Isa (Lakambini)

98 5 0
                                    


Sa arkong ikaw ang diwata,
Lakambini, kay hirap
pakatitigan ang iyong mata.
Paghakbang sa balantok
na akay ng iyong lakandula,
Tila ba'y pagmartsa na
sa alpombra ng dambana.
Kutyang hatid ng kay
giliw na mga mariposa,
Hatid nila'y dilaab,
walang kamatayang pagsinta.

-ChristianB

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon