Piping pintig na sa dusa'y hasa,
Lambingin man ng lira'y didingging kutya.
O anong tamis ang nalirip sa pakla,
Pagtangis mo'y bakit wala ng luha?Dalitang itinanim nila'y nagbunga,
Binhing nagyabong, karimla'y adhika.
Patawad bata, sinakdal sa dusa.
Yaong mga nagtanim nalagda na sa lupa.Ligaya ba'y muling maiibigan?
Sa dalita ba'y magnanasang lumisan?
Ibigin mong muli ang pintig na namaalam.
Ligayang di pasubali nawa'y muling makamtan.-ChristianB