Chapter 9. Feelings

6.6K 247 13
                                    


Gaige's POV

Feelings



Nakatayo siyang nakatalikod mula rito at may maliit na medical kit sa harapan niya, nasa ibabaw ng maliit na lamesa ito. Mas kumunot lalo ang noo ko nang mamasdan ang pag-inom niya ng alak. Inalis niya ang tali na ginawa ko kanina at binuhos ang alcohol sa sugatan na kamay niya.

Napangiwi ako, alam kong masakit at mahapdi pero wala siyang pinakitang takot sa sarili at seryoso ang mukha sa ginagawa.


"Ano ka ba, Atticus? Hindi ka na nga umuuwi rito tapos ito pa ang madadatnan ko?" si Manang sa kanya. Inilapag ni Manang ang bitbit na tubig at kinuha ang kamay ni Art.

"Where is she?"

"Nasa itaas, sa guest room mo," sagot ni Manang sa kanya.

"Saan mo ba siya nakilala? Empleyado mo ba?" pagpatuloy ni Manang sa tanong niya.


Napalunok ako. Gusto ko sanang umiwas at ayaw ko sanang makinig sa kanila pero hindi ko magawang tumalikod at humakbang. Hindi ko alam, pero gusto kong titigan si Art sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ang sarap niyang pagmasdan sa mga sandaling ito kahit na nababagabag ang tibok ng puso ko.


"Alam ba ng Papa mo? You know what happened to you three years ago, Atticus, and-"

"Please, Manang not tonight. Just leave me alone and attend her needs."

"E, sino ba ang nasagutan? Hindi ba ikaw? She's well and okay. Wala naman masakit sa kanya," pamaywang ni Manang.

"Kung ayaw mong gamutin ko ang sugat mo. E, siya na lang ang gagamot sa'yo. Hindi iyong alcohol ang binubuhos mo sa sugat. Dios ko, Atticus. Mapapagalitan ako ng Mama mo!"

"Manang, please. . ."


Umatras na ako at napakurap sa sarili. Pumasok na akong muli sa loob at maingat lang na isinara ang sliding door. Napabuntonghininga ulit ako at tulalang umupos sa gilid ng sofa. Pinagmasdan kong muli ang paa ko at blanko na naman ang isip ko. Kahit na nakatitig ang mga mata ko sa paa ay ang mukha niya Art ang nakikita ko ngayon.


Bumukas ang pinto at alam kong si Manang ito. Bitbit niya ang tubig at maingat niya itong inilapag sa mesa.


"Marunong ka bang gumamot ng sugat?"

"P-Po. . . O-Opo," tipid na ngiti ko.

Tumalikod na siya at nagtungo sa gilid, patungo sa banyo. May kinuha siya at betadine cream ito.

"Heto. Ikaw yata ang kailangan niya at hindi ako," sabay lahad niya sa akin nito at napatitig na ako. Tinangap ko rin ito.

"What's your name again?"

"G-Gaige po. . ."

"Ah, Gaige. . . I'm Atticus personal yaya. In short Nanay na ang tawag niya sa akin at anak ko na siya. I have known him for all my life and I know that he is in pain. Gamutin mo muna ng maayos ang sugat niya bago ka umalis. Puwede ba?"


I nodded gently and pressed my lips together and she smile. . . Ngayon ko pa lang nakita ang ngiti niya at gumaan agad ang pakiramdam ko. Akala ko kasi strikta siya katulad ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman pala, dahil mukhang mabait naman siya.


"Okay. . . I leave it to you. Nasa baba siya, sa harden sa likod."

Tumango ako at tumalikod na si Manang, pero bago paman siya makalabas dito ay humirit ako.

"Manang, p-puwede bo pa na makahingi ng mainit na inomin?"

Humarap agad siya at seryoso na akong tinitigan.

"Kahit na mainit na tubig lang po, huwag lang ang kape. . . P-Pasensya na po. Puwede naman ako na ang gagawa." Humakbang agad ako palapit sa kanya.

"Tutal lalabas na naman po ako. Gagamutin ko ang sugat ni Sir Art at ako na lang po ang gagawa," tipid na ngiti ko at tumango na siya.


