Katawa-tawang pagmasdan,
Ngiting na sa labi'y hinuhulma ng huwad na kaligayahan.
Pag-higa sa tinik ng rosas ba'y ginawa mo ng libangan?
Dugong pumapatak ba sa iyong katawan syang papawi sa uhaw na iyong dinaramdam?
Sa pag-ukit sa lapidang palamuti'y pamamaalam,
Langhapin ang kay tamis na halimuyak ng iniirog mong kamatayan.-ChristianB