dahil pinapabili ko siya ng gamot sa labas. Masyadong masakit kasi ang ulo ko at pakiramdam ko magkakasakit ako sa sandaling ito.
"Salamat." I drank it together with the bottle of mineral water. Napansin ko rin ang dalawang supot na puno ng pagkain at iilang mga de-late at tinapay.
"Siyanga nga pala. S-sino ba ang lalaking naghatid sa 'yo kanina? Eh, mukhang mayaman ah, at ang gara ng sasakyan niya. Hindi basta-basta."
Mabilis niyang nilabas ang tinapay at dalawang container na pagkain. Noodles at sabaw na baka ang laman nito. Nilapag niya ito sa mesa at kumuha siya ng dalawang plato para sa amin dalawa. Nagsandok din siya ng kanin at unang nilagyan ang plato ko.
"Hindi ka ba sasagot? Well, ipunin mo na lang ang sagot dahil pagkalabas ko kanina at nang tumapat ako sa tindahan ni Manang Nora ay lumapit siya sa akin. Akala ko nga umalis na. Iyon pala, naka-park lang ang sasakyan niya sa unahan. Kinamusta ka? Ang sabi ko, masakit ang ulo mo at nautusan akong bumuli ng gamot. Eh, sinabi ba naman sa akin na sakay raw ako sa sasakyan niya dahil sa convenience store raw kami bibili."
Napaawang ang labi ko at napatitig ako sa lahat nang nasa mesa.
"S-siya ba ang bumili ng lahat ng 'to?"
"Oo. Eh, sinabi ko sa kanya na baka hindi ka kumain kaya sumakit ang ulo mo. E, wala naman talagang pagkain dito dahil hindi ka naman bumibili."
Mabilis ang subo at nguya niya. Nakapatong na ang isang paa ni Monica sa upuan habang kumakain ito.
Bumagsak na ang balikat ko. Ang akala ko ay makakawala na ako kay Atticus pero parang mahihirapan ako."At heto. T-teka lang." Tumayo siya at may dinukot sa bulsa.
"Magkano ba ang utang sa 'yo ng lalaking iyon? Hindi mo naman siguro binibenta ang laman mo ano?" Pagdududa sa titig niya nang mailapag ang pera sa gilid ng plato ko. Napatitig ako nito at tulala sa sarili.
Earlier, he offered this money and I didn't accept it. Tama na sa akin ang munting bakasyon na nangyari sa amin. Tama na sa akin ang dalawang gabi na iyon dahil hindi na ako mapakali sa sarili.
I am confused, but the same time sure that it was him. Ang dami kong nadiskubre sa dalawang araw na magkasama kami. Ang daming konesyon niya sa buhay ko at hindi ko kayang ipaliwanag ito sa sarili, dahil wala akong maalala sa kanya.
I am trying to get my memories back, but I'm having a hard time.
"H-hindi. . . Hindi ko binibenta ang sarili ko, Monica." Tulalang tugon ko habang nakatitig sa pera. Naupo siya pabalik at kumain na.
"Okay. I believe you. Pero kunin mo na ang pera, Gaige. Sayang din. E, tumawag ang Mama mo sa akin at nangungumusta. Nagtanong ako kung kailangan ba nila ng pera? Hindi raw dahil okay naman sila. Talagang okay lang ba sila, Gaige?"
Napakurap ako at pinikit ang mga mata. Mabilis kong kinuha ang pera sa mesa at nilagay ito sa bulsa ko. Ibibigay ko na lang ito pabalik kay Atticus sa susunod na magkikita kami.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅
Romance-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise yours to mine. We were ready right? And we are about to get married. I was waiting for you under the...