Tumango siya at tahimik akong nakasunod sa kanya hanggang sa mapunta kami sa kusina. Malaki nga naman ito at magarbo pa.


"May creamier sa babang bahagi. Mas gusto ni Atticus na may creamier ang kape niya. Sige ikaw na ang bahala, hija," ngiti niya at tumalikod na.


Nalito pa tuloy ako pero mabilis kong ginawa ang dapat na gawin ko. Kape ang ginawa ko para kay Art at mainit na tubig lang din ang sa akin. Nilagay ko sa bulsa ng uniporme ko ang betadine cream at bitbit ko ang dalawang tasa sa kamay ay maingat ang hakbang ko dahil lumilikha na naman ng ingay ang takong na ito. Napakagat-labi pa tuloy ako.


Nang mapako sa harden ay wala siya, pero nilagay ko pa rin ang dalawang tasa sa maliit na mesa rito. Hard rock liquor pa ang ininom niya at alam kong malakas ito. Napalingon ako at napabuntonghininga sa sarili. Madilim pa kasi at malamig pa kaya naupo na ako at ininom na ang mainit na tubig.

Dinukot ko na ang betadine cream and tinitigan ang medical kit bag. Ibang medical kit bag na ito, kakaiba sa sasakyan kanina.


Napatayo ako nang marinig ang hakbang niya at ang pagtikhim nito.


"S-Sir. . ." panimula ko.


Hindi siya umimik at nilagyan lang ang baso niya ng alak. Nangalahati pa ito at agad na ininom niya. Amoy ko agad ang tapang na dala nito. Napako na ang mga mata ko sa sugatan na kamao niya. Namula itong lalo at marami pa ang dugo. Pero medyo tuyo na.


"P-Puwede ko bang gamutin ulit, Sir," sabay yuko ko. Ayaw kong tumitig sa mga mata niya dahil parang natutunaw ako.

"Para ano pa? The bleeding has stopped and its okay. Look," inilahad niya ang sugatan na kamao at napatitig ako nito. Napakagat labi pa ako at maingat kong hinawakan ang kamao niya.

"Oo, huminto na nga pero masakit pa din at bukas pa ang sugat. G-Gamutin ko na, okay. . ."


Mabilis kong nilagyan ng cream ito at hindi ako nag-aalala sa sarili ko. I am doing it and it seems comfortable for me at this moment. Tahimik si Art at hiniyaan lang din ako sa ginagawa. Pilit na inaalis ko sa sarili ang kaba.

I know this is weird and I felt uneasy, because my feelings are playing so hard inside me. Ako lang din siguro ang nakakaramdam nito at hindi siya.


"Ayan, okay na ba, Sir?" tipid na ngiti ko. "S-Salamat nga pala," titig ko sa mga mata niya. Kahit papaano ay malaki ang pasasalamat ko sa ginawa niya. It's a guilty feeling because he got hurt and it's all my fault.


Napakurap na ako nang magtitigan kami at napalunok sa sarili. Parang napako ang puso ko sa tindi ng titig niya, at nakakatunaw ito. Masyado halata ang pagod sa mga mata niya at medyo namula na ang gilid nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mamasdan ang pag-tiimbagang niya.


"How the hell you end up in the Casino, Gaige?"

Napakurap ako nang mamasdan ang maamo niyang mga mata.

"P-Po?" awang ng labi ko.

Napailing na siya at bahagyang ngumiti. Inubos lang din ang natirang alak at binaba ang baso sa mesa.

"I'll sort it out tomorrow. Magpahinga ka na." Tumalikod na siya at napakurap lang din akong lalo.

"U-Uuwi na po ako, Sir."

Nahinto siya nang hakbang at rinig ko ang pagbuntonghininga niya sa sarili. Tumingala siya bago humarap sa akin.

"It's dark and dangerous, Gaige. Have your rest and I promise you will be home when the sun rise," sabay hakbang niya palayo.

Napatitig na lang din ako sa likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Part of me is telling that I should stay and the other part wanted to leave. . . Pero nanaig ang puso ko at humakbang ako pabalik sa guest room. Nahiga ako sa sofa nang makapasok at niyakap ko lang ang unan na meron dito. Pinikit ko na ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili.

It somehow feels so good and I felt so much better. . .

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon