Walumpu't Isa (Sulnupan)

2 0 0
                                    


Hinagkan ng hanging maginaw ang aking pisngi sa paglisan ng abang araw, haklit ang karimla'y umalingawgaw sa papawirin ang nakabibinging tinig ng mga ibong dilim. Batid kong nagwakas na ang lambing ng init ngunit hindi ako nangangamba, bago pa man marating ng araw ang kaniyang kabantuga'y pinitas ko na ang tangan niyang panata, na muling sisikat ang pag-ibig sa lupaing inangkin ng dalita.

-ChristianB | Sulnupan

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon