Tahanan kong dampa,
Karimla'y inibig ang iyong lampara,
Mga gamu gamo mong bata,
Nagsisipulasang hating mga tanga.Banaag ng silanga'y nais masila,
Sa gitna ng mapang aliping sigwa,
Panatang iya'y paano mailalathala?
Kung bagwis ng mga bata'y himbing sa katha.Kakampi'y kalaban, kalaba'y sinasamba,
Aliping hibang ng mga bisig
na di maipag isa,
Kung panaginip ang paglaya
Mamatay tayong umiibig sa ating tanikala.-Maligayang Araw ng "Kalayaan"-
-ChristianB