Chapter 7. Pretend

7.3K 276 15
                                    




Artticu's POV

Pretend


I walk with a heavy footstep while carrying her. She buried her face against my chest while wrapping her arms around my neck. I felt like my heart would jump out of my chest because it pounded so heavily inside me. The feeling that you're holding the most precious gift on Earth, and here she is, in my arms...

Mabilis na binuksan ni Manong Noy ang sasakyan at maingat ko siyang binaba, para maupo na. Bumitaw agad siya at inilayo ang sarili sa akin. She stared at me and my heart throbbed. Seeing her eyes filled with fears and tears made me so angry with those bastard who did this to her.

"It's okay, darling..."

Haplos ko sa pisngi niya. Mabilis siyang umatras at iniwas ang mukha sa akin. Gumuhit ang galit sa puso ko at tiim-bagang na dinukot ang cellphone sa bulsa. Nag vibrate kasi ito, at si Marco ang nasa kabilang linya.

"Bud?"

"I've heard the commotion. He's the son of the Vice-Mayor, Art."

"I bloody don't care. He sexually harassed one of my employees, and I'm a solid witness to it!"

I swore behind my mind while Marco is talking in the line. Gusto kong bumalik sa loob at parusahan pa sila. Pero baka iba na ang magawa ko, at mapatay ko ang mga walanghiya. Bumuntonghininga si Marco sa kabilang linya.

"I'll deal with this. Go home and fix yourself."

"I don't want negotiation, Marco. Let them rot in hell!"

Pinatay ko ang tawag at galit na binalik ang cellphone sa bulsa. Napamura pa ako nang mamasdan ang dumudugong kamay ko. Dinukot ko ang panyo at binalot lang ito.

"Art," si Manong Noy. Napatingin na siya sa kamay ko.

"Home, Manong."

Pumasok ako sa sasakyan at umatras agad si Gaige. Taimtim ko siyang pinagmasdan at bakas pa din ang takot sa mga mata niya.

"U-Uuwi na ako, Sir. Sa kanto mo lang ihinto, Manong," agad na tugon niya.

Dammit! I smirked when I heard it while wiping the blood in my hands. I bit my lower lip and stared at her. Sa labi niya napaku ang mga mata ko at napalunok na siya nang mamasdan ang dumudugong kamay ko.

"May first aid kit sa ilalim ng upuan, Art," pormal na tugon ni Manong habang nagmamaneho.

Napayuko ako at tiningnan kung saang banda ito. Hanggang sa mamasdan ang kamay niya rito.

"A-Ako na."

Siya na mismo ang kumuha at nilapag ito sa gilid. Isang maliit na medical kit bag. Binuksan ang loob at kinuha ang kakailanganin para sa sugat ko. I move closer towards her. Ang layo niya kasi. Pinagdikit ko ang distansya namin dalawa at nilahad ko ang sugatan kong kamay sa kanya.

Inside, I feel excited. And tagal kong hindi naramdaman ang ganito. I miss her touch. I miss her scent. I miss every bit of her...

Tahimik siya habang kinalas ang ginawa kong tali sa kamao. Imbes na alcohol ay ang wet wipes ang ginamit niya. Napangiti ako. Naalala ko lang din ang ganito sa amin noon. She doesn't like me to feel the pain, instead of using alcohol she used a warm damp cloth.

"M-Masakit ba?" mababang boses niya. Seryoso ang mga mata niya sa kamay ko at sa ginagawa. Samantalang ako? Heto, titig na titig sa mga mata niya.

Tumikhim si Manong Noy, at naging dahilan ito nang paglunok ko.

"Hmmm, a little bit..."

"P-Pasensya na, Sir... Pasensya na talaga. Nasugatan ka tuloy dahil sa akin. H-Hindi na po mauulit. Nakalimutan ko kasi ang emergency button ko at nasa locker. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ito," yukong tugon niya habang ginagamot ang sugat ko.

I felt the sharp pain in my fist, and my jaw tightened. I want to complain, but I wouldn't say I like it because I don't want her to stop. I shut my eyes and let my feelings draw deeper at her touch.

I miss you, Gaige... I miss you so much.

I took a deep breath while resting my head on the back of the chair. Hinayan ko na siya at pinakiramdaman ang bawat haplos niya sa kamay ko.

I've been thinking the whole time, what the hell is happening? Why the hell she can't remember me? Is she pretending? Is this her way of punishing me? Bloody hell!

"That's fine. Thank you." Binawi ko na ang kamay ko sa kanya.

"H-Hindi pa po tapos, Sir."

"This will do," I said coldly.

She went quiet and put back the medical kit bag down below.

"M-Manong, s-sa kanto na lang po ako. S-Salamat po."

"Huh, at this hour?" I smirked without looking at her. Kay Manong Noy napaku ang mga mata ko. Tumiim bagang na ako nang tumitig si Manong Noy sa rear-view mirror sa akin.

"O-Okay lang po, Sir. Sa maliwanag na parte mo lang ihinto, Manong. O-Okay na po ako," tipid na tugon niya. Halatang takot ang boses nito.

"Sa bahay, Manong," tiim-bagang ko.

"P-Pero, Sir-"

"Who's your boss, Gaige?"

I stared at her angrily. If I have to tie her up, then I will. Ang tigas ng ulo niya.

"If I'm not mistaken, you haven't finished your shift at work, Miss Leeboy. I'm the fucking boss here, so for Christ's sake, shut up and follow my order."

Napakurap siya at napalunok nang magtitigan kaming dalawa. I looked away. I don't want to see her pain in how she stares at me because it's driving me crazy. She went quiet, and I shut my eyes while thinking of the other things. Ang gulo ng utak ko at nakikisama pa ang puso ko ngayon. I want to ask her. I want to confront, and I want to know the truth. But the hell, it's useless.

Nang makarating sa mansyon ay naunang lumabas si Manong. Kilala na niya ako, pagdating sa mga bagay na ganito. Probably Gaige is the first woman that I have taken with me here in the mansion. Ang iilan sa kanila ay hanggang condominium ko lang. Pero sa pagkakataong ito ay sa bahay ko siya gustong dalhin at hindi sa iilang condominium ko.

Nakatayo lang din ako at hinihintay na lumabas siya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at tiningan na siya sa loob.

"Aren't you coming out?"

"P-Po? Y-Yes, Sir."

Lumabas siya pero nakatitig lang din sa duguan na kamay ko. Napatingin na tuloy ako rito. Ngayon na medyo kalmado na ang pakiramdam ko ay saka ko pa lang naramdaman ang hapdi nito.

"Come on, Miss Leeboy."

I purposely put my hand on her waist and guided her. I can feel how her body tense, and so is mine. Damn it! This damn feeling is killing me.

"Dios ko! Ano ba ang nangyari sa kamay mo, anak?" si Manang Nancy. Sinalubong niya kami. Bahagya akong ngumiti at bumuntong hininga na.

"Take her to the guest room, Manang."

I walk away from them without looking back. I feel agitated at the same time annoyed with my situation. I need to freshen-up, loosen-up and clear my mind. Magulo ang utak ko at pagod ang katawan ko dahil sa biyahe. Pero kahit papaano ay gumuhit ang konting pag-asa sa puso ko.

If she's pretending, then I will pretend too. Let's see who will give up first. Sisiguraduhin kong hindi ako.


❤️❤️❤️

C.M. LOUDEN

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon