Chapter 22. No way

5.4K 223 20
                                    


Gaige's POV


After a heavy meal I feel bloated again, and here I am staring at the deep blue ocean. Inhinto ito ni Atticus sa bahaging malapit sa isla at walang ibang tao rito maliban sa aming dalawa.

We watched the sunset and was about to go, but the wind changed a little bit on it's directions and it's giving him warnings. Kaya imbes na aalis na kami ay mukhang ipagpabukas na lang daw namin.

I was about to throw tantrum as I wanted to be back at the resort. Pero nang makita ko ang napakakapal na ulap na kulay itim ay nabalot ng takot ang puso ko. Kaya sumang-ayon na ako na sa bahaging isla muna kami magpalipas ng gabi.

I could feel the yacht swaying, dancing like it's on top of the swing. Masyadong maalon na ang dagat at ang bilis nagdilim ng langit.

Mula rito ay iilang metro lang ang buhangin at pinagmamasdan ko si Atticus mula sa malayo na may inaayos.

He set up the tent for us amongst the tree. Pero mukhang nahihirapan yata siya dahil sa lakas ng hangin na ngayon ay nagsisimula na.

Gusto ko sanang bumaba sa yateng ito, dahil pakiramdam ko ay masusuka na ako. Hindi magandang ideya na manatili kami sa yateng ito ngayong gabi dahil baka tangayin ito ng malakas na alon. Iyon ang sabi niya sa akin kanina.

"A-atticus!" sigaw ko. Pero parang ako lang yata ang nakakarinig sa sariling boses ko. Kinakabahan kasi ako sa sarili.

"Atticus!" 

Wala nga namang silbe dahil hindi niya ako naririnig dahil malakas ang hangin. Napabuntonghininga ako sa sarili at mabilis kong kinuha ang makapal na jacket niya.

He offered this to me earlier but I did not accepted it. Kaya nilagay niya lang sa upuan ito para magamit ko. Isinuot ko itong mabilis at napahawak ako sa hawakan ng yate para makababa.

I have no extra clothes with me. I did not bring any. At kung mababasa man ako ay tiyak mababasa nga at giginawin ng tudo. Bahala na.

When my feet touches the ocean water I feel the beat of my heart getting faster. Hindi naman ako takot sa tubig dagat dahil ang lalim ng dagat ang kinatatakutan ko. At ngayon ay alam ko sa sarili na malilim ang dagat pero nang makita ko si Atticus kanina na bumaba at hanggang hawakan lang niya ito ay napanatag ako. Hindit ito malalim, pero kasi matangad siya at ako? Siguro hanggang boobs ko na.

My goodness me! Sigaw ng isip ko nang malublob ang katawan ko sa tubig. Tama ako kanina, hanggang boobs ko lang ito at okay lang dahil kaya ko naman na maglakad patungo sa dalampasigan. Nakataas ang dalawang kamay ko. Ayaw ko kasi na mabasa ang jacket niya. Dahil ito ang susuotin ko.

Atticus didn't notice me as he was busy doing the tent and picking up wood branches for the fire.

"Atticus," saad ko. Iilang metro na ang layo ko sa kanya at mabilis siyang napalingon sa bahagi ko.

"Gaige? What the - "

He looks worried while looking at my whole body. I was dripping, wet, and I am cold.

"I told you to wait there, darling."

Humakbang siya palapit sa akin, at mabilis niyang hinaplos ang mukha ko. Napatitig ulit siya sa kabuuan ko.
Kalahating hubad ang katawan niya, at kagaya ko ay basang-basa rin ang suot niyang pantalon.

"N-nakakasuka kasi sa yate. L-lumalakas na ang alon e."

Napatingin siya sa yate at nagsasayaw ito sa alon ng dagat. Napatitig ako nang husto sa mukha niya at napatiim siyang nakatitig sa yate mula rito.

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon