Chapter 45. Chase

5.1K 215 11
                                    




Gaige's POV


Hindi mawala ang ngiti sa labi ko at panay ang sunod ko kay Diezel ngayon. He's a good person to begin with and we introduced ourselves formally yesterday. Anim na araw na akong nakakulong sa isla at kahapon lang kami naging kaswal sa isa't-isa. I have a plan to escape and that I'm keeping it as a secret.

"Marami pa ba tayong bibilhin?" Ngiti ko sa kanya habang kumakain kaming pareho sa hilaw na manga.

"Hmm, let me see. . . "

Inilabas niya ang mahabang listahan at mas ngumiti ako. Sa wakas matatagalan ang pamamalengke namin dito sa maliit na probinsyang ito.

I have no idea where we are and who cares if we are on the other side of the country. Iba ang lingwahe ng mga tao rito at mukhang pinaghalong bisaya at tagalog ito. Hindi ko ito maintindihan.

Binasa ni Diezel ang lahat ng bibilhin at abala naman ang mga mata ko sa paligid. Tahimik medyo ang wet market at magulo lang sa bahagi na kung nasaan ang iilang paninda ng mga gulay, karne at isda. May iilang grocery stories sa gilid at iilang pharmacy na nadaan namin. Nakita ko rin ang pampublikong toilet at mukhang malaki ang espasyo nito. Pwede kang dumaan sa harapan at lumabas mula sa likod nang hindi namamataan ng kasama mo.

"Powdered milk? What the - " Mura niya at nahinto na siya. Ibinalik ko na ang titig kay Diezel ngayon at namula na ang pisngi niya dahil sa dami ng bitbit at may gatas pa siyang bibilhin sa pharmacy.

"Hindi ba pwede na sa loob ng grocery ang gatas na iyan? E, sino ba kasi ang iinom ng gatas? Ikaw ba?" pagbibiro ko. Napatitig na tuloy ako sa kabuuan ng katawan niya. Nakakatawa dahil sa laki niyang ito ay gatas pa pala ang iniinom niya.

"Who bloody knows." Iling niya sa sarili.

"I just need to complete what's on the fucking list as per ordered." Sabay talikod niya.

Nagmura siya sa salitang Italyano at hindi ko maintindihan ito. Ang dami niyang sinabi pero wala akong maintindihan dito, at isa lang ang napagtanto ko, galit na siya at mukhang naiirita na sa lahat ng nakikita niya at gusto na niyang bumalik sa isla.

"Let's go back after this. I had enough," saad niya. Sabay kaming pumasok sa loob ng pharmacy at tahimik lang din ako sa sarili. Inubos ko na ang pagkain ko at itinapon sa basuran ang plastic.

I was quiet while sitting and watching Diezel down the counter to pay. Kung tatakbo ako ngayon at iiwan ang lahat ng mga pinamili namin ay tiyak mahuhuli lang din niya ako. Mabilis siyang tumakbo at nakakatakot ang katawan niya kapag tumama ito sa maliit na katawan ko.

Napalunok ako sa sarili. Hindi magandang ideya ito, kay mag-iisip ako ng ibang paraan para makatakas dito.

Natapos siya at balik na binitbit ang lahat. May bitbit din ako at tatlong supot ito. Maraming prutas kaming binili at sangkatutak na isda at karne.

Nahinto kaming pareho ni Diezel sa tapat mismo na kung saan ay nakaparada ang mga motosiklo na masasakyan mo. Nasa harap naman nito ay ang pampublikong toilet.

Pumara si Diezel at huminto ang isang tricycle sa harapan namin.

"Sa port manong," tugon niya. Tumango si Manong at tinulungan kaming maghakot sa lahat ng binili namin para maisakay ito sa loob.

Sa port ang huling destinasyon dahil nondoon ang yate na ginagamit namin. Tumikhim ako at hinawi ang mahabang buhok ko. Ngumiti ako kay Diezel saka nagsalita.

"Pwede ba akong maihi?"

Tumaas ang isang kilay niya na parang nagdududa sa akin. Napatingin siya sa mismong toilet na nasa tapat na kung nasaan kami. Kailangan mo pang tumawid para marating ito at makapasok ka sa loob.

The Billionaire's Forbidden Desire (MBBC#7)✅  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon