Gaige's POVMaingat ang paglagay ko ng lip gloss sa labi. Nakapagbihis na ako at medyo pormal na ang dating kumpara kanina. Mas maayos at propesyonal na ang tayo at pananamit ko. Napatitig ako sa maleta at nag-iisip kung saan ko ito pwedeng iwan.
Bahala na nga! Sabay hila ko nito palabas ng banyo.
Tamang-tama ang dating ko sa interview room dahil ako na ang susunod. Napatingin pa ang mga kasamahan ko, pero lahat sa kanila ay napatitig sa dala kong maleta.
I plaster my best smile and I'm trying to be friendly with the person that is next to me.
"H-Hello," tipid na ngiti ko sa kanya.
"Hi..." pilit ang ngiti niya at sa maleta ko agad nakatitig.
"Ba't may dala kang maleta?"
"Uh, m-malayo kasi bahay ko at sa kaibigan ko ako magpapalipas ng gabi. P-Pero kung matangap ako ngayon sa trabaho, sa kaibigan ko na muna ako pansamantala titira," ngiti ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti na sa akin. Tinawag na ang numero niya at tiyak ako na ang sunod. Kinabahan ako sa sarili, at inayos kong mabuti ang tali ng buhok ko. Konti na lang kaming natira at ang mga nakapasa ay nakaupo na sa kabilang upuan. Iilan lang sila at bakas sa mga mukha nila ang saya.
Sana makapasok ako kahit sa second round man lang.
"Number twenty-five?"
Tumayo akong nakangiti nang tinawag ang numero ko. It's funny how my number holds my age. Sana swerte ang dala nito sa akin.
"This way, Miss," tugon niya at maingat akong sumunod na bitbit ang maleta. Napatingin pa siya rito. Pero mukhang okay naman yata dahil wala naman siyang sinabi na iiwan ko.
"You can sit down here, Miss. Hintayin mo lang ang tawag ko, okay?"
"Opo, Ma'am. Salamat."
Pormal kong nilagay ang maleta sa gilid. Iiwan ko muna ito rito kapag interview ko na. Ako lang mag-isa sa bahaging ito at abot ang kaba sa puso ko. I have prepared every answer of their questions in my mind. Kung itatanong man ulit sa akin ang nakaraan ko sa tatlong taon na iyon ay
susubukan kong sagutin ng tama ito.
I swallowed hard and kept looking at my wristwatch because it's been twenty minutes and they haven't called me yet. Wala rin akong nakita na ibang applicant na lumabas man lang.
Tama ba ito? O baka naman nakalimutan na nila ako.
"Miss Gaige Leebody?"
"Yes, Ma'am!" Sabay tayo ko.
Tinitigan niya agad ang kabuuan ako. Mula ulo hanggang paa ang pagtitig niya sa akin. Strikto ang mukha at sa tingin ko nasa edad kwarenta na siya. Maganda ang pangangatawan at buo ang ayos. Makapal nga lang ang salamin niya. Pero maganda ang make-up sa mukha.
"Follow me."
"Uh. . . e-excuse me po?"
Tatalikod na sana siya pero napalingon lang ulit sa akin.
"P-Pwede ko po bang iwan ang maleta ko rito? Baka po kasi bawal sa loob ng interview room," mahinang tugon ko. Nahiya ako sa sarili, pero kakapalan ko na ang mukha ko.
Ibinaba niya ang tingin sa gilid at kumunot ang noo.
"Take it with you because you're not going back to the same room," agad na tugon niya at tumalikod na.
Mabilis kong kinuha ang maliit na melata at hila-hila ito habang nakasunod ako sa kanya. I followed behind her. She's a bit taller than me. Halos lahat ng staff sa Monde Fashion ay mga matatangkad kahit na ang mga kahera nila sa Casino at Hotel ay ang tangkad nila. Swerte na siguro kung makukuha ako, dahil kung height lang ang pagbabasihan ay medyo tagilid ako rito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅
Romance-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise yours to mine. We were ready right? And we are about to get married. I was waiting for you under the...